Darkweb para sa mga whistleblower?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Ang tatlong ito ay naipaliwanag at napag-iba iba na sa nakaraang video.

Alam mo na din na halos iilan lamang ang may access sa pinaka malalim na parte ng internet. Alam mo na din na halos karamihan ng gawain na nasa dark web ay masasama at illegal.

Para sa mga tao may sapat o kaunting kaalaman patungkol sa bagay na ito, pag sinabing Darkweb; maiisip nila kaagad ang mga bentahan ng illegal na bagay na maaring makita sa blackmarket. Halimbawa na lamang, mga bagay na kailangan mo ngunit hindi maaring malaman ng ibang tao o kahit sinong tao na ito binili mo.

That’s how dark web works. It can really hide your identity, well depende na lamang kung gumamit nang kung talagang peymus ka again, we have discussed this sa darkweb video. Napakahirap matrace ang darkweb, possible pero marihap. Sa maniwala ka man o hindi, minsan ay mayroon ding nagagawang maganda ang Dark web.

Mula sa tagong-tagong identity ng isang tao, maari itong makapagbigay ng isang Top secret infomation and evidence nang hindi nalalaman ang katauhan nito. Ito ang mga tinatawag na “Whistle Blower”. Malamang kilala mo naman ang isang whistle blower, ito ang mga taong mayroong tibay at lakas ng loob na parang si captain barbel. Ang buhay ng isang whislte blower ay delikado dahil mahalaga ang  nalalaman nito. Dahil dito gagawa at gagawa ng paraan ang taong kanyang isusumbong upang hindi ito makapag salita ng kahit ano.

Teka lang, bakit kailangan pa nang special and secret website para lang magsumbong? Pwede naman itext na lamang gamit ang isang cellphone, i-chat sa facebook or other website na madaling i-access. Bakit hindi? subukan natin mag-isip ng ilang posible at maaring mangyari kung ang isang whislte blower ay gumamit neto.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay Nicole Fermin. At ito ang Ask bulalord.

Methods:

Sending Emails With Python – Real Python

Kung cellphone ang ating pangsend, o hindi naman ay pantawag upang makausap ang iyong pagsusumbungan.Maari nitong mahanap ang lokasyon base sa signal na naibibigay ng iyong phone.Dahil sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na mahirap hanapin ang isang tao sa ilang click lamang at ilang paggamit ng mga application.

Dummy acc. on facebook and other site, para isang hacker o isang tao na maalam sa computer hindi na mahirap kilalanin kung sino ba talaga ang gumagamit ng acc. na ito. Gamit ang ilang app or website at ilang mga tao, maari nang malaman ng isang tao ang IP address na ginagamit ng iyong computer. Kapag nalaman ang IP address, malalaman ang lokasyon mo, hindi eksaktong lokasyon pero meron na silang idea kung saan ka banda.

 

Ang Dark web ay popular para sa mga ilang anonymous person upang maipahayag ang kanilang nasa isip patungkol sa nagagawa ng isang gobyerno o patungkol sa isang mataas at maimpluwensyang tao. Ito din ay puno nang mga taong gustong maglabas ng kanilang mga hinanakit at mga sama ng loob nang hindi nahihirapan itago ang kanilang pagkatao.

 

Ang ilang mga grupo o mga activist ay madalas nagagamit ang mga ganitong bagay upang makapag kalat ng ilang mahahalagang balita na ayaw ipaalam ng gobyerno sa mga tao. Mula dito maikakalat nila ito nang madali.

Reliability:

100 of the Most Effective Ways to Boost Machine Reliability
 

Paano malalaman kung reliable nga at mapagkakatiwalaan ang taong nakakausap mo sa lugar na ito. Sa, totoo lamang walang posibleng sagot. Sabihin na natin na ang impormasyon na ibinigay ng isang anonymous person ay maaring maging steping stone para sa isang tao na naghahanap ng kasagutan.

 

Sa pagpasok mo sa site na ito, madaming impormasyon ang makakakuha ng iyong atensyon. Huwag agad magtiwala at maghanap pa nang ibang impormasyon patungkol sa mga bagay na iyong nakita. Hindi lahat ng nakikita sa darkweb ay totoo, karamihan duon ay gawa gawa lamang.  May mga iilan na legit naman pero be wise, hindi porket Makita mo ang isang article na umaayon sa iyong paniniwala eh maniniwala ka agad.

 

May mga conspiracy na talaga namang may roong sense katulad na lamang ng privacy act kung saan ang gobyerno ay posibleng malaman ang ating lahat ng ginagawa online. Ang mga war logs kagaya ng Iraq at iba pang giyera. 

Famous Whistle blower:

Edward Snowden: Germany a ′primary example′ of NSA surveillance ...

Kilalanin natin ang ilang whislte blower na gumamit ng bagay na ito at tagumpay na nakapagbigay ng isang tagong impormasyon.

