Bakit umiikot ang aso bago matulog

Reading Time: 11 minutes

Topics

Kapag tayo ay hihiga, ano ba ang mga kailangan gawin? Magsipilyo, maglinis, at kung ano-ano pang ritwal ang ginagawa natin bago tayo matulog, lalo na sa mga babae, naku matutulog na lang aabutin pa ng syam syam.
Kung ikaw ay mayroong lagang aso o pusa, malamang ay alam mo na ang kanilang gawain bago matulog.

Ito ang pag-ikot ng ilang beses bago tumabi o humiga sa kaniyang pwesto. Madami ang nagtatanong kung bakit ito ginagawa ng isang aso? Bakit hindi na lang sila rektang humiga at matulog, bakit kailangan umikot ikot pa? Ginagawa ba nila un para mahilo at mabilis makatulog?

Alam nyo ba na ang paghuhukay ng aso bago matulog ay isang normal na Gawain? Hindi ibig sabihin na gusto ka na nitong mamatay kaya ito naghuhukay hindi po.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay Hyasen Llamas at ito ang ask bulalord.

Dogs:

List of Dog Breeds | Petfinder

Bago natin sagutin ang katanungan kung bakit umiikot ang aso bago matulog, kilalanin muna nating mabuti ang nature ng mga cute at pabibong nilalang na ito. Ayon sa pag-aaral, ang isang aso ang pinaka inaalagaan na hayop ng isang tao. Ito nga ang tinuturing “Man’s bestfriend” dahil sa sobrang lapit nito sa kanyang amo. Kung minsan ay kasama mo ito mula bata hanngang sa ikaw ay magbita na. Sadly mas kakaunti ang buhay nila kumpara sa atin, kaya hindi na natin sila nakakasama hanggang sa pagtanda natin.

Ayon sa isang research noong 2001, halos 400 million ang populasyon ng aso sa buong mundo. Ang ugali ng isang aso ay nababase sa mga nakapaligid sa kaniya, sa mga iba pang hayop, at maging sa iba pang tao. Sa tagal ng panahon, nakasanayan na nang mga aso ang makisalamuha sa mga tao kahit ito ay hindi nila kakilala.

Canis lupus familiaris, ito ang scientific name ng isang domestic mammal sa pamilya ng mga Canidae o ung mga aso. Ang isang aso ay subspecies ng isang gray wolf at kapamilya ng foxes at jackals. Ayon sa research, ang mga eksperto na Paleontologists at mga archaeologists ay naniniwala na noong 60 million years ago nabuhay ang isang maliit na mammal sa isang parte ng Asia. Kinilala nila itong Miacis, na pinaniniwalaan na ninununo ng mga foxes at mga wolves.

Ayon sa pag-aaral, makalipas ang halos 30 -40 million years ago, ang mga ito ay nag-evolved at naging isang Cynodictis. Ito ay isang aso na hindi naman sobrang laki ngunit mahaba ang buntot. Ang nilalang na ito ay nakapagparami sa lugar ng Africa at sa lugar ng Eurasia.

Mula noon ay patuloy na nanganak, nagevolved at naging alaga at katulong na ito ng mga tao, mula pa noong unag panahon. Ang isang normal na aso ay mayroong 39 pairs ng chromosomes o halos 78 na kung ikukumpara ito sa isang tao ito ay madami.

Mula pagkabata, ang ngipin ng mga aso ay napapalitan. Mayroong itong 28 na ngipin na tutubo sa ng anim hanggang walong linngo mula nang ito ay ipanganak at habang tumatanda ang mga ito ay mapapalitan ng halos 42 na ngipin na kanilang magiging ngipin sa pagtungtong sa tamang edad at hanggang sa tumanda na ito.

Ayon sa research, ang mga aso kadalasan ay hindi nginunguya ang kanilang kinakain. Parang lahat ng pagkain ay sabaw na dumadaan lamang sa kanilang bibig at nilulunok kaagad, sympre pwera na lang pag malaking buto. Sa patuloy na pag-aaral sa mga ito, nalaman na mayroon itong halos 319 na buto. Ang isang bagong panganak na aso o tuta ay hindi makikitaan ng buntot kung ito ay kakapanganak pa lamang.


Ayon sa ilang pag-aaral patungkol sa mga nagagawa ng isang aso, kaya lang naman ng mga ito na makabasa ng emosyon ng isang aso. Maraming psychologists, behavioral biologists at mga tao ang nagtatanong kung naiintindihan ba ng isang aso ang sinasabi ng isang tao.

Ayon sa ilang eksperto, mas nakikilala ng aso ang tono ng boses ng isang tao kumpara sa mismong sinasabi nito. Mula sa palambing, pagalit, o normal na salita, alam ng aso ang emosyon na kanilang ipapakita. Malakas ding makaramdam ang mga ito, kung kaya’t alam nila kung ikaw ay masaya, malungkot o natatakot.

