Bakit tayo nagsasabi ng bless you?

Reading Time: 3 minutes

Nasa trabaho ka at may biglang humatsing ng malakas, 99% may magsasabing bless you sa katrabaho mong humatsing pero bakit nga ba? Saan galing ang pamahiin na ito? Kayo mga boss ano sa tingin ninyo bakit natin sinasabi ang bless you kapag nakakarinig tayo ng humahatsing? Pause this video mga boss and comment it out, remember walang google, wild guess lang.

 

Mga boss ito ang fast 5 kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

 

Ang pagsasabi ng bless you pagkatapos ng isang malakas na hatsing ay isang conditioned response o reflective action. May ibang naniniwala na ang pagsasabi ng bless you ay pinapaalis ang kamalasan at hinahanda ang isang tao na wag ng tumuloy ang masamang pakiramdam. There is a story mga boss or rather a belief patungkol sa pagsasabi ng bless you at ito ay naiuugnay sa biblya.

 

Ayon sa isang kwento ito ay mula pa sa judeo christian. Nuong ang panginoon ay ginawa tayo mula sa alabok, hinapan nya tayo at binigyan ng buhay, ang kanyang hininga ay pumasok sa ating mga ilong. Maraming mga relihiyon ang kinukunsidera na ang ilong ay isang gateway sa pagitan ng spiritual at physical world. Kaya naman kapag merong humatsing, pinaniniwalaan na nilalabas nito ang life force o spirit na binagy ng panginoon sa atin at sa pagsasabing bless you, ang mga masasamang esperito ay hindi makakapasok sa ilong ng humatsing.

 

Ayon naman sa isang theorya, nuong dark at middle ages, ang isang malakas na paghatsing ay indikasyon ng isang nakakatakot na sakit o in their times, a plague. Kaya naman kapag may humatsing, ang pinakamalapit na tao ay agad nag sasabi ng bless you para mapalayo ang mga masasamang pwersa na posibleng magbigay ng sakit at pahirap.

 

May mga iba naman nagsasabi na si Pope Gregory the first ang nagpopularized ng nasabing salita dahil kapag naririnig ito ng humahatsing, nagsasabi ito agad ng bless you.

 

May mga kwento kwento rin na kapag sobrang lakas ng bahing, may posibilidad na tumigil ang puso at ang pressure nito ay magdulot ng stroke o hindi naman kaya ang mga mata ay lumawa dahil sa lakas at ang pagsasabi ng bless you ay way ng pasasalamat dahil hindi ito nangyari sa taong iyon.

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nga ba hindi natin makiliti ang ating sarili?

Ano ba ang panaginip?