Bakit walang Aurora Borealis sa Pinas?

Reading Time: 18 minutes

Topics

Nakakamangha kapag tumingin ka sa langit tapos may makikita kang kakaibang liwanag na parang kurtina. Sayang nga lang at hindi ito nangyayari dito sa pinas hindi natin nakikita ang napagandang tanawin na ito Pero paano nangyayari ang aurora? Ano bang meron at bakit hindi ito kita sa ibang parte ng mundo? May favoritism?

Ang tanong na ito ay mula kay Kira ng nginig TV. Para sa mga gusto ng mga horror channels, check nyo po ang channel nya, nakalagay din po sa descriotion, maraming magagandang narration duon at kung hilig nyo ay mga tagalog horry story, bisitahin nyo po. Anyway, Roll intro.

Aurora Mythology:

A Totally New Type of Aurora Has Been Documented in The Northern Sky

Bago natin kilalanin ang bagay na ito, alamin muna natin kung ano pinaniniwalaang kwento ng mga taong nakalakihan na ang bagay na ito. Sympre ngayon alam na natin ang dahilan nito pero nuong unang panahon, ano kaya ang paniniwala ng mga tao dito?

Kung ang mga ancient Greece at mga Romano ang tatanungin, ang salitang Aurora Borealis ay mula sa salitang griyego :”Aurora” na ang ibig sabihin ay “Sunrise” at ang “Boreas” na ang ibig sabihin ay “Wind” o hangin. Ayon sa mga griyego, si Aurora ay kapatid ni Helios, ang araw at ni Seline na pinaniniwalaang buwan. Bago pa mag-umaga, si Aurora ay maglalabas ng iba’t iba at magandang kulay na mula sa sinasakyang niyang kalesa. Sakay ng kalesa, pupuntahan ni Aurora ang kanyang dalawang kapatid upang sabihin na ang bagong umaga ay magsisimula na. Pinaniniwalaan din na si Aurora ang Diyosa ng madaling araw.

Ngunit ayon naman sa mga taga Francec at mga taga Italya, ang paglabas ng Aurora ay isang pangitain na mayroong mangyayaring masama. Ang liwanag na nagagawa ng Aurora ay umaabot din sa ilang lugar hanggang China, Japan at Australia ngunit ito ay malimit lamang kung mangyari. Dahil dito, nagkaroon ng paniniwala ang mga Tsino na ito ay mula sa dalawang dragon na nagbubugahan ng apoy dahilan upang magkaroon ng kakaibang liwanag mula sa mga apoy na lumalabas sa kanilang bibig.

Pinaniniwalaan naman sa kultura ng mga Hapon na kung sino man ang sanggol na ipinanganak sa tuwing lumalabas at nakikita ang liwanag na ito ay magkakaroon ng magandang buhay. Ito ay mabibiyayaan ng kakaibang ganda, kasama na ang talino at magandang kapalaran sa buhay.

Ang unang tao na nakatira sa Northern Scandinavia, Iceland at Greenland, sa The Baltic States at North America. Nariyan ang paniniwala na ito ay mga ispirito ng mga namatay na mahal nila sa buhay, ang mga ito ay nanatili sa mundo at patuloy ang pagbabantay sa mga naiwan nilang pamilya. Para sa iba, ito ay isang apoy na mula sa kanilang Diyos. Ang apoy na ito ay isang paalala sa mga tao na ito ay kaniyang binabantayan.

Para sa iba ay isang itong ispirito ng mga namatay na tao at naglalaro sa itaas ng kalangitan gamit ang bungo ng isang namatay na Wulrus, o hindi naman ay isang ispirito ng Wulrus at nilalaro ang bungo ng isang namatay na tao.
Para sa mga ancients indian, ito ay liwanag na mula sa apoy; apoy na mula sa mga tribo ng dwarves upang pakuluan ang isang uri ng balyena na tinatawag na Blubber. Ngunit ang iba ay naniniwala na ito ay mula sa apoy na gawa ng great warrior upang pakuluan ang kanilang mga kaaway.
Hindi pa dito nagtatapos ang mga paniniwala patungkol sa bagay na ito, dahil ito ay isang malaki at maliwanag na bagay, madaming lugar ang nakakakita at nakakasaksi sa bagay na ito.

