Bakit tayo pinagpapawisan pag ninenerbyos

Reading Time: 3 minutes

Normal na makakita ng baskil ngayong panahon dahil sa init ng panahon. Minsan makakasabay mo pa sa LRT o MRT tapos basang basa ng pawis. Pero may mga pagkakataon na kahit naka aircon ay pagpapawisan ka pa rin. Example, intervioew. Bakit nga ba? Dito rin nacoined ang term na “Bakit ka pinapawisan, kinakabahan ka no?” So bakit nga ba? Try to pause the video and take a wild guess mga boss kung bakit tayo pinapawisan kapag kinakabahan.

Mga boss ito ang fast 5 kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

Hindi na bago ang pagpapawis sa mga pagkakataong umaatake ang anxiety. Yung tipong magsasalita ka sa harap ng maraming tao o hindi naman kaya sa mga job inteview. Ang pagpapawis ay isang normal na reaction na nag bibigay signal sa ating katawan na nag ttriger ng flight or fight response.

Mayroong 2 ugat na nagsisignal sa sweat glands. Ang isa ay tinatawag na sympathetic nerves na syang nagdadala ng mga neurotransmitters para mastimulate ang sweat glands at mag produce ito ng mas maraming pawis. Habang ang isa naman ay ang parasympathetic glands na syang nagpapatigil sa nasabing actibidad.

Maraming sitwasyon ang nagiging trigger ng sympathetic nerves. Isa na nga dito ang pageehersisyo, ang mainit na klima at ang mga pagkain na maanghang. Ang ating katawan ay nagpproduce ng pawis para tayo ay macool down.

Ang sympathetic nerves ay nattriger din kapag tayo ay ninenerbyos. Ito ay parte ng ating katawan na tiantawag unconcious protection process o mas kilala bilang flight or fioght. Tayo ay pinagpapawisan kapag ninenerbyos dahil ang ating katawan ay inaaanticipate na tayo ay mabilis gagalaw. Ang ating mga pawis ay nagisislbing lubricant sa ating mga balat na nagdidikit, halimbawa, ang ating mga kili kili at singit. Ito rin ang nagsisilbing exhaust ng ating katawan para hindi tayo magoverheat.

In short mga boss, kapag ninenerbyos ka, ang iyong subconcious mind ay nararamdaman na nasa panganib ka at magrereact ito agad, hinahanda na nito ang iyong katawan sa isang posibleng pag-aaway o pagtakbo na magaganap. Ito ang dahilan kung bakit ka pinapawisan kapag umatake ang anxiety o panic at ito rin ang dahilan kung bakit pinagpapawisan ka kapag tinutukan ka ng patalim ng isang tao.

Ang mga taong nagrerecover din mula sa isang medical condition ay posibleng makaranas din ng over sweating dahil ang katawan ay pagaling pa lang. Sa ayaw mo man o sa gusto, kapag ninerbyos ka, talagang pagpapawisan ka. It’s just a matter of getting accustomed sa kapaligiran mo, halimbawa kapag nasa speech o nasa interview ka.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit kapag kumakain tayo ng maaanghang na pagkain sinsipon tayo?

Malalang sakit dahil sa pagtawa