Bkt naniniwala Tayo Sa Mga Maligno?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Magmula noong ikaw ay bata pa, madami ka nang naririnig na kwento patungkol sa mga aswang , manananggal, kapre, duwende, engkanto at sa maraming bagay na mula sa ibang mundo. Alam na natin na ang mga ito ay parte na nang ating kultura bilang isang pilipino, ang mga bagay at nilalang na ito ay matagal nang namumuhay sa ating imahinasyon. Kung titignan, hindi lamang tayong mga Pilipino ang naniniwala sa mga ganitong nilalang. Maging sa ibang bansa ay mayroon silang iba’t ibang kwento patungkol sa mga nakakatakot na nilalang.

Lumabas na din ang iba’t ibang palabas patungkol sa mga ito. Ang mga pinakasikat ay ang Harry potter, IT ,Conjuring at ang Supernatural. Kung sa Pilipinas naman ay ang Shake rattle and Roll, okat okat at ang classic, gabi ng lagim na patungkol sa mga namumuhay na nilalang sa ating bansa.

So ang pinakamalaking tanong, bakit hanggang sa panahon ngayon ay naniniwala pa din tayo sa mga kwento na ito.

Ghost,supernatural is real?:

Ayon sa isang poll na nangyari noong nakaraang taon, lumabas na halos 45% ng mga American ang naniniwala sa multo, nakakita ng multo at maging nakaramdam ng kanilang presensya. Naniniwala din ang mga ito na ang mga multo ay ang ang mga mahal natin sa buhay o ang mga dating tao na hindi pa nakakaakyat sa langit.

Ayon sa isang Ghost and Gravestone, kung ang isang tao ay nakakita o nakaramdam ng isang bagay na hindi niya alam kung ano ito; dito pumapasok ang paniniwala na isa itong gawa ng ibang nilalang. Halilmbawa nalang kung bakit lumalamig ang iyong batok ngunit wala namang dumaan na hangin, biglang sumara ang pinto, mayroong kang narinig na ibang boses ngunit wala ka namang nakitang ibang tao.

Isa sa paniniwala ng mga tao ay mayroong kabilang buhay kung tayo ay mamamtay. Ang ating kaluluwa ay hihiwalay sa ating katawan at dito naniniwala ang karamihan na ang esperito ng kanilang mahal sa buhay ay nasa paligid lamang. Ang mga taong ayaw paalisin ang kanilang mahal sa buhay ay gagawa ng kahit anong paraan upang ito ay makausap sa huling sandali. Dito nag-uumpisa ang kwento na nakita nila ang kanilang mahal sa buhay. Madaming tao na din ang nagsasabing kaya nilang kumausap ng multo.

Hindi lamang ang mga normal na tao ang naniniwala sa mga ganitong nilalang. Ayon sa isang research, ang scientist na si Albert Einstein ay naniniwala na mayroon ngang multo. Ayon sa basic Physics, kung ang isang tao ay mamatay, ang enerhiya neto ay mapupunta sa kalikasan. So, ang init sa katawan ng isang tao ay maaring mapunta sa mga mga halaman. Kung tayo naman ay maiililibing, ang ating katawan ay pagpipiyestahan ng mga uod at nang iba pang bacteria.
Ang mga kakaibang temperatura na nakikita ng mga ghost devices ay maaring dahil dito.

Sa panahon ngayon, madami na ang mga kumakalat na sighting patungkol sa mga multo. Kung ikaw ay mahilig sa mga ganitong palabas, malamang ay kilala mo ang mga palabas katulad ng “Misteryo“. Dito ay gumagamit sila ng iba’t ibang pandetect sa mga multo. Minsan ay mga masasamang elemento na namumuhay sa isang abandonadong bahay, isang malaking punu o sa mga inabandonang lugar.

Mayroon namang ilang mga coverage patungkol sa mga lugar sa baguio, kilala ang bagyo dahil sa lamig at ganda ng tanawin. Ngunit kilala din ang lugar na ito bilang nakakatakot na lugar. Ang Episode na makikita sa I-witness ay ang coverage ni Jay Taruc patungkol sa isang kilalang bahay na tinatawag na “No.14 Laperal“. Ang lumang bahay na ito ay naitayo pa mula noong 1930’s. Dahil sa mga nakakatakot na kwento, ito ay kanilang inembestigahan.

Kinabitan ng CCTV ang bawat sulok ng bahay upang makita kung ano ba talaga ang nangyayari dito. Sa pagsapit ng alas tres, nagsimulang maganap ang mga kakaibang bagay, is ana nga ang paggalaw ng cctv ng wala namang tao. Para sa mga hindi nakanuod neto, iba’t ibang pangyayari ang kanilang naranasan sa loob ng bahay. Mga anino at mga kakaibang tunog ng kaluskos ang ilan lamang sa kanilang naranasan. Doon ay ilang ulit nilang inayos ang cctv sa isang kwarto. Noong ang kwarto ay kanila nang nilisan, isang boses ang kanilang narinig at nagsabing “Nandito na kami”.

Ngunit ang iba ay gumagawa ng paraan upang sila ay mapansin, sila ay gumagawa ng kanilang sariling multo. Dahil dito, ang iba o ang karamihan ay pinaniniwalaang kalokohan ang lahat ng ito.

Study:

Ayon sa isang research, ang mga tao ay may tinatawag na cognitive bias kung saan ang mismong pagtingin at pag-intindi sa isang bagay ay nabibigyan ng kanyang utak ng sariling pananaw. Mula sa ating naririnig at nakikita, nakakabuo tayo ng isang bagay na wala naman talaga.