Ayon pa sa ibang paniniwala, ang liwanag ay mula sa mga sulo o torch na hawak ng mga spirit guide upang maging gabay ng mga ispirito na pupunta na sa ibang mundo. Ang liwanag ay para sa mga ispirito na namatay sa mahirap na paraan, at mula sa mga ispirito ng mga hayop katulad na lamang ng isang usa, isang isda at mga ispirito na naghihiganti sa kanilang mga kaaway.

Ang mga ito ay ilan lamang sa paniniwala patungkol sa liwanag na ito, ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito at paano ito nangyayari.

Aurora Borealis:

How to chase the Aurora | Spectacular Northwest Territories

Ayon sa Aurora service, ang isang aurora ay nangyayari dahil sa pagbabanggaan ng dalawang particle na mula sa araw. Ang mga particle na ito ay mayroong electrical charge. Sa pagpasok nito sa ating mundo, ito ay babangga sa mga gas tulad na lamang ng oxygen at nitrogen.

Sa pagbunggo ng mga bagay na ito, magkakaroong ng iba’t ibang kulay dahil sa particle na mula sa gas. Makikita ang mga kulay na pula, dilaw, berde, asul at kung kung minsan ay kulay barney este violet. Ang pinaka-madalas na kulay nito ay kulay berde na mula sa molecules ng oxygen at makikita 60 miles above the earth. Base sa mga pagtingin at pag-obserba sa bagay na ito, ang pinaka malimit na kulay na inilalabas ng isang Aurora ay kulay pula na mula sa high altitude oxygen na mayroong taas na 200 miles. Ang mga kulay asul at purple ay mula sa nailalabas ng isang nitrogen.

So, mayroon dalawang klase ng Aurora; ito ang makikita sa “Aurora Borealis” o ang “‘northern lights” na makikita sa northern hemisphere. Ang ‘Aurora Australis’ o ang ‘southern lights’ na makikita you guess it sa southern hemisphere.
Ayon sa mga eksperto ito ay hindi nakikitaan ng regular na hugis at ang pagpapakita ng mga Mirror like image, hugis at kulay ng isang Aurora ay nangyayari ng sabay na mula sa southern at northern hemisphere.

Ayon sa pag-aaral, sa tuwing nangyayari ang tinatawag na “Coronal Hole” na isang pangyayri na parang pagdura ng apoy na mula sa araw at minsan ay nagyayari ang isang “Sunspot” na kung nagkakaroon ng ilang butas sa surface ng araw dahilan upang makalabas ang ilang particles nito. Kapag nangyari ito ang mga electrons at mga protons ng araw ay nakakalabas na sya namang tatama sa ating mundo na syang magpapaliwanag ng aurora borealis. There you have it, ayan na ang sagot pero sympre hindi pa tayo natatapos ditto.

Ionosphere and Magnetic Field:

Johnsw on | Northern lights from space, Northern lights, Science ...

Alamin natin kung ano nga ba ang isang ionosphere. Para sa mga hindi nakakaalam, ito ay parte ng atmosphere na dahil sa solar radiation ito ay na ionized hence the word. Ang ionosphere ay isa sa mahalagang parte para sa atmospheric electricity at dahilan upang mgakaroon ng inner edge ang magnetosphere.

Ito din ang dapat pasalamatan sa pagbibigay ng ilang mensahe gamit ang radyo na ipapadala sa ibang bahagi ng ating mundo. Dito rin pinapadala ang signal ng HAARP.

Pumunta naman tayo sa magnetic field. Ang isang magnetic field ay isang area na kung saan mayroon itong magnetic force. Ayon sa research ang mga electric charge ay mayroong kakayahang makagawa ng isang magnetic field, kung ang physics naman ang tatanungin; ang isang magnetic field ay isang bagay na dumadaan sa space o sa hangin dahilan upang ang magnetic force ay mapagalaw ang isang electric charges at magkaroon ng isang magnetic dipoles.

Alam naman natin an ang isang magnetic field ay hindi nakikita sa kahit anong bahagi ng ating mundo. Gayunpaman, alam natin na ang buong mundo ay napapalibutan ng isang magnetic field, pero ang ilang bahagi nito at mahina lamang at sa iba ay malalakas.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Solar Wind:

Sun's coronal holes are about to release solar winds towards Earth ...

Paano ba napupunta ang nailalabas na particles ng araw papunta sa ating mundo? Ayon sa research, ang mga nailalabas na mga charge particle na mula sa araw ay matatawag na solar wind. Laman nito ang napakainit na temperatura, kasama ang mga charge particle na pinangungunahan ng mga electrons at mga protons.

