Bakit minsan lumalaki ang buwan?

Reading Time: 10 minutes

Topics

Bakit kapag tuwing full moon at takip silim, lumalaki ang buwan at madilaw ang kulay. Mas malaki sya di hamak sa typical na supermoon pero bakit di sya kinikilalang supermoon?

Kung ikaw ay isang tao na mahilig tumingala sa langit tuwing gabi, malamang ay napansin mo din ang isang bagay na napapansin ng iba pang mga moon lovers. Ito ang pabago-bagong laki ng ating luna o ang ating buwan. Kung minsan ay makikita mo na lamang ito na sobrang laki, kung minsan naman ay makikita mo na napakaliit. Kung minsan naman ay titignan mo ito nang malaki ngunit maya-maya ay maliit na ito.

Mayroon bang kasagutan at paliwanag ang mga eksperto patungkol dito? Tunay ba ito? o isa lamang ilusyon na ginagawa ng ating utak at nakikita ng ating mga mata.

Moon Illussion:

Ayon kay Aristotle noong 4th century BC, ang pagtingin sa laki ng isang buwan ay mababago base sa posisyon nito. Kung minsan ay makikita mo na lamang na sobrang laki ng isang buwan, ayon sa mga eksperto pinaglalaruan ka lamang ng iyong mga mata.

Ang tawag sa bagay na ito ay moon illusion. Ayon sa NASA, ang bagay na ito ay matagal nang alam ng mga tinatawag na sky watchers,o ang mga taong nag-aaral patungkol sa mga buwan, araw, at sa mga bituin. Mula pa noong unang panahon, napansin na ng mga taong ito ang hugis ng isang buwan kung ito man ay mababa o mataas. Para sa pag-aaral, isa itong tunay at perpektong ilusyon para sa ating mata.

Ayon sa research, kung ang buwan ay nasa mababang posisyon, ang hugis nito sa iyong mata ay malaki. Madalas itong mangyari tuwing panahon ng tag-init. Ayon sa pag-aaral; dahil magka-iba ang poosisyon ng araw at buwan, sa tuwing mababa ang araw ang buwan ay mataas; ngunit kung mataas ang araw ang buwan ay bababa.

Kung titignan at susukating mabuti, gamit ang hinlalaki ng ating daliri, iisa lamang ang sukat ng mga ito at makikita mo na wala naman talagang pinagkaiba ang kanilang hugis.

Kung ang buwan ay malapit lamang sa horizon ng mundo, makikita mo bilang napaka laking bilog, ngunit kung ito ay tataas pa makikita mo na ito ay maliit lamang at kasing laki ng mga buwan na nakikita tuwing gabi. Ayon sa pag-aaral, dahil sa kababaan ng buwan, ang utak natin ay naikukumpara ang laki neto sa mga nakapalibot dito. Nandyan ang mga puno, bahay at iba pang mga bagay na makikitang kasama neto.

Kung ito naman ay nakaakyat na sa langit, wala ka nang bagay na maikukumpara sa laki neto kung kaya’t maliit na lamang ito sa iyong paningin.

Ang ilang mga halimbawa upang lubos na maipaliwanag ang illusion na ito ay ang Ebbinghouse Illusion at ang Ponzon’s Illusion. Ngunit kahit na mayroon nang ganitong paliwanag, hindi alam kung paano ito nagagawa ng ating utak.

Ponzo illussion:

Ang Italian psychologist na si Mario Ponzo ang naka diskubre ng tinitawag na Ponzo Illussion. So paano nangyayari ang illusion na ito ?

Ang ginawa lamang ni Ponzo ay gumawa ng dalawang guhit na parehas ang sukat at ginawan niya ito ng magkaibang background na parisukat. Halimbawa, subukan mong gumawa ng dalawang guhit pagkatapos ay paghiwalayin mo ito at makikita mong mas malaki ang isa kumpara sa isang guhit na iyong nagawa.

Dahil sa distansya ng dalawang parehong bagay na ito, ang tingin natin sa hugis nila ay magiging magkaiba.Kung minsan ay kinikilala ang bagay na ito bilang “‘geometrical-optical illusions’. Dahil sa nagagwa ng bagay na ito, ito ay sumikat at nakilala ng mga philosophers.

Kahit sabihin na magkapareha lamang ang parehong guhit, aakalain mo na mas malaki talaga ang isa mula dito. Ngunit ang illusion na ito ay nagkaroon din mga kontrebersya. Ayon sa mga taong tumataliwas dito, ang illusion na ito ay base sa paniniwala ng isang taong tumitingin dito.

Kung ang taong tumingin dito ay naniniwalang mas malaki nga ang isang linya, makikita niyang mas malaki nga ito ngunit kung tatanggalin niya ang paniniwalang ito, makikita na magkasing laki lamang ito.

Ebbinghouse Illusion:

So, ano ang Ebbinghouse Illusion. Ito ang isang pagpapaliwanag kung bakit malaki ang hugis ng buwan kapag ito ay malapit sa horizon ng ating mundo. Ang illusion na ito ay nadiskubre ng isang German psychologist na si Hermann Ebbinghouse ngunit ipinakilala ng isang taong nakakapag salita ng ingles na si Edward B.

