Bakit tayo may laway?

Reading Time: 4 minutes

Topics

Alam nyo ung pagdating ng gabi, aayusin nyo kama ninyo, papagpagin ang mga unan at sabay hihiga. Sa sobrang himbing ng tulog mo, hindi mo na namamalayan, meron na palang gripo na tumatagas, ang iyong bibig. Pag gising mo magugulat ka na lang sandamakmak na laway ang nasa unan.

Dito dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins lang. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

Ang taong tumutulo ang laway kapag natutulog ay dahil nahihirapang lunukin ang kanilang mga laway o panatilihin ito kapag natutulog.

May mga taong marami kung mag produce ng lawa at kahit sila ay gising meron silang problema sa sobrang laway, ung iba pa nga hinihigop ito habang nagsasalita dahil lumalabas sa gilid ng bibig, panigurado ang iba sa atin makakarelate dun.

Ang excessive saliva mga boss ay isang health issue at dapat maaddress. Kailangan matingnan ito ng mga eksperto para malapatan ng tamang gamot at therapy.

Ang ating salivary glands ay patuloy sa pagpproduce ng laway para malubricate ang ating mga bibig. Kapag tayo ay kumakain, mas lalong lumalakas ang produksyon ng ating mga laway. Ang ating bibig ay nakadesinyo para mapanatiling basa ito at mapanatili ang ating mga laway sa loob nito. May mga pagkakataon na nilulunok natin ang ating sariling laway lalo na kapag nararamdaman natin na mas marami ito. Subalit kapag tayo ay natulog, ang mga mekanismo na nagpapanatili sa laway sa ating bibig ay hindi rin fully functioning o less active.

Sa mga sanggol normal lang ang pagtulo ng laway kapag natutulog dahil hindi pa ito fully developed. Habang sa adults naman, may mga pagkakataon talaga na tutulo ang laway kapag natutulog at normal ito pero ang excessive o ung sobrang pagtulo ng laway ay isang senyales na ng sakit. Ang mga taong may neurological disorder ay hirap sa pagmamanage ng kanilang laway giusing man o tulog. Ang mga taong may parkinsons disease, cerebral palsy, stroke, facial pralysis at Alzheuimers disease ay ganito rin ang problema. Sa mga buntis naman, normal lang ang pagtulo ng laway dahil mas nagpproduce ang kanilang salivary glands ng laway dahil na din sa pagbabago sa kanilang katawan.

May mga pagkakataon din na ang mga taong tumutulo ang laway ay masama ang pakiramdam. May mga gamot din na merong mga side effects na nagpapadami ng saliva production at mas makikita ito pag natulog na ang taong nagtake ng gamot.

Ang mga unan din at mga kumot ay pwedeng maging dahilan ng pagtulo ng laway lalo na kung hindi ito pinapalitan. May mga dumi kasi na pwedeng pumasok habang tayo ay natutulog na syang magiging sanhi ng pagtulo ng laway. Kaya mga boss meron na kayong dahilan sa mga girlfriend ninyo o mga classmate kapag inasar kayong tulo laway.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit napapailing ang aso kapag nakikita ang amo

Nakakasama ba ang SOBRANG Pagpapawis?