Bakit Tayo nakakaramdam ng takot

Reading Time: 14 minutes

Topics

Ang lahat sa atin ay nakakaramdan ng takot. Mula sa isang nakakatkot na bagay o hayop, katulad na lamang ng isang ahas, isang daga at isang ipis. Ang iba ay nakakaramdam ng takot sa tuwing nakakapunta sa mga matataas na lugar, kapag dadaan sa isang madilim na lugar, kapag inaakala nila na mayroong multo sa paligid. Mula sa pagdampi ng hangin sa balat, makakarinig ng isang ingay o kaluskos, unti-unting bubukas ang pintuan….tapos makikita mo, pumasok lang pala yung pusa. Paano pag wala kayong pusa? Matatakot ka ba? Papaano kung madaling araw itong nangyari?

Hindi lang naman tayo sa mga ganyang bagay natatakot. Malamang ay takot ka din na maiwan, maiwan sa bahay hindi ng jowa ha. Ang takot na ating nararamdaman ay iba-iba,

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Bakit nakakaramdam ng takot ang isang tao. Ang tanong na ito ay mula kay tommy diel at ito ang ask bulalord.

FEAR:

Fear in the workplace | Training Journal

Sa tuwing nararamdaman natin ang bagay na ito, hindi tayo makagalaw, tayo ay pinagpawisan, nanginginig at hindi makapag isip ng maayos. Ang takot ang nagpapagawa sa isang tao upang magtago na lamang at maging mahina. Ngunit dahil din sa takot, nagagawa ng ating katawan na maging alerto sa mga bagay na nangyayari sa paligid.

Ayon sa research, mayroong dalawang bagay na nakakapagbigay sa atin ng takot. Ito ay ang biochemical at ang emotional. Ayon sa pag-aaral, ang takot na nararamdaman ng isang tao ay mahirap intindihin, ang iba ay nakakaranas ng takot dahil sa trauma. Dahil sa mga bagay na kanilanng napagdaanan ngunit ayaw na nila itong balikan, so kung ang mga taong ito ay nakaranas ng kaparehong sitwasyon ang mga ito ay makakaramdam ng matinding takot.

Ang iba naman kapag natatkot ay nawawalan ng kontrol, halimbawa na lamang sa tuwing nakakita ka nang isang multo, hindi mo mapipigilan na tumakbo.

Biochemical Reaction:

Magnesium oil regulates biochemical reactions | Geothermal Minerals

Ang ganitong uri ng takot ay mula sa mga bagay na ating nakikita sa pang-araw araw. Ang katawan natin ay natural na nakakaramdam ng takot sa tuwing ito ay nakakaramdam ng kapahamakan sa kanyang paligid. Dito ay magsisimula nang tumibok ng mabilis ang ating puso, magsisimula nang mag-isip ang ating utak, at tataas na ang adrenaline na nasa iyong katawan dahilan upang makaramdam ng kakaibang pakiramdam.

Dahil nga nagsisimula na din na gumana ang ating utak, ito ay nag-iisip na nang mga bagay na kailangan niyang gawin. Kung ikaw ba ay tatakbo, sisigaw , o lalaban upang harapin ang takot na iyong nasa harapan. Ang tawag dito ng mga eksperto ay ang “fight or flight” na kung saan natural na nagagawa ng ating katawan. Isa itong natural na response ng ating katawan na maaring makapahamak o maari din na makaligtas sa isang bagay.

Emotional Response:

Emotional Response Marketing - The Weinstein Organization | Our ...

Ayon sa research, noong 1972 isang psychologist ang nagsabi na ang isang tao ay mayroong anim na emosyon. Ito ay ang takot, pagkadiri, pagkagulat, pagiging masaya at pagiging malungkot. Noong 1999, ang psychologist na ito ay nagdagdag pa nang walong emosyon na natural na nararamdaman ng isang tao. Nariyan ang pagkakapahiiya, pagkaramdam ng excitement, pagiging kontento, pagkamuhi, pagiging mapagmataas, satisfaction, at ang pinaka huli ay ang amusement.

