Bakit nga ba gustong gusto natin ng mga nakakatakot na pelikula?

Reading Time: 7 minutes

Bakit nga ba gustong gusto natin ng mga nakakatakot na pelikula? Yung tipong hinahabol ng killer o halimaw tapos ikaw nagtatakip ng mata pero ung sinisilip silip mo pa rin. Ito ung mga pagkakataon na gusto mong iforward pero gusto mong panoorin.

Ang takot ay isang emosyon na ayaw nating maranasan at iniiwasan natin hanggat maaari pero bakit nagbabayad pa tayo sa sine o sa mga peryaan, sa mga horror train o haunted house  para takutin ang ating sarili?

May ibang mga tao na kaya sila nanonood ng nakakatakot na pelikula ay para ipakita na hindi sila natatakot bagkus sila ay matatapang. Pero merong mga tao na nanonood ng nakakatakot na pelikula para sila ay matakot. Bakit nga ba?

Ang panonood ng nakakatakot na pelikula ay nagbibigay satin ng takot at pangamba habang ang iba sa atin ay halos sumisigaw na ng “wag mong buksan yan tanga, anjan sya”.  Subalit nakakaramdam tayo ng kaginhahwaan kapag ang bida sa pelikulang pinapanood natin ay nakaligtas sa pagtatapos ng pelikula. Dito binibigay ang illusyon na ang bida ay nagapi si kamatayan at sympre meron na namang sequel para dito.

Subalit hindi naman lagi happy ending, may mga pagkakataon din na namamatay ang bida.

Isa sa mga dahilan kung bakit ang karamihan sa atin ay mahilig manood ng nakakatakot ay dahil sa kwento na nakapaloob dito. Ang mga kakaibang mga halimaw o nilalang sa isang nakakatakot na kwento ang nagbibigay sa atin ng break mula sa araw araw nating ginagawa. Ang suspense at ang mga posibleng kakaibang pangyayari ang nagaatract sa atin sa mga ganitong pelikula kumpara sa mga love story o comedy na halos alam na natin ang ending. Sure sa mga horror ganun din pero again, ang suspense at mga weird occurrences ang naguudyok sa atin na panuorin ito.

Ang panonood ng horror movie ay halos parehas ng pagpaparticipate sa mga aktibidad kagaya ng bungee jumping at roller coaster. Ang fear stimuli ang nagaactivate sa ating utak para mag labas ito ng neurotransmiters at hormones, ilan dito ay ang dopamine, serotonin, endorphin at adrenaline at ito ang dahilan kung bakit tayo nagiging intense. Pakiramdam natin na tayo mismo ang nasa pelikula.

Pero ang pagkakaiba lang, alam natin na pwede tayong makalabas dito anong oras man natin gustuhin at hindi naman tayo bihag ng isang nakakatakot na sitwasyon na nakikita natin sa malaking screen.

Dahil nga wala namang totoong panganib, ang takot ay nababalutan ng kaligtasan dahil na din sa alam natin na isa lamang itong pelikula at naeenjoy natin ang pagtaas ng ating hormones ng hindi iniisip ang ating sariling kaligtasan.

Ang paghahanap sa ganitong pakiramdam ay mataas sa adolescence, ibig sabihin ang mga scary movies ay nakatuon sa mga teenagers at mga early 20’s. Mas mahilig din ang mga lalaki sa scary movie kumpara sa mga babae kaya’t mas mabenta ito sa mga binatang lalaki. Kaya kayong mga girls, wag kayong magtataka pag niyaya kayo ng jowa nyong manood ng nakakatakot na peliukula, hindi para makachansing sya, well isa na un, pero ang main reason ay dahil sa nasa stage sya na gusto ang mga ganitong pakiramdam.

Karamihan sa mga pelikula ngayong panahon natin ay nakafocus sa technological o biological experiment na nakatakas, mga serial killers, psychopaths at ang pinakamabenta, ang mga aliens o zombies na apocalyptic ang tema.

Ang horror. bilang isang genre, ay kadalasan pinapakita ang anxiety at sa pagpapanood natin nito, nagagapi natin ang anxiety nayon.

Halimbawa na lang ang Godzilla, isang classic film nuong 1954 kung saan isa itong dahilan ng nuclear radiation. Ang pelikulang ito ay isang representasyon ng anxiety ng japan dahil nga inatake sila ng nuklear at natatakot sila sa posibleng after effects nito. Ang pagtalo kay god zilla ay isang paraan para maalis ang anxiety na ito. Ang Friday the 13th, isa itong representasyon ng paglala ng acts of violence at serial killings nuong 1980.

Ang mga nabanggit ko ay ilan lang sa mga rason kung bakit gustong gusto ng karamihan sa atin na manood ng horror movies. Pero papaano naman ang iba na ayaw nito?

May mga tao na ayaw na ayaw talagang makapanood ng horror movie. Kung isa ka dito, malamang kapag nakapanood ka ng isang horror movie, kadalasan bumabalik sayo ito ng paulit ulit, natatakot ka na baka merong nasa ilalim ng kama mo o hindi naman kaya sa loob ng aparador.

Ang anxiety, hindi katulad ng takot, ay ang pangangamba na baka may mangyari. Alam naman natin na kapag nanood tayo ng nakakatakot na pelikula ay hindi ito totoo, pero merong mga iilan sa atin na nagkakaroon ng anxiety lalo na sa tuwing sasapit ang gabi at nahihirapang makabalik sa realidad, nagiisip na baka bigla nyang makita ang babaeng nakalutang na nakita sa pelikula o ano pa man.

Ayon sa pag-aaral, ang taong ayaw ng mga horror movies ay kaakunti ang nirerelease na seratonin kapag nanonood ng nakakatakot na pelikula, dahil dito mas nangingibabaw ang takot. Ang seratonin pala mga boss ay ang neurotransmitter na tumutulong sa atin na makaramdam ng kasiyahan at kaginhawaan.

Ang mga bata naman ay mayroong ibang reaksyon pagdating sa nakakatakot na pelikula dahil bilang isang bata, nahihirapan ang mga ito sa pagkakaiba ng reality at fiction. Para sa mga bata, seeing is believing. At dahil nga napapanood nila ang pelikula, kadalasan tumatatak sa kanila ito at nagkakaroon sila ng bad sleeping patterns at nahuhubog ang anxiety.

Although sa mga adults at teenagers hindi ganuon kasama ang panonood ng nakakatakot na pelikula, ang ibang mga indibidwal ay nagiging agrisibo kapag nanonood nito.

Ikaw, gusto mo ba ang mga nakakatakot na pelikula?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pinkatahimik na Kwarto

Gawa lang ba ng ating utak ang Astral Projection?