Bakit naimbento ang pera?

Reading Time: 13 minutes

Topics

Pera, ito ang kailangan natin upang mabili at makuha natin kung ano ba ang kailangan natin sa pang araw-araw na buhay. Buong buhay mo ay alam mo na kailangan mo ito upang makakain, makapunta sa ibang lugar, at iba makuha ang lahat ng bagay na iyong kailangan. Ang isang pera ay madaling gamitin at madaling dalhin kung saan saan. Sa isang maliit na papel na malaki ang halaga, madami na ang makukuha mo dito.

Ang pera ay hindi mo makukuha basta-basta, ito ay kailangan mong paghirapan at pagtrabahuhan. Mula pa noong unang panahon, hindi na bago ang pakikipag palitan ng isang bagay upang makuha mo ang iyong gusto. Mula sa isang bagay, isang hayop, isang lupain at kahit ano pang uri ng pakikipag palitan.

Ayon sa mga economist, kung sa panahon ngayon ang isang pera ay isang bagay na maari nating ipalit sa ibang bagay. Kahit na ito ay isang papel na walang halaga, kahit na ito ay isang barya, o kahit anong bagay na maiipapalit mo upang mabili o makuha ang isang bagay.

Alamin natin kung paano ba naimbento ang bagay na ito, kung sino ba ang taong nakaisip ng paraaan upang hanggang ngayon ay hindi hna natin ng kahit anong hayop upang ipagpalit sa mga bagay na kakailanganin natin. Ang tanong na ito ay mula kay John Elison at ito ang ask bulalord.

History of Money:

Kailan ba unang naimbento at ginamit ang isang pera upang ipamalit at ipangalakal sa iba’t ibang lugar?
Ayon sa research, ang mga Lydians noong 700BC ang nagpasimula sa paggamit ng isang barya. Ngunit walang panagalan ang kinilala upang mabigyan ng karangalan sa pag-imbento nito.

Ang hari ng Lydia noong 600BC na si King Alyattes ang nagbigay ng halaga mula sa inukit na barya na ito. Mula sa isang electrum, silver at kaunting ginto ang mga ito ay tinunaw at inukitan ng iba’t ibang imahe upang malaman kung ano ang halaga ng bagay na ito.

Dahil sa sobrang hirap ng pakikipag palitan ng isang bagay para sa ibang bagay, ito ang ginawa nilang paraan upang mapadali ang pagkuha sa gusto nilang bagay. Halimbawa na lamang, ang isang tao ay makikipag palitan ng isang sakong asin upang makuha ang isang hayop. Hindi madali magdala ng isang sakong asin o kahit anong sako upang maipalit lamang sa isang hayop na maaring makain.

Para naman sa pakikipag palitan sa ibang lugar, kailangan idaan ang mga bagay sa dagat. Dahilan upang mas lalo itong tumagal at humirap. Kung ang isang barko ay binagyo maari itong tumaob at tamaan ng ilang malalakas na alon dahilan upang masira o mawala ang ilang bagay na kanilang ipangpapalit. Dahil sa barya na ito, naging mayaman at naging madali ang lahat para sa mamayan ng Lydia, at kinilala ang lugar bilang isa sa pinaka mayaman na emperyo noon sa buong Asia minor.

Gamit ang isang barya o isang bakal na barya, madali itong madala sa iba’t-ibang lugar at madaling maitago upang mapangalagaan ng maayos. Mula noon, iba’t ibang bansa na ang gumawa ng sariling gintong barya upang magamit din.

Habang lumalaganap ang pakikipag palitan ng barya at kagamitan, ang bansang China ang nagpasimula ng paggamit ng isang papel na pera. Ayon sa research, noong 1271 CE isang Italian merchant, explorer,at isang manunulat na si Marco Polo ay pumunta sa China, nakita nito na ang magandang pagpapalakad ng kinikilalang emperor sa pera na kanyang hinahawakan at pagbibigay sa mga ito ng tamang halaga.

Ngnunit kahit nakagawa na nang isng perang papel ang mga Tsino, patuloy pa din ang mga European sa paggamit ng mga barya hanggang 16th century. Ang mga ito ay patuloy na bumibili ng mahahalagang metal upang patuloy na makagawa ng isang barya.

