Bakit nga ba unique ang mga fingerprints?

Reading Time: 5 minutes

Bakit nga ba unique ang mga fingerprints? Bago natin sagutin yan mga boss alamin muna natin kung papaano nabubuo ang finger print.

 

Ang fingerprints mga boss ay ang mga maliliit ridges o parang guhit sa ating mga daliri. Ang mga ridges na ito ay matatagpuan din sa ating palad, paa at kahit sa sakong. Tinatawag din silang dermal ridges. Ang fingerprints ay unique sa bawat indibidwal.

 

Ang pagkakabuo ng fingerprint ay nagsisimula ng tayo ay nasa sinapupunan pa lamang. Ang mga linya sa ating mga daliri at paa ay nabubuo na nuong tayo ay nasa 6 na buwan hanggang 3 buwan bago tayo ipanganak pero hindi pa alam kung papaano ito nabubuo.

 

Ang isa sa pinakakilalang teorya at mostly accepted ay dahil ito sa ating middle skin layer na tinatawag na basal layer kung saaan ito ay naiipit sa pagitan ng inner layer o dermis at outer layer o epidermis ng ating balat. Ang basal layer natin ay mabilis na tumutubo kumpara sa dalawang skin layer at nagkaakroon ng strain sa dalawa pang skin layers.

 

Ang straining pressure na ito ang dahialn kung bakit nagkakaroon ng pagfofold ng epidermis layer sa dermis layer. Ito ang nakikita nating ridge patterns sa ating mga daliri. ang mga ridges na ito ang nagiging foundation ng fingerprints.

 

Dahil ang pattern ng ating fingerprints ay nasa pagitan ng dermis at epidermis ito ay nearly permanent na at hindi basta basta nasisira ng mga skin injuries. Pero bulalord ung iba nabubura nila ang kanilang mga finger print, eh di hindi permanent ang fingerprints natin.

 

Yes and no, well, repeated activity kagaya na lamang sa mga construction workers kung saan laging nangagasgas ang kanilang mga kamay at nabubura ang mga fingerprints. Sa katunayan ang ibang mga kriminal ay intentionally itong ginagawa gamit ang asido o apoy para maging multo sila sa mundo ng mga kriminal. Pero old your horses mga boss, ang ating fingerprint ay nasa deeper skin layers at kapag ang acid o mainit na temperatura na syang nagpabura ng fingerprints ay nawala na, unti unti rin itong tutubo pabalik. That is what i meant when i say nearly permanent. Dahil kahit anong kas kas mo, tutubo at tutubo yan pabalik unless tanggalin talaga ang deepr skin layers o putulin ang daliri.

 

Sabi nila unique daw ang fingerprints, kung unique ito, papaano ang mga identical twins? meron din ba silang parehas na fingerprints? Yes unique ang fingerprints mga boss and No, hindi magkaparehas ng fingerprints ang identical twins.

 

Ang Fingerprint pattern formation consist of two components, ito mga boss ang developmental at genetic. Ang Ridge pattern development ay hindi lang nakadepende sa genetic factors, pati ang unique physical condition ay mayroon ding epekto dito. Sa kaso ng identical twins, kahit na sila ay genetically similar, ang pressure sa loob ng sinapupunan ay pwedeng makaapekto sa pagbuo ng kanilang fingerprints. Kahit ang haba ng kanilang umbilical cord ay nakakaapekto din.

 

May iba’t ibang factors din na posibleng maka impluwensya sa pag form ng fingerprints. Kasama na dito ang blood pressure, oxygen levels sa ating mga dugo, ang kinakain ng nanay, mga hormone levels at ang posisyon ng fetus sa tyan ng nanay.

 

Pati ang aktibidad ng fetus ay nagkakaroon din ng effect sa pagform ng fingerprints kaya’t magkaibang magkaiba ang fingerprints ng mga twins, triplets o kahit quadruplets pa.

 

Dahil sa pagiging unique ng fingerprints, ito ay naging primary identification pagdating sa criminal investigations. Kahit na walang nakakita o witness, kapag ang mga awtoridad ay nagfingerprints sa crime scene magkakaroon ng lead or best case scenario matatagpuan ang kriminal.

 

Alam nyo ba mga boss na merong 3 classification ang ating mga fingerprints? Ito mga boss ang Arches, Loops and Whorls. Bawat class ay mayroong suibcategories. Ito pa, ang fingerprints natin ay nagpapakita ng ating racial variation. Halimbawa na lang ang mga may lahing africano o kahit na ung mga africans, mostly ang kanilang fingerprints ay Arch class. Habanag ang mga europeans naman ay ang loop class at tayong mga asians ay whorl. Tingnan nyo mga fingerprints nyo. Sa akin parang Whorl na Loop eh.

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Solar energy?

Aso nakakadetect ng cancer?