Ayon sa pag-aaral, ang takot ay mula sa ilang chemical reaction na inilalabas ng ating utak na katulad nang inilalabas nito sa tuwing tayo ay masaya at nakakaramdamnng excitement. Kung minsan ay nakakaramdam tayo ng takot ngunit, mula sa isang masasayang bagay. Halimbawa na lamang kapag sumasakay sa isang ride, o hindi naman sa tuwing nakakanuod ka ng isang nakakatakot na palabas.

Ngunit hndi lahat ng tao ay iisa lamang ang reaksyon sa takot. Ang iba ay kaya itong hawakan o i handle na ang utak nila ay hindi malilito kung ano ba ang dapat gawin. Ang iba ay naghahanap talaga ng kanilang ikakatakot “Face your fear” ika nga, ngunit ang iba ay pinipilit itong layuan anuman ang mangyari. Depende pa din sa isang tao kung paano niya haharapin ang takot mula sa isang bagay o isang sitwasyon.

Kung minsan, ang isang tao na nakakaramdam ng takot mula sa isang bagay ng paulit-ulit ay maari itong masanay. Maaring sa pagkasanay nito ay hindi na siya makaramdam ng takot sa tuwing makikita niya ito, Pero an masama ay kung nasanay na siyang matakot mula sa bagay na ito at ito ang tinatawag na Phobia.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Brain And Fear:

Fear-free life? Removing a part of your brain could make it ...

Dahil ang utak natin ay isa din dahilan kung bakit tayo nakakaramdam ng takot. Ano nga ba ang nangyayari sa bagay na ito sa tuwing nararamdaman natin ito? Isang parte ng utak natin ang pinaka pasimuno sa takot na ating nararamdaman, ito ang AMYGDALA. Mula dito ay magbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa isang bagay na nakakuha ng atensyon nito.

Ayon sa pag-aaral, gumagana ang amygdala sa tuwing ang isang tao ay nakakakita ng isang mukha na mayroong emosyon. Kung minsan ay makakaramdam ng galit o hindi naman madalas ay pagkatakot. Ang utak natin ay gagawa ng isang response mula sa bagay na ito na magdadala ng takot sa amygdala mismo. Mula naman dito ay mararanasan na natin ang tinatawag na fight o flight.

Ang katawan natin ay magsisimula nang magbago ng galaw, na karaniwang nagagawa natin sa tuwing tayo ay natatakot. Pagbilis ng tibok ng puso, pagbilis ng paghinga, pagpapawis, at panunuyo ng lalamunan. Ang buong katawan natin ay maapektuhan hindi lamang sa labas ngunit maging sa loob nito na hanngang organs natin. Nariyan ang pagbagal ng galaw ng ating gastrointestinal, pagtaas ng dugo, at pagdaloy ng naparaming glucose mula sa skeletal muscles ay tataas.

Ayon sa pag-aaral, ang tinatawag na hippocampus na nagkakonekta sa amygdala ng ating utak ay tumutulong sa ating utak upang malaman kung anong panganib ang haharapin ng ating katawan. Ang bagay na ito ang tumutulong sa atin upang malaman kung tunay ba ang panaganib o isa lamang prank, o false alarm, sa madaling salita ay hindi totoo.

Isa sa halimbawa, kung ikaw ay nakakita ng isang daga na nakakulong at isang daga na gumagala sa inyong bahay. Kung ikaw ay nakakita ng daga na nakakulong, ang utak mo ay iisipin na hindi ito nakakatakot dahil hindi ka naman nito malalapitan dahil nga sa ito ay nakakulong naman; ngunit kung ito ay makikita mo na pagala-gala at patakbo takbo sa loob ng inyong bahay, ikaw ay makakaramdam ng takot dahil sa maari nitong gawin.

Maiisip mo na baka lapitan, kagatin, o hindi naman ay umakyat ito sa iyong katawan. Sa madaling salita, ang ating hippocampus ang nagsasabi sa ating utak kung ano ang maaring mangyari. Base sa ating naiisip ganoon na din ang nararamdaman ng ating katawan. Kumbaga hinahanda na tayo ng ating isip. Ito ang literal na advance magisip.

