Bakit nakapaikit kapag bumabahing?

Reading Time: 6 minutes

Mga boss ito ang bago kong naisip na topic, Imbes na mag-isip ako ng kung ano ano, why not itopic natin ang mga katungan ninyo. Nag post po ako sa youtube at sa facebook page nito at ngayon po ang pinakauna nating video ng ask bulalord.

 

Alam nyo ba nuong sinaunang panahon, ang ating mga ninuno ay naniniwala na ang kaluluwa ay gawa sa hangin at nasa loob ito ng ating ulo. Kaya kapag bumahing ang isang tao, ang kaluluwa nito ay pinaniniwalaang nakakatakas.

 

Nasubukan nyo na bang bumahing ng nakadilat ang mata? Sinasabi ng iba na imposible daw ito. Pero let me tell you mga boss, posible itong gawin. Although mahirap and it takes practice.

 

Try nyo minsan, ifocus ninyo ang sarili ninyo na idilat ang mata sa pagbahing, sa una sympre hindi kayo magtatagumpay kasi nga nasanay na ang katawan natin.

 

Ano ba yan, nagsimula na kaagad ako, teka, ang tanong ay mula kay Boss Yosef Andrew at ang kanyang tanong ay:

 

Bakit napapapikit pag humahatsing? pwede ba nakadilat…

 

Naalala ko nunong gradeshool ako, wag daw tong gagawin dahil pag bahing daw at nakadilat ang mata pwede daw lumabas ang mata natin. Sino sa inyo ang naniwala dito nuong bata pa? Kasi ako naniwala talaga, napakaconvincing kasi nga naman malakas ang bahing at galing sa loob.

 

So ano ba ang nangyayari sa atin pag tayo ay bumabahing. More importantly para saan ba at bumabahing tayo.

 

Ang pagbahing mga boss ay isang protective mechanism. Nilalabas nito ang mga alikabok, maliliit na bagay kagaya ng buhok ng hayop at iba pang mga allergens. Sa scientific term ito ay tinatawag na sternutatuion.

 

Kapag ang ating katawan ay nakaramdam ng foreign objects na ito, magrerelease ang ating katawan ng malakas na nerve signals at ito ay marereceive ng ating utak na nagiging dahilan ng ating reflexive action at ito nga ang pagbahing.

 

Bago at matapos ang ating pagbahing maraming nangyayari sa ating katawan. Una ang kalamnan sa ating dibdib ay sumisikip, ito ay pagpprepara para sa malalim na paghinga at biglaan paglabas ng hangin. Kasabay nito ang ating lalamunan ay sasarado na syang dahilan ng pagkakapwersa ng hangin na lumabas sa sa ilong ng malakas at mabilis.

 

May ibang nagsasabi na ang isang pagbahing ay umaabot ng 100 miles per hour, sobrang bilis nito kung tutuusin pero ang majority ay nasa 10 miles per hour lamang. What’s amazing dito mga boss, ang isang bahing ay kayang magpalabas ng 5,000 droplets at ang ilan dito ay may kasamang bacteria lalo na kapag may sipon ang isang tao. Ayon sa mga eksperto, pwedeng pwersahin ang ating mata ng nakadilat kapag tayo ay bumahing at wala itong masamng epekto. So ang susunod na tanong, bakit pinipikit natin ang ating mga mata?

 

Ang pinakacommon na paliwanag ay dahil ang unconciously, pinoprotektahan natin ang ating mata sa kung anong nilabas natin mula sa ating ilong o bibig. Ang ating pagbahing ay isang paraan para malabas ang mga bacteria, allergens at pathogens at ang ating mata ay susceptible sa mucus. In laymans term, ang ating katawan ay pinipigilang pumasok sa ating mga mata ang nilabas ng ating ilong. Pero hindi yan ang totoong paliwanag kasi if we put numbers into perspective, 10-100mph ang lakas ng bahing natin so tatalsik ng maigi ang mga bacteria at hindi naman makakabalik sa mata natin.

 

Ang sagot mga boss, walang dahilan kung bakit tayo pumipikit pag humahatsing. Isa lamang itong involuntary reaction ng ating katawan. Marahil sa panahon natin ngayon hindi pa natin alam ang totoong purpose nito, who knows baka meron itong secret purpose.

 

Oo nga pala, naranasan nyo na ba ung may sipon kayo tapos babahing kayo pero di kayo makabahing kaya ang ginagawa nyo titingin kayo sa isang maliwanag na bagay? Ito mga boss ay isang genetic condition na tinatawag na photic sneezing. Potek na yan, ang kulet ng tawag eh. Ang photic sneezing ay dahil sa cross talk, ang cross talk naman mga boss ay dalawang uugat na nagcrossed ang signal. Sa kaso ng photic sneezing, ang optic nerve at trigeminal nerve.

 

Isa pang kwento na kapag bumahing ang isang tao tumitigil daw ang puso. Hindi mga boss, ang puso natin ay patuloy sa pagtibok. Altho merong pagbabago sa ating katawan pag tayo ay bumahing. KAgaya nga ng sinabi ko kanina, ang ating dibdib ay nageexpand at nagcocontracts kaya nagkakaroon ng pressure sabay papakawalan ito. Ang pressure na ito ang nagiging dahilan ng pagbabago ng pagdaloy ng dugo na inaakalang tumitigil ang tibok ng ating puso.

 

Sabi nila pag humatsing ka daw ng alas dose ng gabi ng nakadilat mag flflash daw ang buhay mo, totoo kaya un? Oo nga po pala, kapag meron kayong questions, ung mga bakit, papaano at iba pang mga simpleng tanong na hindi nyo alam ang sagot, please po, pacomment sa facebook page or send me an email sa [email protected] para po macompile ko at malagay sa listahan. aski

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mahilig tayong makinig ng malulungkot na musika

SM Supermalls