Sa bilis na halos 900 km/s at sa may init na halos 1 million degrees, ang bagay na ito ay patuloy na dadaloy hanggang sa makapunta sa ating mundo. Sa pagtama ng bagay na ito sa magnetic field ng ating mundo, ito ang magiging dahilan upang magkaroon nang tinatawag na magnetosphere.

Ang magnetosphere ang siyang nagpoproteka sa mundo upang hindi directang tamaan ng isang solar wind. Sa loob ng isang magnetosphere, makikita ang mga ionize gases na mula sa isang solar wind at sa itaas na bahagi ng Earth’s atmosphere. Ayon sa research, mahina lamang ang magnetic field sa south at north pole; dahilan upang ang ilang particles ng mula sa solar wind ay makapasok sa atmosphere ng ating mundo at makagawa ng mga nagsasayawang liwanag na tinatawag nating Aurora.

Great Geomagnetic storm:

7 of the Strongest Solar Storms in Recorded History

Ang ganda ng aurora diba? Pero meron ba itong kaakibat na panganib? Definitely. It’s a yes.
Dahil sa shock wave na dala ng isang solar wind, ito ay makakagawa ng tinatawag na Geomagnetic storm na tatama sa magnetic field ng ating mundo matapos ang halos 24 hanggang 36 na oras na pagtama ng solar wind. Ayon sa mga eksperto at ilang research, ang normal na Coronal mass ejection ay tumatagal ng ilang araw bago dumating at tumama sa mundo. Ngunit hindi inaasahan ng mga eksperto ang mabilis na pagtama neto noong 1859 na umabot lamang ng halos 18 hours.

Noong August 28,1859. Naganap ang tinatawag na “Great Geomagnetic Storm” na tumagal ng isang buwan. Ang pangayayaring ito ay mas kilala sa tawag na Carrington Event na naging dahilan upang makapagpakita nang sobrang liwanag na aurora sa kalangitan at nakita sa halos buong mundo.

Mula sa northern hemisphere, umabot ito hanggang south sa Caribbean. Umabot din ito sa Rocky Mountains sa United States. Mula sa liwang na nagmula sa northern hemisphere, umabot din ito hanngang sa isla ng Cuba at hawaii habang ang liwanag na nagmula sa Southern hemisphere ay umabot hanggang sa north sa lugar ng Brisbane, Queensland at Australia.

Ayon sa mga research, ang solar flare na ito ang naging dahilan upang masira at magloko ang buong Telegraph system ng bansang Europa at North America. Nakapag bigay din ito ng iba’t ibang pa0gputok ng mga kable at ilang electric shock mula sa mga tao at patuloy na napapagana ang ilang system kahit na nawalan ng kuryente sa lugar. Imaginine nyo un, nawalan na ng kuryente and yet napapagana pa rin ito with just the help of our electromagnetic shield.

Since alam natin na nakasasama ito para sa mga electrical equipment, ang susunod na tanong, nakasasama bai to sa tao? Ayon sa mga eksperto, ang pagpasok ng isang Geomagnetic storm at solar wind sa ating mundo ay hindi nakakasama sa kalusugan ng tao. Dahil sa atmosphere at magnetosphere ng ating mundo, ito ang prumoprotekta sa katawan ng mga tao.
Ngunit ito ay maaring makapag-dala ng masamang epekto para sa mga bagay na ginagamitan ng mga kuryente o mga elektrisidad.

Forecast:

Measuring Forecast Accuracy: The Complete Guide | RELEX Solutions

Dahil sa pagbabago ng mga kagamitan sa ating mundo, ang pag-aabang sa maliwanag na bagay na ito ay hindi na mahirap. Ayon sa ilang research, ang pag-aaral at pag-oobserba sa liwanag na ito ay hindi madali.

Dahil sa makabagong teknolohiya, malalaman ng mga ekpserto ang mga nagagawang bagay ng araw. Ang araw ay buhay at mayroong puso, figure of speech ung puso ha baka itake nyo as literal na may puso talaga ang araw. Mula noong 1930, ang pagtibok nito ay patuloy na inoobserbahan ng mga eksperto. Ito ay tinatawag na solar cycle kung saan nalalaman sa bilang ng mga nagagawang sunspot ng araw. Dahil dito, madaling nang nalalaman kung ang pagpapakita ng isang aurora ay maliwanag o mahina lamang.

