Bakit tayo binabangungot?

Reading Time: 17 minutes

Topics

Bangungot o Night terrors, madalas itong maranasan kung ang isang tao ay natutulog.Kung minsan, magigising na lamang tayong pagod na pagod, takot na takot at kung minsan naman ay magigising ka mula sa ingay na gawa mismo ng iyong pagsigaw. Kung minsan ay magigising ka nang ikaw ay pawis na pawis. May pagkakataon naman na magigising kana lamang na nakatayo, ito ay dahil sa ikaw ay nagsleep walk.

Dahil sa mga pangyayaring ito, ang ilan ay nakagawa ng nang ilang mga kwento patungkol sa bagay na ito. Kalimitan ay naikakabit ito sa mga nakakatakot na paniniwala.

Ngunit bakit nga ba nangyayari sa atin ang mga ganitong bagay? Ano ba ang tunay na dahilan bakit madalas itong nangyayari tuwing gabi habang tayo ay natutulog. Ano ang tunay na dahilan ng bangungot. Ang tanong na ito ay mula kay Lone wolf at ito ang Ask bulalord.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Cause:

4 Facts about the “Bangungot” that you Need to Know

Ayon sa pag-aaral patungkol sa bagay na ito, ang Night terrors o sleep terror ay matatawag na “Parasomnia”. Ito ay nararanasan natin sa tuwing tayo ay napupunta sa last stage ng NREM sleep. Ang last stage ng NREM ay ang hudyat na ang tulog natin ay malalim na.

Nararanasan natin ang Parasomnia base sa ating ginagawa sa pang araw araw. Madalas nararanasan ito ng tao kung ito ay sobrang pagod. Mula sa mga mabibigat na trabaho at mga iba pang bagay, tayo ay nakakapagpahinga na lamang tuwing gabi. Ang mga taong hirap sa pagtulog ay madalas din itong maranasan.

Isa pang dahilan ay ang pagiging stress ng isang tao. Dahil sa stress ng isang tao, ang utak nito ay hindi na nakakapag pahinga mula sa pag-iisip. Dahil din sa strees, iba’t ibang bagay na din ang kanilang naiisip. Ang mga taong hindi nakakakuha ng sapat na tulog madalas ay dahil sa kanilang trabaho o di naman kaya ay dahil sa uri ng kanilang pamumuhay.

Maari din itong maranasan ng isang taong mataas ang lagnat o mataas ang sakit. Ayon sa ilang research, ang mga taong bago lamang sa isang lugar o sa isang bahay ay madalas din maransan ang bagay na ito, isama na din ang mga taong mahihilig uminom ng kape.

Ngunit ang bagay na ito ay hindi naman nangyayari nang madalas sa marming tao. Ayon sa ilang pag-aaral, halos 3 to 6% ng mga bata lamang ang nakakaranas neto. Para naman sa mga matatanda, madalas makaranas nito ang mga taong mahirap ang pinagdaanan noon sila ay bata pa. Dahil na din sa mahihirap na bagay na ito, nakaktatak na ito sa kanilang isipan at hanggang sa kanilang pagtulog ay sinusundan pa din sila. Halos 2.2% ng mga matatanda ang nakakaranas ng bagay na ito.

Para sa mga matatanda na nakakaranas ng bagay na ito, kalimitan ay dumadanas din ng post-traumatic stress disorder o (PTSD);bipolar disorder; some depressive disorders; general anxiety disorder; at substance abuse, na kadalasan ay alcohol abuse.

Sleep Apnea:

Sleep Apnea: Causes, Symptoms, and Treatment - Scientific Animations

Bago tayo magpatuloy, alamin muna natin ang isa pang uri ng sleeping disorder. Ang Sleep Apnea, ito ang pauli-ulit na pagtigil ng ating hininga ngunit babalik din sa loob ng ilang segundo. Ang mga taong malakas humilik ay ang mga taong madalas nakakaranas ng bagay na ito.

