CPU 4 8 Cores VS GPU 1000+ cores

Reading Time: 4 minutes

Ano nga ba ang GPU, ang iba sasabihin ito ung video card. You are correct boss, ito nga ang video card pero kung iisipin mo, nuong panahon pa ng tomb raider kung saan puro linya pa at ngayon na mas realistic na, sobrang layo na ng narating ng technology ng GPU.

 

Ang GPU ay tinatawg na graphical processing unit, isang processor na ginagamit mara maiprocess ang mathematical at geometric problems. Ang GPU ay kumukuha ng specific na workload at tinatrabaho nya ito ng mas mabilis. Ang GPU ay may tinatawg na architecture at ito ang CUDA, hindi ung Cuda ng cuda ha, iba un. Ang CUDA ay dinesign ng NVIDIA, ang CUDA ay abbreviation ng Compute Unified Device Architecture.

 

Ang CUDA ay ginawa ng NVIDIA para sa parallel computing. When we say parallel computing mga boss, ito ung process ng paghahati hati ng mga trabaho o computer problems sa mas maliit na mga issue at icocompute ito ng sabay-sabay.

 

Para malaman natin kung papaano nasosoolve ang mga computer problems na ito, kailangan natin malaman kung ano ba ang ginagawa ng isanc core. Kapag sinabing core sa mundo ng computers, kadalasan ito ung processor na nakakatanggap ng set of instructions at magpeperform ng calculations base sa mga instructions na yun.

 

Ang CUDA core ay present sa mga GPU at mayaroon itong mga tiny subcores na nag bbreak down ng computer problems at ito ay sinosolved simultaneously ng mga subcores.

 

Ilan ang alam nyong cores ng cpu ngayon? 4? 8? 16? Well, walang sinabi yan sa core ng GPU, dahil ang core ng GPU ay umaabot ng 1000+ cores. Yes mga boss, halimbawa na lang ang Geforce GTX 1080, meron itong tumataginting na 2560 Cores!

 

Sympre sa mga iba jan magtatanong, kung maraming cores ang GPU bakit kailangan pa ng CPU? Magkaiba kasi sila ng function boss. Kumbaga, ang CPU ang screwdriver na all in one, mabubuksan nya kahit anong screw habang ang GPU ay pang philip screw lang. Logically speaking ang CPU ay multipurpose at kahit games kaya nitong ihandle per hindi yung demanding.

 

Ang CPU ay mayroong mataas na cache para sa memory nito kumpara sa GPU. Ito ay sa kadahilanang mas kakaunti ang cores ng CPU kaya’t mas mataas ang memory cache. Habang ang GPU nman ay mas maliit na memory cache dahil kaya nitong maghandle ng malalaking instructions at kayang iexecute simultaneously.

 

So ano ang pinagkaiba ng CPU at GPU pagdating sa gaming? Kung ikukunsidera natin mga boss ang isang 3D model, Ang GPU ang magiging responsable sa hugis, kulay at texture ng mga models. Ang paraan ng GPU dito ay ididivide ang mga complex surface sa triangles. Bawat triangle ay may specific data na syang hinahandle ng particular na subcore ng GPU.

 

Habang ang GPU ang kumakana ng artistic rendering, ang CPU ang magiging responsable sa pagtataguyong ng rules ng gameplay. Halimbawa kapag naglaalro tayo ng First Person shooting game, ang CPU ang magcacalculate ng factor o ung hit box. Ang hitbox ay mababawasan base sa pagtama ng isa pang bagay sa specific region.

 

Ayan ang pinagkaiba ng GPU at CPU mga boss, altho mas maraming cores ang GPU, mas all around naman ang function ng isang CPU.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nilalagyan ng sapatos ang mga kabayo

Pyramid nakita sa Antartica?