Bakit napapailing ang aso kapag nakikita ang amo

Reading Time: 9 minutes

Bakit napapailing ang aso kapag nakikita ang amo? ung ulo ay nagrorotate ng ilang degree?

Kung ikaw ay mayroong alagang aso, pinipilit mong intindihin ang lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Isa na dito ang pag-iling iling ng mga aso sa tuwing ito ay iyong kinakausap. Hindi mo alam kung ito ba ay nagpapacute lamang sa iyo o kung ano ba talaga ang kagustuhan nito. Ang ganitong gawain ng aso ay minsan nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa kanyang amo.

Sa tagal ng panahon ng pag-aaral sa mga kyut at minsan ay nakakainis dahil sa kakullitan ng mga aso, ang mga ekperto ay walang sapat na paliwanag patungkol sa ilang bagay na kanilang nagagawa. Ngunit kahit na walang kasiguraduhan na sagot, ang ilang mga dog expert at ilan pang mga eksperto ay nakagawa ng teorya kung bakit nila ito ginagawa.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Bakit napapailing o nagrorotate ang aso kapag nakikita ang amo? Ang tanong na ito ay mula kay supercute. At ito ang askbulalord.

Ayon sa petmd, ang pag-iling ng isang aso ay maaring senyales ng katalinuhan o karunungan nito. Ayon sa isang veterinary behaviorist at isa ding professor sa Cummings School of Veterinary Medicine, Tufts University na si De, Nicholas Dodman, ang pag-iling ng isang aso ay isang sensitibong gawain kumpara sa iba pang hayop na gumagawa nito.

Ayon naman sa isang certified applied animal behaviorist na si Jill Goldman, maaring ang ganitong paraan ay ginagawa upang makakita o makarinig ng mabuti. Ngunit ayon din sa eksperto na ito, hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang dahilan na paulit ulit na gawain na ito ng aso.

Ayon sa research, ang pag-iling ng isang aso ay isang paraan upang malaman ng mabuti kung saan nanggagaling ang isang tunog. Kahit na batid ng marami na ang sense ng mga aso ay mas mataas pa kumpara sa mga tao, pinaniniwalaan ng ng mga eksperto na katulad ng mga tao; ang aso ay hindi alam kung saan nagmumula ang mga tunog na kanilang naririnig.

Ayon sa pag-aaral, kung ang isang aso ay nakakarinig ng isang tunog, ang utak nito ang makakaalam kung ang tunog ay malayo ba o malapit base sa tagal nito bago marinig ng tenga ng aso. Ang ganitong paraan ang tumutulong sa aso upang mahanap ang pinagmumulan ng tunog na kanyang narinig.

Pero bakit ganon, bakit kapag kinakausap mo ito ginagawa nya rin at alam nya naman san nanggagaling ang tunog. Malamang ito ang susunod na tanong na bumabagabag sa isip ng iilan sa inyo ngayon.

Ayon kay Goldman, tumingin ito sa ibang posibilidad na maaring hindi ito sa paghahanap ng pinagmulan ng tunog. Ayon kay Goldman, maaring ito ay may kinalaman sa frequencies at inflections.

Pinaniniwalaan ni Goldman na maaring ang aso ay nakikinig sa mga boses na ginagamit ng kanyang amo sa tuwing siya ay kinakausap. Alam kong alam mo ang ganitong gawain na kung saan ibe-baby talk mo ang iyong alagang aso kapag ito ay iyong kinakausap. Ang ilang mga eksperto ay naniniwala na ang ganitong paraan ng mga amo ay ang madalas na bigyan ng response ng aso.

Naniniwala si Goldman na ang aso ay mas iniintindi ang tunog o salita imbis na hanapin kung saan ito nagmumula.

Ayon sa ilang mga paniniwala, maaring ang paningin ng aso ay maroon ding kinalaman sa ganitong gawain. Ayon kay Stanley Coren na Ph.D. in psychology, dahil sa ilong na mayroon ang isang aso, ito ay nakakasagabal sa kaniyang paningin at ang pagbaling ng knayang ulo ang isang paraan upang makakita ito ng mabuti.