Ayon sa pag-aaral, mayaroon tatlong uri ng sleep apnea. Nariyan ang Obstructive sleep apnea, ang na ito ang madalas maranasan ng karamihan at nangyayari kung ang muscle na nasa ating lalamunan ay narelax. Pangalawa naman ay Central sleep apnea; na kung saan nangyayari sa tuwing hindi nakakapagpadala ng sapat at tamang mensahe ang ating utak na kanyang ipinapasa sa muscle na nagkokontrol sa ating paghinga. Pinaka huli sa lahat ay ang Complex sleep apnea syndrome. Ito ay ang sleep apnea na kung saan nagsasabay ang Obstructive at Central sleep apnea.

Nightmare disorder:

Nightmare Disorder | The Recovery Village

Kung tayo ay mananaginip, maraming panaginip ang ating mararanasan. Ang mga masasamang panaginip na ating nararanasan ay matatawag na Nightmare. Mula sa panaginip na ito, magigising tayo ng hindi maganda ang pakiramdam. Ito ay kadalasan na nangyayari sa mga bata, ngunit maari din naman maranasan ng mga matatanda.

Ayon sa ilang research, kahit na madalas itong mangyari; ang kinikilalang Nightmare disorder ay masasabing bihira lamang. Ang deisorder na ito ay dahil sa distress, ilang problema na laging nararanasan ng isang tao o di naman ang ang pagbuo nito ng sariling takot na dahilan upang hindi ito makatulog.

Kung ang isangtao ay mayroong bagay na kinakatakutan sa kanyang pagtulog, normal na lamang na ito ay magakaroon ng masamang panaginip.

Nightmare ang Night Terror:

Nightmares VS Night Terrors - What's the difference?

So, ano ang pagkaiba ng dalawang bagay na ito?

Ayon sa research, ang nightmare ay isang bagay na nagagawa ng ating utak dahil sa mga bagay na ating pinagdaraaanan. Ang masamang panaginip ay mula sa takot, sa lungkot at iba pang bagay na nagpapabilis ng tibok ng ating puso. Dahil nga ang pagkaranas natin sa isang panaginip ay sa tuwing mahimbing na ang ating tulog o nagagawa natin sa tuwing tayo ay nasa REM stage na. Ang isang panaginip na ginawa ng ating utak ay ating maalala sa ating paggising.

Samantalang ang isang night terrors naman ay nangyayari bago pa tayo makaranas ng isang panaginip. Sa tuwing magigising tayo sa isang night-terror, wala tayong maalala na ating napaginipan. Dahil sa tuwing tayo ay nakakaranas ng night terror, walang nangyayaring panaginip. Hindi utak natin ang gumagana ngunit ang ating nervous system.

Magulo ba? Ganito halimbawa nagpipiglas ka sa kama na parang sinasapian. O di naman kaya biglang umupo ang katabi mo sa kama tapos nakatulala pero deep inside tulog sya nun, nakakatakot man pero hindi sinasapian ang kasama mo nun. Yun ang tinatawag na sleep terror. Kadalasan kapag ginising mo ang kasama mo hindi nya alam ang nangyari. May mga pagkakataon na maalala nya ang mga iilang visual images pero bihira lang to. Hindi ibig sabihin na sinapian ha. Pero nakakatakot talaga ang sleep terror lalo na kung sa iba mo makikita.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Risk Factor:

Nightmares: The Three Biggest Risk Factors - PsyBlog

Dahil sa palaging pagkaranas ng bagay na ito, ang katawan natin ay hindi na makakakuha ng sapat na tulog tuwing gabi. Dahil sa kakulangan sa pagtulog sa gabi, ang katawan natin ay babawi sa umaga. Ang mga taong sobrang nakakaranas ng bagay na ito ay naapektuhan ang kanilang pang araw araw na gawain. Mula sa pag-aaral, sa pagtatrabaho at maging sa khit anong bagay.

Ang iba ay maaring magkaroon ng problema sa kanilang personal na pamumuhay at personal na relasyon sa ibang tao. Ang pagkaranas ng night terror ay may banta din sa ating buhay, ang ilan sa mga balita ay dahil lamang naranasan nila ito, hindi nila mapigilan ang makagawa ng isang bagay na masama at kapahamakan ang nagiging resulta sa kanilang katawan; o maging sa ibang tao na kanilang kasama sa pagtulog.

Treatment:

New position paper recommends treatment options for nightmare ...

