Bakit nga ba hindi natin makiliti ang ating sarili?

Reading Time: 4 minutes

Bakit nga ba hindi natin makiliti ang ating sarili? Subukan nyo mga boss, try nyo lang ung tipong alam mong nakikiliti ka sa parteng un tapos hawakan mo, walang epekto ito. Pero kapag ibang tao ang gumawa, panigurado konting kalabit pa lang nakikiliti ka na.

Lahat tayo may kiliti, aminin man natin yan o hindi. Ang iba sa may tuhod, ang iba sa paa o tagiliran, ang iba naman sa may batok. Natural pag kiniliti ang isang tao, tatawa ito.

Nadikubre ng mga siyentipiko na ang ating naeexperienced kapag tayo ay kinikiliti ay ang pagpapanic sa atin, isang natural defense ng ating katawan, katulad na lang ng pag may gumapang na insekto o gagamba sa katawan mo. Although takot ang iyong mararamdaman pag nakita ito, ang initial reaction ay makikiliti ka muna at ito ang magsisignal sa katawan mo na merong gumagapang sayo.

Ang pakiramdam na nakikiliti ay naglalagay sa atin sa state of panic at ang katawan natin ay nagrerespond ng pagtawa. Lalo na kung nakikipagharutan ka o hindi naman kaya ung kiniliti ka talaga, nakakaramdam tayo ng panicked at in turn mas malakas ang ating pagtawa kahit na alam naman natin na kikilitiin tayo.

So ang tanong, bakit pag iba nakikiliti tayo pero bakit ang sarili natin hindi? Well sadly mga boss, this question still remain unanswered. although merong mga research na naconduct patungkol dito. At ayon sa research, ang ating utak ay trained na sa kung anong mararamdaman kapag tayo ay gumalaw o may ginawa. Hindi tayo aware sa movement na ito at ang sensation na ginagawa ng ating mga paggalawa.

Halimbawa, kapag nagsasalita ka, hindi mo masyadong binibigyan ng attention ang iyong vocal cords. Sa parehas na dahilan hindi natin makiliti ang ating sarili. Kahit na kumuha pa tayo ng stick o pekeng kamay para kilitiin ito, hindi pa rin ito eepekto dahil ang ating utak ay naaanticipate ang pagcontact ng ating kamay sa bagay na ipangkikiliti natin sa ating sarili thus, ang ating utak ay nagiging handa para dito. Tinatanggal nito ang pakiramdam ng pagkabalisa at pagpapanic kaya ang ating katawan ay hindi nagrerespond pag tayo ang nagkilit asa ating sarili.

Ayon sa pagaaral ng mga siyentipok sa university College London, ang cerebellum ang parte ng ating utak na nagpapatigil para makiliti tayo sa ating sarili. Ang cerebellum ay matatanggupaan sa base ng ating utak na nagomomonitor sa ating mga kinkilos.

Ang cerebellum ay may kakayahan malaman ang pagkakaiba ng expected at unexpected sensation. Ang expected sensation ay katulad ng pressure na binibigay mo sa phone mo kapag naglalaro ka ng Mobile Legends at malapit ng matalo. Ang unexpected naman ay ang pagkagulat mo kapag biglang may nagKS sayo sa laro o hindi naman kaya bigla kang sinigawan ng nanay mo habang naglalaro.

Ayan mga boss ang dahilan kung bakit hinding hindi ninyo makikiliti ang inyong sarili.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tumutulo ang ating laway pag natutulog?

Bakit tayo nagsasabi ng bless you?