Isa pang dahilan ang tinatawag na power suggestion. Ang bagay na ito ay isang paniniwala na kung saan mula sa ibang tao. Dahil ito sa isang kwento at paniniwala ng mga tao sa iyong paligid. Kung ang isang tao ay nasabihan patungkol sa mga supernatural na elemento na maari niyang makita, mabubuo ito sa kanyang utak at maaring makabuo ng isang takot. Dahil dito, maaring maapektuhan ang kanyang utak at makita ang mga bagay na hindi naman talaga nabubuhay.

Ang salita ng isang tao ang isa sa pinaka delikadong parte ng ating katawan. Mula sa ating sariling paniniwala, gamit ang salita, ito ay ating naiipapasa. Ito ay parang backmasking kung napanood nyo un, kung sasabihin ng isang tao na mayroon kang maririnig, mayroon ka talagang maririnig. Kung sasabihin na mayroon kang makikita, ang utak mo na mismo ang gagawa ng paraan upang mabuo ang imahe na iyon. Kapag ang isang imahe ay nabuo na sa ating utak, gamit ang ating mata; makikita natin ito.

Ang utak ng isang tao ay isang magulong lugar, minsan ay hindi din natin maaring pagkatiwalaan ito. Dahil mula noong ikaw ay bata hanggang sa ngayon, ang utak mo ay laman na nang mga kababalaghan na mula sa iyong mga kaibigan. Ang isa pang mapanlinlang ay ang ating mga mata. Kung minsan ay nakakahagip tayo ng mga anino at iba pang imahe at doon ay kung ano-ano na ang ating iisipin.

Ayon sa isang researcher ,

“Presumably, what they’re doing is, they’re remembering the time they imagined it,”when they’re imagining something, it’s so much like the real thing — maybe more so than it would be to the likes of me — they’re more likely to make a false memory.”

Mula dito, maniniwala na tayo na ganoon nga ating nakita.

Tulad ng paniniwala natin sa mga multo, ito ay tulad lamang din ng ating paniniwala sa mga pamahiin. Tulad na lamang ng mga pagsasabi ng tatabi-tabi po, pag wawalis sa gabi, pagkatok sa kahoy at iba pang pamahiin na mayroon ang isang lugar. Kung ang mga bagay na ito ay nakalakihan at lagi na nating nakikita, ito ay magagagawa na na din natin ng hindi natin napapansin. Para sa iba, wala namang masama kung ito ay kanilang gagawin.

Ayon sa research, dahil ang mga tao ay natural na mababait, maintindihin at maalahanin. Ang mga kwento at mga payo na kanilang naririnig ay kanilang ipinapasa sa iba upang ang mga ito ay hindi mapahamak. Ang mga kwento patungkol sa paniniwala ng ibang lugar, tungkol sa mga diyosa, multo , engkanto at iba pa’y kumakalat dahil na din sa mga bumisita dito.

Ang mga paniniwala na ito ay maari ding makatulong sa ating pamumuhay. Well, dahil hindi naman masama ang maniwala sa mga pamahiin dahil ito ay wala namang masamang dala. Maaring ang mga pinaniniwalaan ng isang tao ay maaring maglagay sa kanya sa kaligatasan. Ang pagiging maingat dahil sa ilang paniniwala ay isang bagay upang walang mangyaring masama. Minsan kung naniniwala kang swerte ang araw mo maari itong maging swerte at maganda. Ang ialng paniniwala ay maaring makatulong sa isang tao kung paano niya tignan at intinihin ang isang bagay.

Kahit na mayroong nang naglabasan na explanation patungkol sa mga multo, maligno at kahit ano pang nilalang. Kahit na naiipaliwanag ng siyensya ang ibang bagay na minsan ay lumalabas sa larawan, kakaibang tunog o kakaibang lamig, hindi mo mapipigilang mapa-isip kung ikaw na mismo ang makakakaranas ng mga bagay na ito. Dahil sa mapaglarong isipan ng isang tao, nabubuhay ang mga nilalang na ito.

Kung hindi ka pa din naniniwala na mayroon ngang multo, huwag mo nang hangarin na makakita ng isa. Igalang na lamang natin kung ano man ang paniniwala ng isang kultura. Kung iisipin, ang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakakaganda pa sa isang lugar, dahil sa mga paniniwala, natatakot ang iilan na putulin ang isang puno. Mga puno mula sa mga magagandang lugar. Natatakot silang pasukin ang isang bahay. Kung minsan ay nakakahanap ng isang pag-asa ang mga tao mula sa isang multo. Pag-asa na ipagpatuloy ang buhay.

Ang mga tao ay mayroong kalayaan na paniwalaan ang kanyang sariling paniniwala.Kung gusto mong maniwala, wala namang pumipigil. Kung ayaw mo naman ay ayos lang din.It’s your own choice.

Huwag gumawa ng isang kalokohan, gawin mo kung ano ang makakapagpasaya sa iyo. Tandaan, mas nakakatakot ang multo ng kahapon kumpara sa mga pagala-galang multo.

So in conclusion, kaya tayo ay naniniwala sa mga maligno ay dahil gusto natin ng mga hindi maipaliwanag na bagay, dahil ito ang nagbibigay sa atin ng imahinasyon na baka nga, mayroong nilalang sa kabilang mundo na hindi natin nakikita, na baka nga, hindi lang tayo ang nasa mundong ibabaw.
Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Hero 2.0. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  • https://www.livescience.com/26697-are-ghosts-real.html
  • https://www.youtube.com/watch?v=GB5lXofe3mo
  • https://www.ghostsandgravestones.com/believe-in-ghosts
  • https://www.realsimple.com/health/mind-mood/why-people-believe-in-ghosts
  • https://www.livescience.com/52641-science-of-paranormal-ghosts.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Dahil walang makitang darkmatter?

Dracorex