Bakit tumatakbo tayong nakatiklop ang mga kamay?

Reading Time: 4 minutes

Kapag ikaw ay naglalakad o tumatakbo, ang iyong mga paa ang nagttrabaho pero ang iyong mga kamay ay kasama din dito.

 

Kapag tayo ay naglalakad, kadalasan ang mga kamay natin ay nasa nakababa, mostly nakastraight lang. Pero kapag tayo ay nagsimulang tumakbo ang ating mga kamay ay kusang nagbebent. Bakit kaya?

 

Ayon sa mga researchers, ang posisyon ng ating mga kamay ay naapektuhan ang energy efficiency at napagalaman din nila na ang paglalakad na nakabent ang mga kamay ay mas kakaunti ang energy kumpara sa naglalakad na nakababa lang ang mga ito.

 

Ang bent arm ay mayroong shorter arc kumpara sa straight arm kaya mas kakaunti ang enerhiyang kinakailangan nito kapag nagswing back and forth at ito ay mas effecient kapag naglalakad o tumatakbo ang isang tao.

 

Ang susunod na tanong, kung ang pagtiklop ng ating mga braso ay efficient, bakit kapag naglalakad tayo hindi natin ito ginagawa.

 

Nagkaroon ng pag-aaral dito para maklaro kung ito ba ay totoo o hindi. Kumuha sila ng 8 subject, 4 na lalaki at 4 na babae at pinalakad nila ito sa treadmill. Habang ang mga subjects ay naglalakad inutusan ang mga ito na istraight ang kanilang mga kamay at ang iba ay pinatiklop at ginawa din ito nuong tumakbo ang mga subjects.

 

Ang mga eksperto ay gumamit ng infrared camera at motion capture software para mairecord ang paggalawa ng mga subject. Ginawan din nila ito ng 3d digital models.

 

Matapos ang 2 linggo, inulit muli ang tests pero nilagyan na sila ng breathing masks para malaman ng mga eksperto ang metabolic data kung saan ito ang nagrerepresenta ng ginagamit na enerhiya ng subject.

 

Kapag ang subject ay tumakbo ng nakababa ang dalawang kamay, medyo awkward ang naramdaman ng mga subject pero walang nakitang diperensya sa energy effeciency

 

Sa katunayan, ang mga taong naglalakad ng nakatiklop ang mga braso ay mas malaki ang enerhiyang kinukunsumo nito ng 11% ito marahil ay sa effort na kailangang ibigay ng katawan para mamaintain ang pagtiklop habang naglalakad.

 

Base sa pag-aaral, napatunayan na walang epekto kung ikaw ay tatakbo ng nakabagsak ang kamay o tatakbo ng nakabent o nakatiklop ito. Pero kapag naglalakad lang, dito ang epekto dahil mas malakas ang kunsumo ng enerhiya kapag nakabent ang mga kamay kapag naglalakad.

 

Ito rin ang dahilan kung bakit nakalaglag ang ating mga kamay kapag naglalakad.

 

Ang australophithecus at homo habilis na nanirahan milyong taon na ang nakakaraan ay mayroong mga mahahabang kamay kumpara sa kanilang mga paa.

 

Sa panahon natin ngayon, mas proportion na ang braso at kamay natin at mas kakaunti ang pag swing nito. Ang ating maliliit na braso ay mas effective sa long distance running kumpara sa australophithecus at homo habilis.

 

Ang pagbabago ng braso ay nakita sa homo erectus at dito na papasok ang patagalan ng pagtakbo, which is very important mga boss, considering na maraming hayop na wild nuon at kinakailangan nilang habulin ang kanilang mga kakainin.

 

Kung nagustuhan ninyo ang video mga boss, wag kalimutang ilike at sympre magsubscribe na din kayo para lagi kayong updated sa mga bagong videos at sympre wag kalimutang iturn on ang bell notification. Sa susunod ulit!

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang iba’t ibang klase ng artificial intelligence na meron ngayon?

Papaano ba gumagana ang barcode?