Bakit Minsan parang ang bilis ng oras?

Reading Time: 3 minutes

Alam ko naranasan nyo na ung last subject na pero ang tagal ng oras, antagal gumalaw ng kamay ng orasan na para bang nang-aasar pa. Tapos pag naglalaro ka naman ng mobile legends, sasabihin mo last game na titigil ka na ng 10pm, mamukat mukat mo 2am na. Bakit ba minsan ang bilis ng oras? Yan ang tanong ni LadyRyn Perpetua.

 

May dalawang klase ng oras, ang oras sa ating isipan at ang oras ng orasan. Magkaibang magkaiba ang dalawa.

 

Ang paglipas ng oras, araw, taon gamit ang orasan at kalendaryo ay nasusukat pero ang ating perception sa oras ay nagbabago, depende kung anong aktibidad ang ginagawa natin, ang ating edad ay mayroon ding impact dito at sympre kung tayo ba ay nakatulog ng maayos.

 

Ang oras na nararanasan natin ay nagbabago base sa ating mental stimuli. Ibig sabihin ito ay naiuugnay sa ting mga nakikita. Kapag mas mabilis na ang pagprocess ng ating mental image kasabay nito ang pagbabago sa ating perception sa oras.

 

Maraming mga theorya sa kung bakit mas mabilis ang oras habang tayo ay tumatanda. Pero ang pinakapopular ay habang tayo ay tumatanda, ang isang tao ay maliit na porsyento lamang ng ating buhay. Magulo ba? Well ganito, kung ikaw ay 10 years old, ang isang taon ay 10 percent, kapag nasa 50 years old ka naman na, ang isang taon ay 2 percent.

 

Ayon kay Harlan Coben, sumulat ng don’t let go, mas mabilis ang oras na lumilipas kapag tayo ay may routine dahil hindi tayo natututo ng mga bagong idea. Ang isang paraan para mapagabal ang takbo ng oras ay mga bagong karanasan. Sympre iisipin mo parang kalokohan lang, pero think about it, nuong bata ka diba antagal lumipas ng oras, dahil madami kang natutunang bago, dito ung mga unang nangyari sa buhay mo, unang trabaho, unang date, unang araw sa school. You get the point.

 

Narinig nyo na ba ang holiday paradox? o yung vacation paradox? Si Claudia Hammond ang nag introduce nito sa kanyang librong Time Warped: Unlocking the mysteries of time perception. Ayon sa ideyang ito, mabilis ang oras kapag tayo ay nakakaranas ng bagong karanasan, kapag masaya tayo, halimbawa kapag nagbakasyon tayo sa isang lugar. Parang napakabilis nito. Pero kapag naalala mo ang mga ginawa mo nuong mga panahong nagbabakasyon ka, duon mo marerealize na parang andami mong nagawa, parang angbagal ng panahon.

 

So in a layman’s term ladyryn, dumedepende ang perception natin sa oras base sa ating ginagawa at base sa ating edad. Hindi bumibilis ang oras, sadyang nagiging ganun ang epekto sa atin dahil wala na tayong natutunan o nararanasang bago.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo namamatay?

Gaano ba kalayo ang natatanaw ng ating mata?