Halimbawa dito, kung ikaw ay makakita ng isang sign na “Mag-ingat sa aso , nangangagat”. Dahil sa nabasa ito ng iyong utak, matatanim dito na ang isang aso na iyong dadaanan ay maari kang kagatin at makakaramdam kana ng isang takot. Kung minsan ay dahil na din sa nakagat ka ng isang aso, o hindi naman ay nakakita ka ng tao na nakagat ng aso, tatanim na sa utak mo na delikado ang isang aso.

Dahil na din sa nagagawang pag-iisip ng ating utak, makakaramdam tayo ng iba’t ibang emosyon. Kung mabasa mo man ito o naranasan mo nang totoo, maari itong madala ng sobrang pagkatakot sa ating katawan. Ang mga taong mahilig manuod ng mga nakaktakot na palabas ay mabilis matakot sa isang hangin lamang at ilang pagtunog ng pinto dahil na din sa nakikita nila sa isang palabas na kanilang pinapanuod.

Kaya wag nyong ipanuod ang mga anak ninyo ng nakakatakot na pelikula kung ayaw nyo silang lumaking takot sa dilim.

Ang iba naman ay kayang ipaniwala sa utak ang totoo sa hindi totoo. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang tao ay hindi madaling matakot. Mula sa emotional part ng ating utak, hanggang sa cognitive brain, ang mga nakikita nito na nakakatakot mula sa ibang tao ay wala lang. Dadaanan lamang ito ng kanyang mata at ipagsasawalang bahala.

Halimbawa na lamang kung ang isang biologist ay nanunuod ng isang zombie movie, ngunit alam niyang ang pangyayari na ito ay hindi posibleng mangyari sa tunay na buhay. Ang Fear factor ng palabas ay mawawalan ng kwenta. Ang lahat ay nasa loob lamang ng ating utak. Kung ang parte ng utak natin ay hindi nakayanan ang isang bagay, at hindi na din gumagana ang cognitive part ng ating utak, magsisimula na itong makaramdam ng takot.

Ngunit kung ang isang tao ay nasa tamang pag-iisip at alam niya ang mga tunay na nangyayri sa paligid, ang takot ay hindi nya mararamdaman ng basta-basta.

STAY:

Isa sa pinaka natural na nagagawa ng ating katawan ay hindi paggalaw sa kanyang kinatatayuan sa tuwing natatakot ito. Yung tipong hindi ka makalakad dahil sa sobrng takot na iyong nararamdaman. Ayon sa pag-aaral, isang itong automatic response ng ating katawan, dahil ang hindi paggalawa sa kinatatayuan ay maaring makapagligtas sa kapahamakan.

Lumabas sa isang pag-aaral noong 2014 na ang may pakana nito ay ang periaqueductal gray o (PAG) na tumatanggap ng iba’t ibang sensory information na mula sa ibang bahagi ng ating utak; at ang cerebellum na siyang nagbibigay ng memsahe sa utak natin upang tumulong sa kung ano man ang galaw na gagawin ng ating katawan.

Kung minsan ang pagdaan sa nakakatakot na sitwasyon ay nakakatulong sa ating utak upang maging alerto. Kung nadaanan natin muli ang bagay na iyon ay alam mo na ang bagay na iyong gagawin. Ang mga nakikita natin na rekasyon ng iba ng tao ay makakatulong sa ationg utak upang malaman ang totoo sa hindi , at kung ano ang posible sa imposible.

So, is it normal lamang ba na matakot? Yes, very normal na makaramdam tayo ng takot, pwera na lamang sa nagyayabang yabangan na hindi natatakot tapos pag kumahol ung aso mauuna pang tumakbo sayo. In layman’s term kaya tayo nakakaramdam ng takot ay dahil sa response ng ating utak para sa ating kaligtasan. Imaginine mo kung hindi ka nakakaramdam ng takot, kapag may cobra na sa harapan mo derederecho ka pa rin without knowing na un na ang magiging katapusan ng buhay mo. In short, fear saves our lives in some cases. May mga pagkakataon kasi na medyo nakakabahala na din ang takot o ung phobia ng isang tao.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss tommy diel. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.smithsonianmag.com/science-nature/what-happens-brain-feel-fear-180966992/
  2. https://www.medicalnewstoday.com/articles/323492.php#8
  3. https://www.verywellmind.com/the-psychology-of-fear-2671696

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Succubus

Bakit masakit sa tenga ang pagkiskis ng tinidor sa plato?