Kahit na mas naiintindihan nito ang emosyon na ipinapakita ng isang tao, lumalabas sa ilang mga eksperimento at obserbasyon na ang isang aso ay kayang makakilala ng halos 165 words. Mula dito, maari mo silang mapaupo, matahimik, o hindi namankaya ay tawagin sa kanilang pangalan. Lumabas din sa pag aaral na ang ang mga aso ay magaling pagdating sa numbers. Ayon sa pag-aaral ng isang professor sa University of British Columbia na si Dr. Stanley Coren, pinag-aralan niya kung hanggang saan aabot ang talino ng isang aso. Mula sa kanyang pag-aaral, nalaman niyang ang mga aso na naturuan ay kayang makaintindi ng basic arithnetic.
Halimbawa 1+1 o 2+2 maaring itong sumagot sa tahol o hindi naman sumagot sa kung paano ito tinuruan.

Bago tayo pumunta sa next topic, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na para lagi kang updated!

Circle:

Is My Dog Getting Enough Sleep? | PetMD

Pumunta na tayo sa katananungan kung bakit nga ba umiikot ang mga aso bago ito matulog. Ayon sa ilang research. isa na sa natural na behavior ng isang aso ang pag-ikot bago matulog. Ito ay namana niya mula sa pinaka-unang aso o sa kanyang mga ninuno na nasanay na mabuhay sa labas at nasanay na bantayan ang kanilang sarili bago matulog. Ang ganitong gawain ay naipasa ng naipasa mula sa iba’t ibang lahi ng aso na mayroon sa mundo.
Ang ganitong gawain ay pinaniniwalaan na isang self-preservation kung saan ang kanyang pag-ikot ay naghahanap ito ng tamang posisyon upang madaling makagalaw kung mayroon mang panganib sa paligid ng kanyang tinutulugan.

Ayon naman sa ilang wildlife enthusiasts ang kapamilya ng aso na mga wolves ay nakalabas ang ilong sa tuwing natutulog ang mga ito. Ang gawain na ito ay upang mabilis na maamoy ang mga paparating na nilalang sa kanilang paligid. Nalaman din ng mga enthusiasts na ito, na ang pag-ikot ng isang wolf ay paraan upang malaman ang direksyon ng hangin, mula dito ay malalaman niya ang kanyang maayos na posisyon.

Ngunit bakit pati ang mga alaga nating aso ay umiikot? Hindi naman kailangan malaman ang hangin dahil may electricfan naman, wala ding panganib sa loob ng bahay. So bakit kailangan nilang umikot?

Simple lang ang sagot jan, dahil nga ang pag-ikot ay isang natural at nakuha ng isang aso sa kanyang mga ninuno.

Kung minsan, hindi lamang pag-ikot ang nagagawa ng aso bago matulog. Kung minsan ay mapapansin mo din na bago matulog ay nakasanayan na nang aso na maghukay sa mismong tinutulugan niya. Ayon sa mga eksperto, ito ay namana at nadala ng mga modernong aso sa panahon ngayon. Dahil ang mga asong nakatira sa wild ay wala namang nag-aalaga at natutulog lamang kung saan. Sa kanilang pag-tulog, ang mga ito ay hahanap ng isang komportableng lugar upang kanyang pagpahingahan.

Dahil sa mga damo na nakakatusok sa kanila, ang mga dahon ay papatagin muna ng isang aso; kapag napatag na nila ang mga ito ang mga bato at ilang pang dahon ay kanilang tatanggalin upang mas maayos ang kanilang kinalalagyan. Ang ganitong paraan ay pinaniniwalaan na isang simbolo para sa iba pang aso o iba pang hayop na nakatira sa kagubatan na ang pwesto na kanyang hinukayan ay mayroon nang nagmamay-ari. Natural na para sa isang aso ang maging sinsestibo sa mga gamit na kanyang pagmamay-ari.

Ang isang aso noong unang panahon ay pagala gala at nakatira lamang ito sa kagubatan. Dahil sa labas lamang natutulog ang mga ito, ang panahon at klima ay hindi nila makokontrol kung kaya’t ang mga ito ay nakagawa ng kanilang sariling paraan upang makontrol ang tamang temperatura sa kanilang pagtulog at ito nga ang maghukay.

Ang mga asong na nasa mainit na lugar ay hinuhukay ang lupa o ang mga damo upang maalis ang mga damo na nasa ibabaw at ang lupang nakapalibot dito. Nang sa ganun ang mainit na lupa na nasa ibabaw ay mapapalitan ng malamig na lupa na nasa ilalim nito.

Ang paghuhukay at pag-ikot ng aso ay isang paraan upang makagawa ng isang komportable at ligtas na higaan, na kanilang gagawin pahingahan.

So, dahil mag-kaiba ang nature ng isang aso sa iba pang mga hayop ang ilan sa kanilang ginagawa ay hindi talaga maintindihan kung minsan.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan kay Andrei Olanosa. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://vcahospitals.com/know-your-pet/why-dogs-turn-around-before-lying-down
  2. https://www.britannica.com/animal/dog

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo nakukuryente pag nasasagi ng ibang tao?

Subliminal Messaging