Bakit tayo namamatay?

Reading Time: 6 minutes

Bakit tayo namamatay? Isang malupit na tanong mula kay Torre Torre.

Bakit nga ba? Parang ung meme lang na nakita ko, Bakit ang pulubi, eh di bumuli sila ng bahay para di sila maging pulubi, duh…..

Isa itong tanong na walang kasgutan. Bakit mo ko tinanong nito torre torre. Nak ng teteng naman, dami mong pwedeng itanong, bakit tayo kumakain, anong meron sa black hole, ano ang nasa gitna ng mundo, bakit ito pa?

Pero kidding aside, this is a legitimate question. May kasabihan nga, tayo ay ipinganak sa mundo para mamatay. Literally. We are born to die.

Kung ang purpose natin ay mamatay lang din then anong silbi ng pinakabuhay natin? Science say to reproduce para ang specie natin ay hindi mawala sa mundo. Pero sympre may ibang hindi naniniwala dito, meron pang purpose, meron pang hindi naeexplain ang science at kumatok si religion sa pinto.

Sa ating history, ang relihiyon ang nagbigay ng panginoon, ng diyos sa atin, sa iba’t ibang kultura, sa iba’t ibang bansa. Para sa mga kristiano, makikita ito sa bibliya, at kung wala man ito sa bibliya, then para sa kanila hindi na dapat malaman pa.

Nuong unang panahon kung saan wala pa ang mga gamot, wala pang mga anestesia, wala pang immunization at iba pa. Ang mga ninuno natin ay tinatanggap ang kamatayan dahil wala na eh, kumbaga wala ng pag-asa at para sa kanila, ito ay ginusto ng panginoon.

Pero habang tumatagal, nagkakaroon ng pagbabago sa siyensya, nakakdisubre tayo ng mga iba’t ibang gamot para labanan ang iba’t ibang sakit. In some cases, death was stopped.

May iba’t ibang paliwanag bakit tayo namamatay when it comes to religion. First, ayon sa kristianismo, bilang mga anak nila adan at eba, ang kanilang kapalaran ay kapalaran din natin.

Sa islam naman, ang buhay ay isang test at lahat ng kaluluwa ay mararanasan ang kamatayan at tayo ay haahtulan sa paghuhukom base sa ating ginawa.

Hindi lang kristianismo at islam ang naglarawan ng kamtayan, pati ang norse kung saan lahat ng namamatay ng nakikipaglaban ay pupunta sa valhalla, sa greek, pupunta sa elysian fields. Lahat ng yan ay nagsasabi na meron pang buhay sa kabila ng kamatayan. Gayunpaman hindi pa rin nito sinasagot kung bakit kailangan natin mamatay.

Now let’s go to science. My favorite subject.

Tayo ba ay tumatanda at namamatay dahil ang katawan natin ay ginawa para mamatay? O namamatay tayo dahil ang ating katawan ay di na kinakaya ang tagal ng panahon? More importantly, ang kamtayan ba ay required o ito ay optional?

Nuong 1920’s nag conduct ng experient si Alexis Carrel na isang american biologist sa Rockefeller Institute. Kumuha sya ng mga chicken cells at nakita nya na ito ay nagmumultiply ng halos walang katapusan. So bakit tayo namamatay? Well iyon ay dahil sa ating mga cells.

You see, ayon kay carrel, ang mga cells ay immortal at hindi namamatay, sila ay narerenew sa bawat division. Kaya lang kapag ang cell ay nag form ng specialized cell, ito yung mga muscle cells, braincells, heart cells and so on and so forth, nawawala ang abilidad nilang makapagdivide. Think of it as a job, Kapag starting ka pa lang pwede kang kumuha ng kahit anong job class sa RPG diba, pero kapag nakakuha ka na ng job class, depende na un kung may kasunod pang job class o yun na un. Sa case ng cell, isa lang ang special form nya.

At dahil nga hindi na sya nakakapagdivide, dito na papasok ang wear and tear ng isang specialized cells at  hindi nya na marerepair ang kanyang damage.

Nuong 1960 ang cell biologist na si Leonard Hayflick ay pinatunayan na mali si Carrel tungkol sa immortality ng mga cells. Base sa kanyang eksperimento, ang cells ng isang tao ay kaya lamang lumaki ng 40-60 rounds of cell division. Tapos nito, ang cell ay hindi na makakapagdivide at uni unting mamatay.

Pero merong isang cell na immortal. Ang mga cancer cells. you see, ang mga cancer cells ay patuloy na nagdidivide at ito rin ang dahilan kung bakit sila nakamamatay dahil walang katapusan ang kanilang pagpaparami.

Base sa eksperimento ni Hayflick, ang isang average na human cells ay mamatay pagdating ng 50 divisions. Ibig sabihin, ang kamatayan ay nakatatak na sa ating genes.

Sa loob ng cells natin ay may tiantawag na Telomeres, Ito ang nakakaapekto sa pagtanda ng ating mga cells. Ang telemores ay nagisilbing cap sa bawat dulo ng ating DNA. Alam nyo ung sintas diba? Sa magkabaling dulo nuon may plastik para maprotektahan ang sintas at hindi magwatakwatak, ganuon ang telomeres.

Sa bawat pag divid ng cell, ang telomeres ay umiikli sa bawat pagkokopya ng cells o pagdidivide nito at darating sa point na sobrang liit na nito na hindi na kayang makapagdivice pa ng cells.

So in a short and sweet sentence. We die because our cells die.

Every single day, billions ng cells natin ang namamatay without us knowing. Pero sympre ang ibang mga cells ay nagkakaroon pa rin ng division.

Pero katulad nga ng nabanggit ko kanina, merong limit ang pag divide ng cells at in the end mamatay din ito. 

Sana naman walang magtanong ng what is the purpose of life!

 

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit asul ang kulay ng langit?

Bakit Minsan parang ang bilis ng oras?