Sa tuwing nararanasan natin ang sleep terror, minsan ay hindi natin alam kung ano ba ang panaginip sa realidad. Dahil sa pagkalito natin, minsan din ay nasasaktan natin ang taing sarili. Ayon sa mga eksperto, kung ang ikaw ay nakakaranas na ng ganitong sintomas, kailangan nang magpunta sa isang doktor at humingi ng tulong.

Narito ang ilang bagay na kailangan asahan kung maiisipan humingi ng tulong sa isang propesyonal na patungkol sa sakit na ito. Dahil kaakibat ng isang bangungot ang isa pang sakit, maaring sa utak o di naman kaya sa ilang gamot na ginagamit. Kung ito ay malalaman kaagad ng isang doktor, maaring magamot ang mga ito at kasunod na ang bangungot na nararansan.

Kailangan din malaman kung ano ang bagay na ikinababahala ng isang tao gaya ng stress. Kung ang isang pasyente ay nakitaan ng anxiety o depression, maaring imungkahi ng iyong doktor na ikaw ay makipag kita muna sa isang therapist o isang counselor; tulad na lamang Cognitive behavioral therapy, hypnosis, biofeedback o relaxation therapy na maaring makatulong upang mabawasan ang stress na iyong nararanasan.

Kung ang isang pasyente ay hindi naman nakitaan ng ganitong mga sintomas, maaring gamitin ng doktor ang tinatawag na Anticipatory awakening. Ito ang paggising sa isang pasyente na nakakaranas ng sleep terror; mula sa kanyang pagkakatulog at makalipas ang labin’limang minuto, gigisingin ito bago pa niya maranasan ang ganitong pangyayari. Mula sa kanyang paggising, mananatili siyang gising ng ilang pang minuto.

Habang ito ay kanyang ginagawa, may ilang gamot ang ipapainom sa kanya ng kanyang doktor. Ayon sa mga research, ang pag-inom ng gamot upang gamutin ang isang tao na nakakaranas ng sleep terror ay hindi madalas nagagamit lalo na sa mga bata. Ngunit kung ito ay kailangan talaga, maaring gamitan ng benzodiazepines o ilang antidepressants upang gumaling lamang ito.

Bangungot in other Country:

Para sa mga Pilipino, ang bangungot ay sa tuwing ang isang tao ay namamatay sa pagtulog. Para sa mga paniniwala ng mga taga Pilipinas, ang bangungot ay nakaakibat sa tinatawag na Batibat.

Ang batibat ay isang malaking nilalang na pinaniniwalaang demonyo o masamang nilalang. Ang mga ito ay pinaniniwalaang nakatira sa mga puno, at dahil ang puno ang isa sa pinagkukunan ng mga kahoy upang maging gamit sa iba’t ibang bagay. Ang punong kahoy na dating tahanan ng isang batibat ay naging kama, o kahit anong gamit na makikita sa loob ngisang tahanan. Dahil sa galit ng nilalang na ito, uupuan neto ang isang tao na gumagamit sa kanyang dating tahanan. Uupuan niya ito mula sa ulo habang ito ay natutulog, dahilan upang mamatay ito sa pagkakatulog.

Ayon sa paniniwala, ang isang taong binabangungot ay uungol lamang habang ito ay natutulog. Ang katawan nito ay hindi nito maigagalaw at kung hindi ito nagising, ito ay tuluyan ng mamatay.

Para sa mga taga Pilipinas, kung ang isang tao na wala namang sakit o kahit anong komplikasyon sa kanyang katawan; at bigla na lamang namatay mula sa kanyang pagkakatulog. Bangungot ang itinatawag natin dito. Ang bagay na ito ay matagal nang pinaniniwalaan ng mga matatanda sa Pilipinas.

Isa na sa pinaka-kilalang tao na napatay neto ay ang sikat na artista, si Rico Yan. Ang taong ito ay natagpuang patay sa kanyang hotel habang ito ay nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City. Ayon sa mga pag-iimbestiga, ang artisa ay nakainom ng lamang ng dalawang bote ng alak. Wala itong sugat sa kahit anong katawan , at hindi din nakitaan ng droga sa kanyang katawan o sistema.

