Bakit nagiging brown ang mansanas kapag binalatan?

Reading Time: 4 minutes

Nagbabalat ka ng isang mansanas, nuong nakakakalahati ka na, tinawag ka ng nanay mo at sinabing bumili ka ng suka sa tindahan. Sympre walang choice si buknoy kundi sumunod. Pag balik mo, nagulat ka dahil ang apple na binalatan mo ay naging brownish na. Although hindi ito bulok, ito mga boss ang tinatawag na oxidation. Ang oxidation ay isang proseso na nagpapabago ng isang bagay, kagaya ng isang mansanas o patatas pag nabalatan, ito rin ang dahilan kung bakut kinakalawan ang mga bakal.

 

Ang oxidation mga boss ay ang interaction sa pagitan ng oxygen molecules at iba’t ibang substance na pwedeng macontact nito, mula sa bakal hanggang sa living tissue.

 

Kadalasan pag sinabing oxidation ang unang papasok sa ating utak ay ang proseso ng pagkalawang ng isang bakal pero kagaya nga ng una kong example, hindi naman lahat ay nagiging kalawang, kagaya na lang ng mansanas. Since nasabakal na tayo, pumunta muna tayo duon, ang oxygen ay dahan dahang sinusunog ang bakal na syang nagiging dhailan ng nakikita nating brown substance o kalawang. Sa mga copper naman, kapag nangyari ang oxidation, magkakaroon ito ng greenish coating. Ito mga boss ang tinatawag na copper oxide.

 

Kapag pumasok na ang oxygen sa proseso ng oxidation, magiging depende na ito sa dami ng oxygen na nasa hangin at nasa paligid nito. Pero ang totoong oxyidation ay nangyayari sa molecular level. Nakikita lang natin ang effect nito kapag malaki na ang naapektuhan. Sa kaso naman ng mga prutas, ang kanilang mga balat ag nagsisilbing kalasag o barrier para sa oxidation. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga prutas ay fresh sa mga palengke at mga supermarket pero kapag binalatan mo na, ilang minuto lang ay magbabago na ang kulay nito.

 

Kapag ang balat ng isang prutas o gulay ay nawala, maeexpose ang individual cells ng mga ito at magkakaroon na ng direct contact ang oxygen at ang inner skin ng prutas o gulay. Ang mga molecules ay magkakaroon ng chemical reaction at susunugin ang mga ito kaya madalas makikita natin na ang ibang parte ay hindi ganun ka brown.

 

Ang oxidation ay isang malaking problema ng mga may sasakyan dahil ang outer layer o ung pintura ng sasakyan ay laging naeexposed sa tubig at hangin. Kung sakaling hindi protected ng wax o coating ang sasakyan, ang molecules ay magkakaroon ng chemical reaction sa pintura at unti unting mawawala ang kulay nito. Alam nyo ung parang kupas na kulay. Un din ay dahilan ng oxidation. Kaya sa mga may ari ng kotse dyan, kung gusto nyong tumagal ang inyong sasakyan o ung pintura nito, it is recommended to at least apply a wax kada magcacarwash kayo or sabihin na natin at least sa pangalawa o pangtlong carwash ninyo. Again, ang oxidation is a slow process kaya di nyo kaagad makikita yan. Oi mga carwash owner, free shout out na to sa inyo, yan ha, nangumbinsi na ako.

 

Alam nyo ba mga boss kung bakit hindi kinakalawang ang stainless steel? Ito mga boss ay dahil meron itong manipis na coat na syang nagpprotekta sa oxidation. Ang mga bakal ay pwedeng pinturahan para maprotektahan ito sa oxidation but still once na makakita ng opening ang mga molecules, magsisimula na ang pagkalawang nito.

 

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakabuti nga ba ang walang ozone layer?

Pag sinabing cloud storage, sa ulap ba ang nakatago ang mga files?