So, paano nga ba talaga nagagawa ang bagay na ito?

Simple lamang, gumuhit lamang ng dalawang bilog na parehas ang laki.Sa gilid ng dalawang bilog na guhitan ang isang bilog ng mga malalaking bilog na ipapalibot dito; habang ang isang bilog ay guhitan ng maliliit na bilog na nakapalibot din sa gilid neto.

Matapos neto, makikita mo na mas maliit ang isang bilog kumpara sa kabila.Ganito ang nangyayari sa tuwing ang buwan ay napapalibutan din ng mga maliliit nabagay at inaakala natin na malaki ito. Kumbaga nagkakaroon tayo ng comparison.

Ngunit ang iba ay nagtataka, tulad na lamang ng mga piloto na nagpapalipad ng kanilang eroplano.Ayon sa kanila, nakikita mismo ng kanilang mata mula sa kalangitan na malaki ang hugis ng isang buwan. Ayon sa paliwanag ng NASA, ito’y dahil sa korte ng mga ulap na nakikita nila sa himpapawid.

Nakikita natin ang isang ulap na nasa itaas ng langit bilang isang flattened dome dahil sa layo nito. Isa pang paliwanag ay ang pagtingin natin na nasa himpapawid. Kung ikaw ay makakakita ng ibong lumilipad sa himpapawid, makikita mo ito bilang isang maliit na bagay mula sa malayo, ngunit lalaki ito habang papalapit ng papalapit.

Dahil sa ganitong gawain ng ating utak, hindi na bago kung malalaman mong niloloko lamang tayo ng sarili nating utak.

Ang mga illusion na ito ay hindi lamang mapapansin sa hugis ng Buwan, maari din itong mapansin sa mga constellation ng mga star na makikita sa itaas ng langit. Ayon sa ilang pag-aaral, napapansin ng mga star observer na ang isang constellation na makikita ay malaki, kung ito ay pataas pa lamang sa itaas ng langit, ngunit kung ito ay nasa tuktok na, makikitang ito ay kasama na ng ibang constellation at magiging maliit na ito.

Ang utak natin ay maraming pagkakamali na nagagawa at maraming bagay ang nais na ipapaniwala sa atin. Halimbawa na dito ang backmasking, kung saan nakakarinig tayo ng mga salita mula sa kakaibang tunog. Ang phenomenon na pareidolia na kung saan nakakabuo tayo ng ibang imahe sa mga bagay na ating tinitignan. Ang paniniwala nyo sa mga sinasabi ko, di joke lang, kahit ifact check nyo pa ung mga data ditto anjan sa dulo ung mga sources.

Dumagdag pa dito ang pagtingin natin sa isang buwan. Dahil sa ating utak, tayo ay naniniwala na sa mga maling bagay na hindi naman nakakatulong sa atin.

Para sa mga hindi naniniwala na ito ay iisa lamang, maari mong gawin sa iyong sarili ang mga optical illusion na iyong nakita at baka magliwanag ang iyong utak na mali nga ang mga bagay na nakikita neto.

Maari ka din pumunta sa mataas na lugar kung saan makikita mo ang buwan na mataas upang maikumpara mo na nagsisinungaling lang talaga ang iyong utak. Ngunit kung hindi mo naman kayang pumunta sa isang malayong lugar, maari mo din gawin ang isang bagay na walang kahirap kahirap.

Paano ito gawin? I-bend mo ang iyong katawan at tumingin sa pagitan ng iyong mga hita. Makikita mong maliit ang inaakala mong malaking Buwan. Ayon sa paliwanag na ito, dahil magiging baliktad ang tingin sa mga bagay tulad ng puno at mga bahay hindi na ito makikilala ng ating utak. Ang isa pa sa pinaka madaling gawin ay kuhaan ito ng litrato, at lalabas lamang na pareho ang laki neto sa nagdaang buwan na iyong nakita.

Hindi man ito maipaliwanag ng mabuti kung paano ito nagagawa ng ating utak, ngunit mas mabuting alam mo ang katotohanan sa bawat bagay, wala man itong sapat na eksplenasyon.

So, kung pinoproblema mo pa din ito hanggang ngayon; tignan mo na lamang ang napakagandang buwan na makikita sa itaas ng langit. Sana lang wala ng mag argument na flat earther sa explanasyon na ito.

Sana ay nasagot naming ang iyong tanong boss Lawrence De Jesus. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  • https://earthsky.org/space/video-the-moon-illusion
  • https://moon.nasa.gov/news/33/the-moon-illusion/
  • https://www.illusionsindex.org/i/ponzo-illusion
  • https://en.wikipedia.org/wiki/Ebbinghaus_illusion
  • https://moon.nasa.gov/news/33/the-moon-illusion/
  • https://earthsky.org/space/video-the-moon-illusion

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Corona Virus?

Kobe… Hoax, Prediction, Conspiracy Explained | Bulalord