Madaming naniniwala na ang taong ito ay binangungot. Ngunit kung ang mga doktor ang tatanungin, ito ay namatay sa isang komplikasyon sa kanyang tiyan. Acute hemorrhagic pancreatitis, ito ay isang kompliksyon na nangyayari sa tiyan ng isang tao kung ito ay kakain nang madami bago matulog. Ayon sa mga doktor, dahil ito sa bigat ng kinain ng isang tao.

Ayon sa research, ang bangungot ay madalas mangyari sa mga lalaki na nasa edad na 30 hanggang 40. Ayon kay Dr Edgardo Gueco, chief of the national police medico-legal division;
“We have not autopsied any woman who died of bangungot, Based on our observations, the victims had eaten heavily or drunk heavily before going to sleep,”.

Ayon sa mga pag-aaral, karamihan ng mga biktima ay mga kalalakihan na mula sa mga bansa tulad na lamang ng Vietnam, Laos at mga kalalakihan na mula sa Japan at dito na nga sa Pilipinas. Ayon sa ilang kaso sa United States, mga Vietnamese refugees ang laging biktima ng kasong ito. Mapapansin na puro asyano ang mga biktima, dahil dito nagkaroon ng ilang teorya ang mga eksperto. Ayon sa ilang paniniwala, maaring mayroong paliwanag dito ang kultura o maaring namamana ng isang tao.

Pinaniniwalaan din na ito ay dahil mismo sa high carbohydrate na kinakain ng mga asyano, ang kanin. Ngunit ito ay walang kasiguraduhan.

Ayon naman sa isang Cardiologist na si Erdie Fadreguilan, makikita sa autopsies files noong 1957 hanggang 1987 na halos 328 na nabiktima ng bangungot ay nakikitaan din ng komplikasyon sa kanilang puso.
“We had no way of knowing what happened because they did not survive.”
Ayon pa sa doktor. Dahil nga walang taong buhay ang nakakaranas nito, hindi nila malaman ng lubos kung ano ba ang tunay na dahilan ng pagkamtay ng mga nito.

Ang ilan ay naniniwala na ito ay maaring kaso ng tinatawag na “Asphyxia”. Ang Asphyxia ay isang uri ng sleep apnea. Ito ay isang pangyayari kung saan hindi na nakakahinga ang isang tao mula sa kanyang pagkakatulog. Ngunit karamihan sa biktima ng kondisyon na ito ay mga taong adik sa droga, na kung saan dahil sa sobrang pag-gamit ay nakakaranas ng biglaang epileptic seizure habang natutulog.

So, maaring ang mga ito ay mayroong kaakibat na kababalaghan. Maari din na wala naman talaga at kailangan lamang natin ng mabuting pag-iingat mula sa mga ating ginagawa.

Ang pagtatrabaho ay kailangan natin para sa ating buhay, ngunit huwag nating alilain ang ating sarili at matuto din tayong magpahinga. Kung ang katawan natin ay makakakuha ng sapat na tulog at sapat na pahinga, ang mga bagay na ito ay maari nating maiwasan.

Hindi din naman masamang kumain, ngunit masamang kumain ng marami lalo na sa gabi. Ang sobrang pagkain ng madami sa gabi ay maraming naidudulot na komplikasyon sa ating katawan, kahit na ikaw ay hindi makaranas ng isang bangungot.

So, have a healthy diet, bawasan ang pag-inom at pagkain ng sobra sa isang handaan at maari ka nang makatulog nang mahimbing sa gabi at asahan mong ikaw ay magigising pa kinabukasan.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Lone wolf. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.uratex.com.ph/facts-bangungot/
  2. https://www.wired.com/2002/04/odd-syndrome-targets-asian-males/’
  3. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-terrors/diagnosis-treatment/drc-20353529
  4. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-terrors/symptoms-causes/syc-20353524
  5. https://www.quora.com/What-is-the-difference-between-a-nightmare-a-night-terror-and-a-lucid-dream
  6. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nightmare-disorder/symptoms-causes/syc-20353515
  7. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-apnea/symptoms-causes/syc-20377631
  8. https://www.healthline.com/health/night-terrors#causes
  9. https://www.everydayhealth.com/sleep-disorders/coping-with-fear-adult-night-terrors/
  10. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-terrors/symptoms-causes/syc-20353524

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo nag kakaroon ng Phobia

Third Eye