Bakit pag umiinom tayo ng alcoholic beverages o alak panay ang pag-ihi?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Ang pag-inom ng alak ay isang bagay na laganap sa halos lahat ng tao sa Pilipinas o maging sa iba pang mundo. Ang pag-inom kasama nang iyong mgab kaibigan ay isang paraan upang magpakasaya at upang makipag usap sa mga taong matagal mo nang hindi nakikita. Birtday, despidida, pasko, bagong taon at kahit ano pang okasyon ay kasama na ang alak sa mga ito.

Kung minsan dahil sa sobrang kasiyahan, hindi na namamalayan ng isang tao na siya ay nakakarami na nang nainom na alak. Ang isang bagay na palaging ginagawa ng isang tao sa tuwing ito ay lasing ay ang pagpunta sa banyo. Hindi upang matulog o sumuka, well kadalasan nangyayari un lalo na kapag nakailang case na. Pero kadalasan lalo na sa mga unang tagay pa lang, kaya pumupunta sa cr ay para umihi. May mga nag-tatanong bakit sa tuwing marami na ang naiinom ng isang tao ay panay na din na din ang kanyang pag-ihi ?

Kakaunting paalala lamang. Ang pag-inom ng alak ay para lamang sa mga tao na nasa tamang edad at pinayagan na nang mga magulan. Tandaan, mapanganib ang alak para sa mga bata.

Alam nyo ba na ang cactus ay pwedeng maging alak? Alam mo ba na kapag walang laman ang tyan mo ay mabilis kang malalasing? Marahil ito ang silbi ng mga pulutan. Pero bago tayo magsimula, Nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at mag subscribe ka na. Maraming magagandang topic sa channel na ito kaya I hit mo na din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay Lawrence Macabenta at ito ang ask bulalord.

Ethyl alcohol:

Ethyl alcohol

Mayroong tatlong klase ng alcohol, ito ang methyl alcohol, ethyl alcohol, propyl alcohol at ang butyl alcohol. Ayon sa Drugs.com, Ethyl ang ginagamit ng mga gumagawa ng alak, ang ethyl ang kanilang hinahalo sa kanilang mga produksyon. Ang mga methyl, propyl at butyl ay isang bagay na nakakasama sa isang tao kahit na makainom o malanghap lamang ang mga bagay na ito.

Bukod sa Ethyl, ang tatlo ay maaring makapag-pabulag sa mga tao. Ang “Ethanol” ay isang alchool na hindi nakakalason na makikita sa mga wine, liqour at beer. Ang bagay na ito ay nakukuha sa pagpe- ferment ng yeast, asukal at ilang startches. Alam naman na nang karamihan na ang isang ubas ay isa ding bagay upang pagsimulan ng isang wine. Ang ilang halaman katulad na lamang ng isang cactus at isang sugar cane ay maari ding gamitin para makagawa ng isang alak.

Ang isang alcohol ay isang transparent at isang viotile na likido na kapag hinalo sa isang tubig ito ay matutunaw. Sa tuwing tayo ay kumakain ng mga matatabang pagkain, mas napapadami ang pag-inom ng isang tao ng alak. Ang mga mga alak ay unang pupunta sa intestine ng isang tao, hanggangs a ito ay kumalat sa katawan ng isang tao.

Kung ang isang tao ay iinom ng alak habang walang laman ang tiyan, ang Blood-alcohol concentration o BAC ay mabilis na tataas na kung saan ang taong ito ay mas mabilis na malasing. Ang 90 percent mula sa iniinom na alchol ng isang tao ay nagagamit kaagad ng ating atay. Ayon sa pag-aaral, ang Alcohol dehydrogenase na isang enzyme na makikita mismo sa atay at sa stomcah ng isang tao ang nagiging dahilan upang maging acetaldehyde ang iniinom nating alcohol. Malamang jargon sa inyo ang salitang ito. Ano nga ba ang acetaldehyde? Ito ay isang toxin na siyiang nagiging dahilan kung bakit nakakaranas ang isang tao ng tinatawag na “Hangover”.

Grain alcohol:

What Is Grain Alcohol and How Is It Used in Spirits?

Ang isang uri ng alcohol ay tinatawag na Grain alcohol na masasabing isa ding ethyl alcohol. Ang isang grain alcohol ay na purified o nalinis na ethyl, kung saan mula ito sa distillation ng isang fermented grain. Ang isang ito ay isa ding ethyl alcohol ngunit ito ay mula sa isang grain o butil.

Ito ay ang mga inilalagay sa isang beer o isang vodka na iniinom ng nakakararami. Ang klase ng alak na ito ay tinatawag din na isang “Neutral spirit” na kung saan wala itong iba pang halo. Ang isang grain alcohol ay isang central nervous system depressant at isang neurotoxin. Ayon sa mga ilang tao, ang alak na ito ay maaring maging gamot.

Well, it’s a alcohol lahat ng taong mangiginom ay maaring ganito ang sasabihin.

Kung pagkukumparahin natin ang dalawang alak na ito, mas nakakalasing ang isang Ethyl alcohol.

Anti Diuretic Hormone:

What is Antidiuretic Hormone? - Definition & Function - Video ...