Tulad na lamang sa tuwing kinakausap ito ng kanyang amo, gusto nito makita ng mabuti ang mukha nito dahilan upang umiling ito. Ayon sa isang pag-aaral, ang isang lahi ng aso na tinatawag na greyhounds o ang mga mahahaba ang ilong na aso ay nagpapakita ng palagiang pag-iling sa harapan ng kanilang amo. Ang mga flat faces na aso katulad ng mga Pugs ay madalang lamang gawin ang ganitong bagay.

Ngunit dahil karamihan din sa mga flat faces na aso ay ginagawa ang bagay na ito , dahilan upang magkaroon nanaman ng tanong sa isipan ng mga eksperto na maaring may iba pang bagay na dahilan kung bakit nga ba ito nagagawa ng aso. Ayon sa isang eksperto, maaring ang bagay na ito ay nagagawa ng isang aso dahil na din sa kanyang pagtanda na kung saan ang paningin at pandinig nito ay unti-unti nang humihina.

Ngunit hanggang nagyon ay patuloy pa din ang pag-alam sa ganitong uri ng gawain ng isang aso. Tumingin nama tayo sa pinaka huling teorya ng mga eksperto.Naniniwala ang ilang mga eksperto na ang mga ginagawa ng mga amo ay malakas ang epekto para sa isang aso.

Maaring ang ganitong gawain ay upang maiparating ng aso na gusto niya ng isang bagay. Sa mga magagandang bagay at sa mga masasayang bagay na naibibigay ng mga amo sa kanilang aso. Ito ang dahilan kung bakit nagagawa nila ang pag-iling. Ang pag-iling ng aso ay maaring nagpaparating sa kaniyang amo na magbigay ng isang bagay.

Naniniwala ang ilan na hindi paghingi ng isang bagay ang dahilan kung bakit ito nagagawa ng aso. Maaring ang aso ay naghihintay ng kasunod na iyong gagawin. Sa tuwing nakukuha ng isang tao ang atensyon ng isang aso, naghihintay ito ng kasunod na kanyang gagawin o sasabihin, ang pag-iling ang isang paraan upang makita na naghihintay ito.

Kung minsan ay makikita mo ito kapag makakarinig ng kung anong tunog ay ganito ang kanilang ginagawa. Kung minsan ang ganitong paraan ay maaring pag-intindi at pagpapakita na ang amo nito ay kanyang naiinitindihan. Dahil nga naniniwala na iniintindi din ng mga aso ang kalagayan ng kanilang amo, ang ganitong bagay ay kanilang ginagawa upang maipakita na ikaw ay naiintindihan nila.

Kung nakikita mo ang iyong aso na palaging ginagawa ang bagay na ito, pinaniniwalaan ng mga eksperto na maaring ito ay may sakit na hindi mo namamalayan. Maaring dalhin ito kaagad sa isang beterenaryo upang matignan at magamot ito kaagad.

Ang mga ganitong gawain ng isang aso ay hindi pa lubos na naiintindihan ng mga eksperto. Sa matagal na pagsasama ng aso at ng kanyang amo, iba’t ibang bagay na din ang hindi pa din naiinitindihan ng amo nito. Ngunit hindi naman mahalagang malaman pa ito, ang mahalaga ay masaya at malusog ang kanyang alagang aso.

So supercute, wala pang eksaktong sagot sa iyong tanong. Maraming theorya pero hindi pa ito konklusibo. It is still open for interpretation and more investigation. Pero kayo, ikaw na viewer, sa lahat ng nabanggit na theorya saan ka mas naniniwala? Gustong gusto kong nagbabasa ng mga comment ninyo lalo na ung sumasagot sa mga tanong na katulad nito.

Kung nagustuhan ninyo ang video magsubscribe na kayo at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kayong updated. Like or dislike the video, bahala na kayo jan basta mag subscribe kayo kung trip nyo mga content dito.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.rover.com/blog/why-dogs-tilt-their-heads/
  2. https://www.akc.org/expert-advice/lifestyle/why-do-dogs-tilt-their-heads/
  3. https://www.petmd.com/dog/behavior/why-do-dogs-tilt-their-heads
  4. https://www.akc.org/expert-advice/lifestyle/why-do-dogs-tilt-their-heads/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang Conciousness ba ang patunay ng kaluluwa?

Bakit tayo may laway?