Ang pagiging bakla ba or tomboy ay isang mental disorder?

Ang pagiging bakla ba or tomboy ay isang mental disorder?

Sa tagal ng panahon, madaming pagtatalo na ang lumabas patungkol sa kalagayan ng isang tao. Well hindi ito kalagayan ngunit katauhan mismo ng isang tao. Ang mga taong ito ay nakakatanggap ng ilang pangungutya, ilang masasamang salita, ilang mga pangmamata at iba pa. Mula sa bibliya at maging sa siyensya ay pinagtatalunan kung bakit nga ba napupunta sa ganoong pagkatao.

Ayon sa bibliya, ang ginawa lamang ng Diyos ay isang babae at isang lalake. Ito na mismo ang pinaka madalas naririnig ng mga taong ito. Sila lang naman ang tinatawag na bakla at tomboy. Ang isang lalaki na nag-aastang babae, kung minsan ay nagdadamit pa ng mga pambabaeng kasuotan, at madalas ay makikita mo na mas maganda pa ito sa ilang mga babae; ito ang tinatawag na bakla.

Ang isang babae na nagdadamit ng panlalaki nagpapagupit na katulad ng isang lalaki at minsan ay mas gwapo pa sa isang tunay na lalaki. I just want to be clear no discrmination we do not condemn any gay or any lesbian na nasa society. Ito po ay research material and the information in here does not represent my views regarding LGBT. Sana clear tayo jan.

Bago tayo mag simula, nakasubscribe ka na ba? Hindi pa? Ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na at wag mo ding kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong video na punong puno ng impormasyon.

Ang pagiging bakla ba or tomboy ay isang mental disorder? Ang tanong na ito ay mula kay Lexter Luisaga at ito ang ask bulalord.

What the Bible say’s:

Unahin na natin ang nakalagay sa bibliya. Ayon sa mga taong taliwas sa mga bakla o tomboy, ang kanilang ginagawa ay makasalanan dahil 2 kasarian lang naman ang ginawa at ipinakilala na nakalagay mismo sa bibliya. At mababasa mismo sa bibliya ang kwento patungkol sa  bayan ng Sodom at Gomorah na sinira at binura ng Diyos dahil sa kanilang mga kalokohan na ginagawa.

Mula sa pagsamba mula sa iba’t-ibang Diyos-Diyosan, ang mga masasamang ugali ng mga tao ay mababasa din sa kwento na ito. Ngunit ang pinaka pinagtatalunan ng mga mag-aaral ng bibliya ay sinira ito dahil lumalaganap na ang imorality o ang pagkakaroon ng same sex relation ng mga tao.

Ang verse na pinaghahawakan ng mga taong nagbasa nito ay ang

Genesis 19:5″

“Where are the men who came to you tonight? Bring them out to us, so that we may know them”.

Ang parte na ito ay ang pagpunta ng tatlong anghel na nagkatawang tao upang sunduin ang pamilya ni Lot na kamag-anak ni Abraham. Pinaniniwalaan na ang mga kawal na lalaki na pumunta sa bahay ni Lot ay mga bakla at sinundo nila ang tatlong bagong lalaki upang gawin ang dapat na gawin.

Ngunit ayon pa sa ilang mga nag-aaral patungkol sa bibliya, hindi homosexuality o pagiging bakla o ano pa ang naging dahilan upang sirain ng Diyos ang bayan na ito. Ang pinaniniwalaan ay ang pinaka pangunahing kasalanan ng mga tao sa bayan ay ang hindi pagtrato ng maayos sa kanilang kapwa. Ang pag rape sa mga dumadating na bisita at kung minsan ay hindi pagtanggap dito.

Ang isang pang verse ay ang ROMANS 1:26-27 na nagsasabi na “Because of this, God gave them over to shameful lusts. Even their women exchanged natural relations for unnatural ones. In the same way the men also abandoned natural relations with women and were inflamed with lust for one another. Men committed indecent acts with other men, and received in themselves the due penalty for their perversion.”

Ito na mismo ang pinaka pinagdedebatehan ng mga taong taliwas sa mga bakla at tomboy. Ayon sa isang Pastor na si Caleb Kaltenbach, ang verse na ito ay patungkol sa mga tao na nakikipagtalik sa kapwa kasarian ay isang malaking kasalanan para sa Diyos. Ngunit kung ang isang manunulat na si Matthew Vines ang tatanungin, ang mga katagang nasabi sa verse na ito ay para sa mga taong pinapairal ang lust sa kanilang katawan.

Halimbawa na lamang ang matagal nang kaisipan ng mga tao noong unang panahon na ipinagpapalit ng isang lalaki o isang babae ang kanilang asawa dahil sa lust o libog na kanilang nararamdaman sa kapwa nila kasarian. Kumbaga sa kapwa nila babae. Ang pakikipagrelasyon sa kanilang kapwa kasarian ay dahil lamang lust na isang malaking kasalanan para sa Diyos

Ngunit ayon muli kay Vines, mali nga para sa isang tao na makipag relasyon para lamang sa lust na kanilang nararamdaman at kailangan itong pigigilan, ngunit hindi ang mga taong nagmamahalan ng tunay at hindi pinapairal ang ganitong kaugalian; babae man ito sa lalaki, o maging sa mga same sex relation.