Ang kidney ng isang tao ay mayroong tinatawag na ADH o AntiDiuretic hormone kung saan ito ang tumutulong upang ang katawan natin ay malabas, at mag reserve lamang ng tamang tubig ang ating katawan. Ang hormone na ito ay ginawa ng ating hypothalamus upang makipag komunikasyon sa kidney ng isang tao kung gaano karaming tubig lamang ang kailangan ng ating katawan.

Ito din ang nagbabantay at nagpapanatiling balanse sa tubig na napupunta sa ating dugo. Kung ang maraming tubig ang nakunsumo ng katawan ng isang tao, ang blood pressure nito ay magsisismula na ding tumaas. So kung ito ang nagiging monitoring ng ating pag ihi, may koneksyon ba ito sa likido ng alak?

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na! Maraming mga magagandang topics tayong ididiscuss na tiyak kapupulutan nyo ng aral.

Urination:

Ayon sa pag-aaral, ang pagbilang kung gaano kadalas umiihi ang isang tao sa loob ng isang araw ay iba-iba. Ang normal na pag-ihi ng isang tao sa loob ng isang araw ay halos anim hanggang pitong beses. Kung minsan ay nasa apat hanggang sampung beses.

Ang pag-ihi ng isang tao ay base din sa kanyang iniinom na bagay, kung tubig, juice, o maging alak. Ang pinaka normal na nailalabas ng tao sa loob ng isang araw ay halos 800 hanggang 2,200 milliliters per day.

So, bakit nga ba tayo madalas umihi sa tuwing tayo ay umiinom ng alak? Ayon sa research, ang acetaldehyde na mula sa alcohol na ating iniinom ay tinutunaw pa mismo ng tinatawag na aldehyde dehydrogenase na isa ding parte ng ating atay. Ang acetaldehyde ay nagiging acid o isang carbon dioxide at isang tubig.

Mula sa ating atay, ito ang naglalabas ng tubig sa ating katawan. Ang ganitong paraan ay upang mabantayan ang plasma osmolality ng ating dugo. Ano ang osmolality I hear you ask? Ito lang naman ang ratio ng mga particles na nasa dugo ng isang tao. So, kung napapadami ang pag-inom ng isang likido, kumpara sa mga particles na iyong naiinom, ang mismong atay natin ang magsasabi sa ating katawan na maglabas pa nang ihi.

Kung ang katawan natin ay nakaka kuha ng mas madaming particle kesa sa fluid, maari itong mapigilan ng ating atay at hindi natin mararamdamn na kailangan nating umihi.

Isa pang dahilan ay ang pagiging diuretic ng isang alak. Sa tuwing tayo ay umiinom ng alak, ang katawan natin ay nagpapalabas ng ADH hormone na isang vasopressin. Ang ADH ay magbibigay ng signal sa ating utak na maglabas pa nang particles kumparas sa fluid. So, ang ADH na ito ang magsasabi sa ating atay na hawakan ang mga tubig o pigilan itong lumabas. Habang patuloy na ginagawa ito ng ADH ang kidney natin ay napupuno ng tubig. Dahil dito, mas makakapagpalabas tayo ng maraming tubig at ang epekto nito sa ating katawan ay madedehydrate tayo, hence mas napaparami ang ating inom.

Ayon sa pag-aaral, sa tuwing ang isang tao ay nakakainom na nang halos 2 hanggang 4 percent ng alcohol ay dito na magsisimula ang paglalabas natin ng isang ihi.

Ang pag-inom ng isang tao ay hindi na napipigilan o hindi naman ay mahirap pigilan dahil na din sa pagyaya ng kanyang mga kaibigan. Ngunit tandaan na ang pag-inom ng alak ay nangangailangan din ng pag-iingat dahil ito ay nagdadala din kapahamakan para sa isang tao. Ang pag-ihi ay hindi kailangan pigilan para lamang hindi maudlot ang kasayahan.

Ang pagpipigil ng ihi ay maaring magbigay ng ilang komplikasyon sa ating katawan, at maaring pagsimulan ng ilang sakit. Hindi masama ang panandaliang pag-ihi, kung ikaw naman ay hindi magkakasakit.

Kahit na wala itong maidudulot na masama ay panatilihin na tama ang pag-iniom upang maka-uwi ng ligtas sa bahay. Kung ang isang tao ay iinom ng madami, ang mga aksidente ay hindi masasabi at hindi mapipigilan, ang tamang pag-inom ng isang alak ay isang paraan upang makauwi sa tahanan ng ligtas.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan Lawrence Macabenta. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kayong updated. May mga video akong naka premiere sana makasama ko kayo sa live chat minsan. Madaming topics tayong ididiscuss at sigurado ako magugustuhan yon ng mga taong gustong palawakin ang isip nila.

Maraming Salamat sa panonood. Bulalord Out!


Drink moderately !

Sources

Sources

  1. https://www.drugs.com/alcohol.html
  2. https://www.thoughtco.com/what-is-grain-alcohol-3987580

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakasama ba ang SOBRANG Pagpapawis?

Ang kwento sa likod ng kilalang pelikula ng disney