WTFWTF

Bakit nakakahawa ang hikab?

Reading Time: 6 minutes

Naranasan nyo na ba ung nakikipagusap ka sa isang tao tapos bigla syang humikab. Sympre ang tatakbo sa isip mo baka nabobored nna sya sa usapan, tapos maya maya mapapansin mong napapahikab ka na rin. Isang tao ang nakakita sa inyo at sya rin ay napahikab and son and so forth. Ilan sa inyo ang napahikab sa umpisa pa lang ng video? Ito pa, pumikit kayo at isipin ninyo ang isang taong humihikab, panigurado ang iba sa inyo ay mapapahikab din.

Ang tanong na ito ay mula kay John Miller Buatis. Totoo bang nakakahawa ang hikab?

Ano ba ang hikab? Ang hikab ay isang involuntary action na nagiging dahilan ng pagbukas ng ating bibig at paghigop ng hagin sabay ilalabas ito. Why involuntary? Kasi nuong nasa sinapupunan palang tayo, ginagawa na natin ito.

Ayon kay Robert Povine na isang developmental neuroscientist sa university of mary land, ang 11 week old fetus ay nagsisimula ng humikab.

Ang paghikab ay isang senyales na ang katawan natin ay gusto ng magrelax o inaantok na tayo. Alam nyo ba mga boss na pagtayo ay huimihikab ang tibokg ng puso natin ay tumataas ng 30%. I bet mostly hindi nyo alam un.

Ano bang nagnyayari pag tayo ay humikab? Well unang una ay bumubukas ang ating bibig, ang ating panga ay bumabagsak para makapasok ang hangin. Kapag tayo ay huminga ng malalim, ang ating baga ay mapupuno ng hangin at ang ating diaphragm ay matutulak pailalim at sa pagpapakawala natin ng hangin bumabalik ito sa dating posisyon.

Kapag nakakita tayo ng humihikab, dalawa ang pumpasok sa utak natin, kundi pagod, naboboring. Kaya naman isang common na paniniwala ang paghihikab ay ang paraan ng katawan natin para labanan ang antok o pagkaboring. Sa tinagaltagal ng panahon, inakala ng mga eksperto na ang paghikab ay nagpapadala ng oxygen sa ating utak at daluyan ng dugo para labanan ang antok at tayo ay maging gising. Sounds logical naman pero hindi yan ang dahilan although medyo malapit naman.

Ito ay tinatawag na brain cooling theory. Ang ating utak ay ang pinaka metabolically active na organ kaya mas maraming nagegenerate na init ito at ang ating katawan ay nagseself regulate para umakma ito sa standard level.

Kapag tayo ay naiinitan ang pinaka simpleng solusyon ay tumapat sa electricfan. Halos ganito rin pagdating sa ating utak, sympre kahit anong electric fan mo jan di naman yan maabot. Kapag ang ating utak ay mainit at tayo ay humikab, ang malamig na hangin ay papasok sa ating nasal at oral cavities at ang malamig na hangin na ito ay magcocontact sa mga blood vessels sa ating katawan. Ang Blood vessels ang ang nagdadala nito papunta sa ating utak at ang hangin ang nagpapalamig sa ating dugo at sympre papunta ito sa ating utak.

Ito ay backed up by research mga boss, hindi lang basta speculations ito. Ayon sa pag-aaral, bago tayo matulog at pag gising natin ang ating utak ang pinakamainit sa ating buong katawan and guess what, un ang 2 beses na tayo ay humihikab. Pag tayo ay inaantok at pagkagising natin. Kaya ngayon alam nyo na kung bakit tayo humihikab ha. ANo ba yan, ang haba haba tapos wala pa rin ung sagot sa tanong.

Bakit nga ba nakakahawa ang paghikab. Hay nako pambihira ka boss John, nakailang hikab na ako dito sa paggawa ng video na to. Okay gising gising. Asan na ba ako.. ahhhh aun so ang contagious yawning o ung nakakahawang hikab ay naiuugnay sa empathy. Kapag nakakita tayo ng isang taong humihikab ang mirror neuron ng ating utak ay naaactivate at tayo nga ay npapahikab din.

Gumawa ng pag-aaral ang university of England. Kumuha sila ng 40 psyhchology students at 40 engineering students. Bawat estyudyante ay pinahintay sa isang kwarto, kasama nito ang isang undercover assistant na ang trabaho ay humikab ng humikab sa loob ng ilang minuto. Matapos nito binigyan ang mga estyudyante ng emotional qoutient test. Pinakitaan ang mga ito ng 40 imahe ng mata at tinanong kung anong emosyon ang pinapakita ng bawat mata.

Ang resulta ng pagsusulit ay sinusuportahan ang idea na ang paghihikab ay naiuugnay sa empahty. Ang mga psychology students, kung saan ang trabaho nila ay maging focus sa iba ay humikab ng 5.5 times sa waiting room at nakakuha ng 28 out of 40 sa emotional test. Habang ang mga engineering students naman na nakafocus sa mga numbers at mga problem solving ay humikab lamang ng 1.5 times at nakakuha ng 25.5 out of 40 sa EQ test.

Base sa pag-aaral na ito ang nakakahawang paghikab ay naapektuhan ang parte ng ating utak na nagpproseso ng empathy.

Nalaman na natin kung bakit tayo nahahawa sa paghikab. Pero bakit tayo humihikab? Sa katunayan mga boss wala pang kasagutan ang siyensya dito.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

ang pinagmulan ng kwento patungkol sa mga dragon

Mga kwento ng sinaunang pakikipagkasundo