Mababasa din sa 1 CORINTHIANS 6:9-10

“Do you not know that the wicked will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor male prostitutes nor homosexual offenders nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers will inherit the kingdom of God.”

Sexually immoral, male prostitute at homosexual offenders. Yan ang sinasabi ng bibliya.

Ayon kay Matthew Vines, ang same-sex behavior na nangyayri sa mga tao noong unang panahon ay isang pagpapakita ng dominace. Mula sa mga alipin, matatandang lalaki, mga bata, at mga prostitusyon na nagaganap noong unang panahon. Ang lahat ng ito ay ginagawa ng isang mataas na lalaki at ilang mga babae noong unag panahon dahil gusto nilang magpakita ng isang kapangyarihan na sumisimbolo na kailangan silang galangin, sundin at sambahin.

Ang nangyayari noong unang panahon ay hindi kagustuhan at walang magagawa ang isang lalaking alipin  o isang babaeng alipin dahil wala silang kapangyarihan at sila ay sumusunod lamang.

Ngunit sa modernong relasyonm ng isang same sex, ibang-iba ang relasyon noong unang panahon dahil sa modernong panahon gusto na ng dalawang magkabiyak o magkapareha ang kanilang relasyon, nuong unang panahon alipin ang kadalasang karelasyon ng isang taong may kapangyarihan.

Kung si Caleb Kaltenbach naman ang tatanungin patungkol sa bagay na ito, ayon sa kaniya ang mensahe na ito ay hindi lamang sa mga nakaraang tao ngunit maging sa mga taong nabubuhay ngayong panahon na ngayon.

Again, this is research material, ang mga nabanggit does not signify my views about LGBTQ.

Mapunta naman tayo sa siyensya. Marami ang naniniwala na ang pagiging bakla at tomboy ay isang sakit sa utak na kailangan gamutin. Sa tagal ng panahon ang mga taong ito ay madalas na hindi tanggap ng lipunan at dahil dito, madami silang pinagdaraanan. Alamin natin kung ano ba ang buhay ng mga taong ito mula noon hanggang ngayon.

History:

Ang pagiging homosexual ay isang bagay na hindi pa din tanggap sa ilang bansa at ilang mga relihiyon. Ngunit ayon sa research, ang pagiging homosexual ay hindi pinapansin ng mga taga Europa, ayos lamang ito sa kanila at maging ang mga christian church na makikita sa lugar na ito ay pinabayaan lamang silang mamuhay ng tahimik. Ngunit noong pumasok na ang makabagong henerasyon, ang mga taong ito ay nagsimula nang makatanggapp ng kung ano-anong salita maging sa bansang Europa.

Ang ilang lugar na katulad na lamang ng New Haven Colony na ngayon ay kinikilaa bilang bayan ng Connecticut ay naghahatol ng kamatayan kung ito ay nalaman na nakipagtalik sa kapwa nila babae o kapwa nila lalaki noong 1637 hanggang 1664.

Noong 19th century naman, ang mundo ng medesina at ilang mga psychiatrists ay gumawa ng paraan upang kalabanin ang relihiyon at maging ang batas upang ipaglaban ang karapatan ng mga homosexual na tao.

Dahil sa kanilang ginawa, ang pagtingin sa mga taong ito na mula sa isang kasalanan sa Diyos at isang kasalanan sa batas ay napunta ang paniniwala na ito ay isang sakit. Ang kanilang nararanasan ay isang karamdaman na kailangan ng isang matinding atensyon. Ang sakit na ito ay isang sakit sa utak na kailangan gamutin.

Not Disease:

Ayon sa isang psychiatrist noong 1886 na si Richard von Krafft-Ebing, ang kalagayan na ito ay inilarawan niya bilang isang “Degenerative Sickness” o isang kalagayan na mayroong problema sa iyong katawan o sa iyong utak kung kaya’t nararanasan ang bagay na ito.

Ngunit iba ang paniniwala nila Sigmund Freud at Havelock Ellis na pinag-aralan ang sexualidad ng isang tao.

Ayon kay Freud, ang lahat ng tao ay isang bisexual na maaring magkagusto sa isang lalaki o isang babae. Ang mga tao ay pinanganak bilang isang heterosexual hanggang sa maging homosexual dahil na din sa mga karanasan nito habang ito ay tumatanda. Ayon kay Freud:

“Homosexuality is assuredly no advantage, but it is nothing to be ashamed of, no vice, no degradation, it cannot be classified as an illness; we consider it to be a variation of the sexual function produced by a certain arrest of sexual development”

Ang mga katagang ito ay mula kay Freud na kanyang isinulat sa isang ina na mayroong isang anak na homosexual.