Kung ang mga eksperto ay makakakita ng maraming sunspot mula sa araw, ibig sabihin nito ay dadalas ang pagpapakita ng isang aurora. Ngunit ayon din sa ilang report, ang ilang mga prediction sa bagay na ito ay maaring magbago sa loob lamang ng ilang minuto.

Sa madaling salita ay maari itong hindi magpakita sa inaasahan na araw.

Ayon sa mga tao at ilang pag-aaral sa liwanag na ito, kung gusto mong makakita ng isang napakagandang Aurora; kailangan mo ng isang madalim na kalangitan. Katulad nga nang nasabi ko kanina, ang pagpapakita nito ay maaring magbago. Dahil sa pabago-bagong klima sa Arctic, ang pagpapakita ng Aurora ay nagbabago din.

Ang bagay na ito ay maari namang magpakita sa kahit anong buwan ng taon, ngunit hindi mo ito makikita dahil sa liwanag na nagagawa ng kalangitan at sa mga kaulapan na mayroon sa ilang buwan ng taon.
Pero kung nais mo itong makita, ang payo ng mga eksperto ay maaring magsimulang mag-abang sa buwan ng Abril hanngang sa buwan ng Agosto at maaring umabot sa buwan ng Setyembre.

Ang pagpunta sa buwan ng Disyembre ay pinaniniwalaan na hindi magandang buwan upang hintayin ang magandang liwanag na ito. Makikita mo ang bagay na ito sa isang napakadilim na lugar at napaka dilim na kalangitan.Maari itong magpakita ng ilang oras pagkatapos nito lumabas at magpakita ng isang napaka liwanag na bagay.

Kung mayroong full moon sa isang buwan, asahan na maari itong makita sa kalangitan.

Best Location:

The Northern and Southern Lights Are Asymmetric Dancers in the ...

Dahil ang liwanag na ito ay hindi nakikita sa ating bansang Pilipinas, maari mo naman itong bisitahin sa ilan lugar na makikita mo ito ng maayos.

Ang mga lugar sa parte ng north western ng Canada tulad nang Yukon at Nunavut, sa mga Northwest Territories at sa lugar ng Alaska ay ang mga lugar na pinupuntahan ng mga turista na mula sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Kung ikaw naman ay nasa Europa, maaring pumunta sa mga lugar katulad nang Scandinavia at sa mga Lapland area sa lugar ng Norway, Sweden, at sa lugar ng Finland. Maari itong lumabas sa mga oras nang 10pm hanggang 2am bago pa sumapit ang umaga.

In laymans term ang aurora ay pruweba na mayroong magnetic field ang ating mundo at ito ang pumoprotekta sa atin mula sa galit ng haring araw. Dahil kung walang magnetic field, direktang tatama sa atin ang solar flare at hindi ito maganda. Ang dahilan nmana kung bakit hindi natin nakikita ay aurora dito sa pilipinas at sa ibang lugar ay sa kadahilanan nasa tapat tayo ng malakas na magnetic field na syang pumprotekta sa atin.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Kira ng nginig TV.Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kayong updated. Madaming topics tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan yon ng mga taong gustong palawakin ang isip nila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. http://www.aurora-service.eu/aurora-school/aurora-borealis/
  2. https://luxeadventuretraveler.com/northern-lights/
  3. https://www.aurorahunter.com/northern-lights-forecast.html
  4. https://capturetheatlas.com/northern-lights-forecast/
  5. https://en.wikipedia.org/wiki/Solar_storm_of_1859
  6. https://www.nationalgeographic.org/thisday/aug28/great-geomagnetic-storm/
  7. https://earthsky.org/space/are-solar-storms-dangerous-to-us
  8. http://www.earthonlinemedia.com/ebooks/tpe_3e/earth_system/solar_wind_auroras.html
  9. http://www.aurora-service.eu/aurora-school/aurora-borealis/
  10. https://www.exploratorium.edu/learning_studio/auroras/happen.html\
  11. https://simple.wikipedia.org/wiki/Magnetic_field
  12. https://www.sciencedaily.com/terms/ionosphere.html
  13. https://www.theaurorazone.com/about-the-aurora/aurora-legends

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit kailangan nating Matulog?

Bermuda Triangle