Bakit nilalagyan ng sapatos ang mga kabayo

Reading Time: 3 minutes

Mula kay

 

angheL montemayor

Bakit nga ba nilalagyan ng bakal na sapatos ung kabayo?

 

To answer that question madali lang, ito ay para maprotektahan ang mga paa ng kabayo dahil mas malambot ang kanilang mga kuko o ung hooves, yes kuko un mga boss. Just to be clear, ang mga wild horses ay mayroong matitigas na hooves dahil na din sa enviroment nito, habang ang mga domestic horses o ung inaalagaan ay mayroong weaker hooves dahil kadalasan malalambot ang tinatapakan nito at ang kanilang mga kuko ay hindi tumitigas kaya kinakailangan nila ng sapatos.

 

Ang mga kabayo ay naging dosmiticated thousands of years ago, nagsimula ito around 400 BCE o posibleng mas matanda pa dito. Naging malaking tulong ang kabayo para sa mga sinaunang tao lalo na’t wala pang mga sasakyan nuon pero nagkaroon sila ng problema dahil ang mga paa ng kabayo ay humihina habang tumatagal.

 

Naging malaking problema ito sa mga mamayan dahil sa sobrang paghila at pagsakay sa kabayo lalo na sa mga hindi pantay na lupa ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa kanilang mga paa o kuko, ang kanilang paglakad at pagtakbo ay hindi na pantay, ang kanilang balanse at bilis ay naapektuhan din dito at dumadating pa sa punto na hindi na ito makatayo.

 

Para masolusyunan ito, ang horseshoe ay nimbento. Ang ibang mga historias ay naniniwala na ang mgaromans ang nakaimbento nito, matapos nilang maimbento ang mule shoes taong 100BCE.

 

Ang pinakamain objective ng horse shoe ay para maprotektahan ang mga paa ng kabayo sa excessive stress at wear and damage. Hindi lang yan, tumutulong din ito sa traction para mas maging mabilis ang takbo nito o hindi naman kaya hindi madulas. Tumutulong din ito sa pagmamaintain ng kanilang balanse lalo na sa mga mapuputin na lugar.

 

Mas naging malaking tulong ang sapatos ng kabayo sa kanila nuong nagkaroon na ng daan na gawa sa aspalto, you see mga boss, kapag ang kabayo ay walang horse shoe at nagtatakbo sa kalsada na aspalto, mas mabilis itong masira at may chansa na madulas ito habang tumatakbo at magkaroon ng malalang injury.

 

Alam nyo ba na ang mga sapatos ng kabayo ay kinukunsidera na swerte? Oo mga boss. Ito ay sa kadahilanang gawa ito sa bakal, isang material na pinaniniwalaang nakakapagtaboy ng masasamang esperito. Kadalasan meron din itong 7 pako, at ang number 7 ay isa sa mga lucky numbers.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Aso nakakadetect ng cancer?

CPU 4 8 Cores VS GPU 1000+ cores