Ayon sa research, noong mula noong 17th century; ang mga bangko ay tumatanggap at naglalabas na lamang nang isang perang papel at nilimitahan ang pagtanggap sa mga barya na mayrong halaga. Mula sa mga mukha na nakaukit sa mga perang papel na ito, maari itong ipagpalit sa kahit anong silver at mga ginto sa kahit anong oras.

Hindi lamang isang bakal at isang papel ang nagamit bilang isang pera noong nagsisimula pa lamang umusbong ang bawat lugar. Noong 18th century, noong pumunta ang mga European sa mga lugar na wala pang alam patungkol sa pag-gamit ng isang barya. Ipinakilala nila ang isang uri ng shell at binigyan ng halaga upang maipagpalit sa mga bagay na kanilang kakailanganin.

Ginamit ng mga European ang Cowries shell upang ipambili ng mga bagay sa lugar at mga isla ng Africa. Gamit naman ang Wampum shell, ito ay kanilang ipinalaganap sa ilang isla nang America. Dahil sa katalinuhan ng mga taga Europe, hindi naging mahirap para sa kanila ang pagbili ng mga gamit, pagkain, at maging tao upang maging alila nila.
Ang mga colonista na taga America ay nakagawa ng isang bagay upang mapadali ang paggawa ng isang Wampum money na kanilang ginagamit upang ipagpalit sa mga Indian noong unang panahon.

Ayon sa research, sa pagtagal ng ganitong kalakaran,mula sa West Africa, maari nang makabili ng isang alipin kapalit nang halos 150,000 cowries. Alam nyo ba ang wampum money? Ayan, yang nakikita nyo sa screen ang tinatawag na wampum money at minsang ginamit pangalakal.

Money in The Philippines:

Pag-usapan naman nating kung kailan dumating at nagkaroon at nagamit ang isang pera dito sa ating bansa. Sympre hindi naman natin pwedeng lampasan ang ating bansang sinilangan.

Simulan natin ito mula noong hindi pa nakakarating ang mga Espanyol sa ating bansa upang tayo ay sakupin. Ayon sa research, ang mga tao sa Pilipinas ay matagal nang nakikipagkalakalan sa mga kalapit netong bansa tulad ng Tsina , sa mga Javanese , mga tao sa Borneo at sa mga taga Thailand. Tulad ng ilang bansa, ang mga ito ay nagpapalitan ng isang gamit upang makuha ang isang bagay. Ngunit hindi tumagal ay gumamit na din ang mga ito ng isang Cowries shell.

Ang bayan ng Pilipinas ay kilala bilang isang mayaman mula sa mga ginto at ilang mga espesyal na bato tulad na lamang ng Jade at Quartz at mga matitibay na kahoy. Ang mga bagay na ito ang ginagamit upang maging pera noong unang panahon na kanilang ibinibigay sa mga kalapit na bansa. Gamit din ang mga ginto, nakakagawa ng mga kwintas, porselas at nagawa din ng mga Pilipino ang pinaka unang coin o barya sa ating bansa. Ito ang tinatawag na “Piloncitos”, ang bagay na ito ay purong ginto at inukitan ng “M” sa gitna nito.

Ang letrang “M” ang naging kakilanlan ng ating bansa para sa mga Tsino na matagal nang Kakalakal ng mga sinaunang Pilipino. Noong 14th Century, ang mga metal gongs, mga kaagmitan na gawa sa ginto,silver at copper ang nagsilbing yaman nang mga Pilipino.

Noong nagsimulang magsidatingan ang mga espanyol sa Pilipinas noong 1521, nadala nila ang pinaka unang silver coin sa ating bansa na tinawag na “macuquinas”. Ito ay isang silver na inukitan nang isang krus at sa kabilang bahagi ay makikita ang naka-ukit na royal coat of arms ng Espanya. Noong 1732, ang bagay na tinawag na “Spanish dos mundos” ay dinala at pinalaganap ng mga Espanyol hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa iba pang parte ng mundo.

Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, dahil sa patuloy na pag-unti ng mga fractional coins na dala ng mga mananakop, gumamit na ito ng isang “Barrillas” o isang coin na gawa sa isang copper at bronze na kanilang mismong ginawa sa bansang Pilipinas. Dahil sa “Barrillas”, ang mga Filipino ay tinawag itong “barya”. Now you know kung bakit barya ang tawag natin ditto. #Themoreyouknow

Noong 19th century, dahil sa mga nagawang tagumpay ng Espanya; gumawa sila ng isang silver coin na mayroong ilang kataga na patungkol sa rebolusyon at isang simbolo na kanila nang naabot ang bansang Pilipinas. Ngunit noong ito ay makita ng mga Espanyol na siyang nagpapatakbo sa Pilipinas , natakot ang mga ito na kung makita ng mga Pilipino ang nagawang barya ay iba ang kanilang maging tingin at magsimulang mag-aklas at mag rebelde sa kanilang pangangalakad.

Dahil sa takot, ito ay iniba nila at pinatungan muli ng isang silver at inukitan nang “F7 o YII”. Ang tinatatawag na “Pesos Fuertes” na mula sa pinaka unang bangko ng ating bansa; ang El Banco Español Filipino de Isabel II. Ito ang pinaka unang perang papel na nagamit at lumaganap sa bansang Pilipinas.

Noong pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang Pilipinas noong 1898, ito ay nagpatupad ng pagpapagawa ng isang pera sa ilalim nang Malolos Constitution of 1898. Dito ay nakagawa ng dalawang uri ng two-centavo copper coins at nagamit ng mga Pilipino. Nakagawa din ng isang Revolutionary banknotes o perang papel na nagkakahalaga ng 1, 5 at 10 Pesos. Ngunit noong sumuko ang Pangulo sa mga Americano, ang paggamit ng mga perang nagawa ay ipinatigil at idineklarang illegal at bawal gamitin.

Magmula noong dumating nag mga Americano sa bansang Pilipinas, madami ang kanilang binago at mga ipinatupad. Kasama na dito ang paggamit ng pera ng mga Pilipino. Ang mga ginawang pera ay mula sa ginto at kinilala ito bilang isang Philippine Peso at nagkakahalaga nang 2:1 Ratio sa American Dollar. Dahil dito , kinilala ang Pilipinas bilang isa sa pinaka mayaman na bansa sa East Asia.

Noong 1903, inaprubahan ng US Congress ang Coinage Act para sa Pilipinas. Dito ay maari nang gumamit ng barya muli ang mga Pilipino. Ang mga nakaukit sa sa one-half centavo at pinaka unang piso ay mula sa kamay nang isang engraver at artist na si Melecio Figueroa. Pinalitan na din ng mga Americano ang pangalan ng banko na itinatag ng mga Espanyol na mula sa El Banco Espanol Filipino ito ay naging Bank of the Philippine Islands noong 1912.

Noong 1949 nabuo ang Central Bank of the Philippines, una nitong inilabas ang perang papel na ginawa pa mula sa England mula sa Thomas de la Rue & Co. Ltd. at mga coins na nailabas nito ay ginawa naman mula sa US Bureau of Mint. Nagkaroong ng malayang pagamit ng mga perang papel at mga coins ang mga Pilipino noong 1960’s. Noong 1970’s gumawa ang Ang Bagong Lipunan o (ABL) ng ilang perang papel na mula sa Security Printing Plant. Noong 1983, ang mga Pilipino ay gumagamit na nang coin na mayroong ukit na mahahalagang tao tulad ng mga pangulo at mga bayan.

Hanggang ngayon ay patuloy na nagbabago ang mga disenyo ng kaperahan sa Pilipinas.

Ang pera ang nagsisilbing gamit upang mabili natin ang mga gusto natin sa buhay. Isipin mon a lang kung wala pa rin tayong currency, kailangan gusto ng isang tao ang bagay na ipapalit mo para makuha mo ang bagay na yon. Halimbawa na lang gusto mo ng keyboard, eh ang mayari ng keyboard gusto ang jowa mo, sympre pagpapalit mob a ang jowa mo sa keyboard? Diba hindi? That’s why naimbento ang pera para mas mapadali ang kalakalan.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss John Elison. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  • http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/hist_curr.asp
  • http://www.historyworld.net/wrldhis/PlainTextHistories.asp?historyid=ab14
  • https://www.investopedia.com/articles/07/roots_of_money.asp
  • https://www.wonderopolis.org/wonder/who-invented-money

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Babaguhin ang mars at gagawing earth 2.0? kaya ba?

Ano ang Mark of the Beast ayon sa Religion, history at science?