Ayon naman kay Ellis, ang pagiging bakla at tomboy ay inborn at hindi ito isang immoral na bagay. Ang pagiging ganito ng isang tao ay hindi kailangan tignan bilang isang sakit, at dagdag pa nito na malaki ang naitutulong ng mga ganitong tao sa lipunan.

Not Mental Disorder:

Ayon sa Psychology today, noong 1950’s hanggang 1960’s; dahil nga kinikilala bilang isang sakit sa utak ang pagiging homosexual, ang ilang mga therapist ay gumawa ng isang theraphy upang masabing gumaling ang mga taong ito.

Ang therapy na ito ay pagpapakita ng isang hubad na larawan ng kalalakihan sa mga lalaking homosexual habang bibigyan ang mga ito ng isang electric shock. Sa madaling salita ay habang kinukuryente ang mga ito, kung minsan naman ay pinapainom ang mga ito ng ilang gamot upang magsuka ng magsuka. Ang lahat ng ito ay gagawin sa kanila hanggang sa hindi na nila makayanan. Sa sandaling hindi na nila kaya, ang mga doktor ay magpapakita ng larawan ng isang babaeng nakahubad. Matapos nito ay ipapakilala nila ang mga ito sa ibang babae na pinaka huling bahagi ng therapy. Gayunpaman, ang tests na ito ay brutal, no doubt about that at hindi rin naging effective.

Noong 1968, isang guidebook na tinawag na Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders o DSM. Nakasulat sa guidebook na ito na isang mental disorder ang pagiging homosexual. Noong 1973, nagpatawag ng pagtitipon ang American Psychiatric Association o APA na dinaluhan ng lahat ng psychiatrist na miyembro nito.

Ang kanilang pagtitipon ay patungkol sa kung naniniwala ba ang mga ito na isang mental disorder ang pagiging homosexual. Mula sa mga miyembro, halos 5,854  na psychiatrist ang nagsabing kailangan na itong tanggalin sa listahan na pinaniniwalaan na isang mental disorder. Ngunit ang halos  3,810 ay matibay ang paniniwala na ito ay isang sakit sa utak at hindi dapat tanggalin.

Dahil dito ay tinanggal sa listahan ng mental disorder ang pagiging homosexual. Noong 1992 naman , tinanggal sa International Classification of Diseases ng World Health Organization o WHO ang pagiginng homosexual.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din lubusan na tanggap sa lipunan ang mga bakla at tomboy, ang iba ay nagkakaroon ng depression , at anxiety dahil sa kanilang tunay na katauhan na hindi nila kayang sabihin sa ibang tao. Ayon sa ilang mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nagpapalit ng gender o ang mga transgender ay dumaranas ng depression matapos nilang magpalit ng katauhan.

Ayon sa ilang pag-aaral, halos 86percent ng ilang transgender sa America ay dumaranas ng isang malalang depression bago o pagkatapos nilang magpalit ng katauhan. Dito ay makikita natin kung gaano katakot lumabas at magsabi ng kanilang sa loobin ang isang homosexual na tao.

Ang karamihan ng mga bakla sa America ay nakakaranas ng matinding bullying maging ang mga tomboy ay nakakaranas ng iba’t ibang diskriminasyon. Ang tingin sa mga ito ay mayroong sakit na nakakahawa kung kaya’t kailngang layuan. Ang mga ito ang nagiging dahilan kung bakit maraming homosexual na bata, mga binata at dalaga at pati na rin mga matatanda na takot pa din ilabas ang kanilang mga katauhan. Ito ang simula ng ilang adiksyon at ilang mga sakit kung patuloy itong nangyayari.

Personally hindi ko sila viniview as mental disorder, sakit o makasalanan. Still tao pa rin that has emotions and feelings. I don’t think na kasalanan nila kung bakit sila naging ganyan. Para sa akin kasi, hindi naman ikaw ung bakla o tomboy so bakit affected na affected ka sa kanila? Diba, kung ikaw ay straight then be straight, wag mo silang kutyain choice nila un so leave them be. Ikaw ba pinakialaman ka ba nila dahil straight ka? Di ba hindi? Anyway lumalayo na tayo sa tanong.

Ang pagiging bakla ba at tomboy ay isang mental disorder? Scientifically and historically speaking, hindi. They were once considered pero tinanggal na sila sa listahan ng mental disability. Personally speaking, they shouldn’t be there in the first place. Pero good thin dahil natanggal na ito sa listahan ng disability internationally.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan kay Lexter Luisaga. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe. May mga video akong naka premiere kagaya nito, sana makasama ko kayo ulit sa live chat kayat wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kayong updated. Madaming topics tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan yon ng mga taong gustong palawakin ang isip nila.

 

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nimrod

Ang pagsukat ng bigat ng kaluluwa