Bakit tayo na LSS?

Reading Time: 4 minutes

Alam nyo ba ung LSS? o ung last song syndrome? Ung tipong nakinig ka ng kanta tapos hindi mo na maalis sa isip mo? Halimbawa nasa bus ka tapos biglang tumogtog ito “insert 10 sec this band song”. Pag dating mo sa trabaho mo, ang kanyta ay paulit ulit ng tumatakbo sa utak mo. To the point na kinakanta mo na ito o diu naman kaya sinsipol with matching tambol sa desk.

Pero bakit nga ba tayo na LSS? Well, you might not like this mga boss, pero ayon sa mga eksperto ang culprit dito ay mga earworms. Yes ear worms, pero hindi ito mga parasites na gumagapang sa tenga mo ha, lets be clear on that. Ang mga ito ay parasitic in a sense na nananatili ang mga ito sa utak mo at magiging cause ng tinatawag na cognitive itch o brain itch.

Kapag tayo ay nakinig sa isang musika, nagttriger ang part ng ating utak na tinatawag na auditory Cortex. May ginawang research ang Darmouth university, at ayon sa kanilang pag-aaral, nuong sila ay nagpatugtog ng pamilyar na tunog sa mga subjects ang auditory cortex ng mga ito ay tinutuloy ang kanta, sa madaling salita, kahit na tinigil na ang tunog ang kanilang utak ay kumakanta pa rin.

Ang isang paraan para kamutin, literally, kasi nga brain itch, ay ulit ulitin ang kanta sa inyong utak. Pero pag makati masarap kamutin sabi nga nila kaya ang resulta, paulit ulit ang cycle ng LSS sa iyong utak.

Maraming theories tungkol dito. May ibang mga researcher na nagsasabing ang mga LSS ay ating iniisip na sinusubukang pigilin. Kapag mas lalo natin tuing pinipilit na tanggalin, mas lalo natin itong naiisip. Ayon naman sa ibang eksperto, ang earworms ay paraan ng ating utak para maging busy ito kung walang masyadong iniisip.

Bawat tao may kanya kanyang LSS, ang mga researcher hindi pa alam kung bakit may mga kantang naiistuck sa ating utak pero sa ibang tao hindi naman. Ayon sa pagaaral na ginawa, 74% ng mga tao ay na LSS pag alam nila ang lyrics, 15 percent naman sa mga commercial jingles at 11 percent sa instrumental songs. Para sa atin nakakainis ang kanta kapag na LSS tayo pero para sa mga record labels, companies at advertisers ay mas maganda ito dahil mas sisikat ang kanilang kanta.

Contratry to the popular belief, hindi lang ang mga kinaiinisan nating kanta ang nagpapaLSS sa atin. Gumawa ng pag-aaral ang Bucknell University at kalahati ng estyudyante na na LSS ay gusto nila ang kanta o maganda ito para sa kanila. Ang 30% naman ay wala lang, i mean walang effect sa kanila habang ang 20% ay ang mga estyudyante na naiinis sa mga kantang na LSS sa kanila.

Mahirap matanggal ang mga kanta lalo na’t na LSS ka na. Pero merong mga paraan para ito ay mawala kung kinaiinisan mo ang kanta. Ayon sa mga pag-aaral, mas mabilis mawala ang LSS kapag kumanta ka ng ibang kanta o nagpatugtog nito o di naman kaya ay maging busy. Ang iba naman nagsasabi na pakinggan ang kantang na LSS sayo hanggang sa matapos ito. Habang ang iba naman sinasabi na isipin daw na ang earworm ay totoong nilalang at imaginine na lumalabas ito sa iyong ulo at sabay aapakan ito. Well that last part, ewan ko lang pero tumatayo balahibo ko pag naiisip ko yun.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang panaginip?

Bakit bawal ang chocolate sa mga aso?