 

Nariyan si Edward Snowden. Ang lalaking ito lang naman ang naglabas ng isang mahalagang impormasyon mula sa gawain ng National security Agency ng United States. Ang lalaking ito ay nagtrabaho bilang isang employee at subcontractor ng  Central Intelligence Agency (CIA) noong 2013. Doon ay nakita, nalaman, kinopya at ipinakita sa madla ang gawain ng National security ng United States. Kasama pa ang tatlong bansa na : Australia’s ASD, United Kingdom’s GCHQ at Canada’s CSEC. Ang apat na bansang ito ay matagal nang nakikita ang  mga personal information kung ano ba ang ginagawa ng mga tao sa kanilang mga computer.

 

Hindi lamang sa computer ngunit maging sa ginagamit na cellphone nang mga US citizens. Narerecord ng mga ito kung saan ka nagpupunta, kung ano ang ginagawa, mga binibili through online at lahat ng taong kinakausap mo. Ang lahat ng ito ay alam ng NSA at binabayaran ito o pinopondohan ng gobyerno.

 

Ayon kay Snowden,”I do not want to live in a world where everything I do and say is recorded,” , ito ang dahilan niya kung bakit niya ipinaalam sa mga tao ang kanyang nalaman mula sa ginagawa ng gobyerno. Dahil dito nalaman ng maraming tao ang gawain na hindi sinasabi ng gobyerno.

 

Isama na din natin si Chelsea Manning o Bradley Edward Manning. Ang transgender na ito ay isang American activist at isang former soldier ng United States Army. So, ano ang kanyang ginawa? Inilabas lang naman nito ang halos 750,000 classified at unclassified na military at diplomatic documents sa site ng Wikileaks.

 

Base sa research, kasama sa kanyang inilabas ay ang ilang video na nagpapakita nang naganap noong July 12, 2007, Baghdad airstrike at noong 2009 Granai Airstrike na naganap sa Afghanistan. Kasama na ang  400,000 documents na kinilala bilang Iraq War logs. Mula sa isang file na nakalagay sa Laptop at inilipat sa isang SD card, ang lahat ng impormasyon ay kanyang nailabas.

 

Dahil sa kanyang ginawa, ito ay nabigyan nang halos 22 offenses at mula noong march 2019, makukulong ito nang pitong taon at matatanggalan ng pwesto bilang isang sundalo ng America.

 

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

WikiLeak:

WikiLeaks, the Whistleblowing Journalism in Manner of the 21st Century

Ang tambakan nang mga anonymous letter, news at mga top secret infomation ang Wikileaks. Ang susunod na tanong ay sino ang gumawa nito?

 

Kilalanin natin si Julian Paul Assange na isang Australian editor, publisher, at isang  activist na gumawa ng Wikileaks. Dahil sa taong ito, nalaman ng mga tao ang patungkol sa drone strikes na nangyari sa  Yemen,  ang corruption across the Arab world, extrajudicial executions ng mga  Kenyan police, 2008 Tibetan unrest in China at ang “Petrogate” oil scandal in Peru.

 

Mula sa mga anonymous person at mga tagong personalidad na nagtatrabaho sa ilan gobyerno na gustong ikalat sa mundo ang kanilang nalalaman ngunit takot na magpakilala dahil sa panganib ng kanilang ginagawa. Isa din itong kilalang hacker at naakusahan sa iba’t ibang kaso.

 

Ayon sa research, mula noong 2015 nakapaglabas na nang halos 10 million documents at ilang associated analyses na mula sa mga matataas na samahan at iba’t ibang gobyerno ang taong ito. Hanngang ngayon ay naka kulong ang taong ito habang dumadaan pa din sa matinding imbestigasyon mula sa mga bagay na kanyang nagawa.

 

Nalaman na natin kung ano ang maaring mangyari kung gagalawin natin ang mga pinaka kinatatagong sikreto ng pinaka malalaking gobyerno. Ang pagiging whislte blower ay hindi madaling bagay at madaling gawain. Ang paglalabas ng impormasyon ay delikado hindi lamang sa taong naglabas neto ngunit maging sa mga kasama niya sa buhay.

 

Dahil sa Dark web, ang mga matatapang na ito ay nakakatulong upang maipakita sa mga walang muwang na mamayan ang mga bagay na hindi ipinapaalam ng mga namumuno sa kanila.

 

So, kung ikaw ay gagamit ng Dark web, well hindi ko naman sinasabi na gumamit ka. Mag-ingat at siguraduhin na alam mo ang iyong ginagawa at handa ka sa mga magiging resulta. Ang pagkakaroong ng kaalaman patungkol sa mga tagong bagay ay hindi nakakaganda kung minsan. Ngunit kung hindi natin ito alam, tayo ay mbubuhay sa ilang kasinungalingan na atin nang kinalakihan.

 

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Nicole Fermin. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

 

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

 

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

 

Sources

Sources

  1. https://en.wikipedia.org/wiki/Chelsea_Manning
  2. https://en.wikipedia.org/wiki/Julian_Assange#Hacking
  3. https://www.deepweb-sites.com/dark-web-whistleblowers-work/
  4. https://en.wikipedia.org/wiki/Edward_Snowden#Revelations

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Manananggal

Laman Lupa