Bakit minsan kinikilig tayo pag umiihi?

Reading Time: 5 minutes

 

Isang napakagandang tanong mula kay:

 

Sinangngag Na Torta

Bakit pag na ihi tayo ay parang kinikilig na ewan

 

Bakit nga ba? Kung mapapansin ninyo, madalas itong mangyari kapag matapos mong manood ng sine o hindi naman kaya kapag nasa mall ka.

 

Sa katunayan isa itong kakaibang phenomenon, simula nuong bata pa tayo hanggang sa pagtanda natin. Wala pang talagang nagresearch tungkol dito para malaman ang exact biological explanatiuon pero merong basic understanding ang mga siyentipiko kung bakit ito nangyyari sa atin.

 

Merong 2 dahilan dito. Ang isa ay ang sensasyon ng pagbaba ng temperatura habang ang mainit na likido o ihi ay lumalabas sa iyong katawan at ang pangalawa naman ay ang pagkalito sa signal ng ANS o autonomic nervous system.

 

Ang unang dahilan ay base sa ating sentido common. Dahil kapag tayo ay kinilig nakakaramdam tayo ng lamig. Iba ang kilig pag naglalandi ha, iba un. Sa ngayon focus tayo sa pagihi. So anong koneksyon ng pagkilig sa pagihi i hear you ask.

 

Well ayon sa logic, kapag nilabas natin si manoy o si manay, maeexpose ito sa malamig na hangin, at kasabay nito ay ang mainit na likido mula sa atin katawan ay lalabas, nagkakaroon ng temperature imbalance sa pagtatagpo ng dalawang tempartura at ito ang nagiging dahilan ng ating pagkakilig.

 

Ayon naman sa ibang mga siyentipiko ito ay dahil ang proseso ng ating pagihi ay pinangangasiwaan ng ANS o ung Automatic nervous system, ito mga boss ang parang control center ng ating katawan na syang nangangasiwa sa maraming bodily functions kagaya ng temperatura, pagtibok ng ating puso at sympre ang ating pagihi. Pero ang ting pagihi ay hindi naman automatic, sympre meron tayong control dito, pero bago ung crucial decision na yon, ang ating pagihi ay ginagabayan ng dalawang parte ng ANS, ang parasymphatetic nervous system at symphathetic nervous system.

 

Alam ko mga alien words na naman. Ganito yan mga boss.

 

Kapag ang ating bladder ay napuno na, ang mga tiny receptors sa muscular wall ay madedetect ang pag stretch ng ating bladder at ito ay magaactivate ng set ng ugat sa ating spinal cord na tinatawag na sacral nerves. Ang sacral nerves naman ang magpapagana ng Parasympathetic nervous system. Ang ating bladder ay mag cocontract at magpprepare na ilabas ang likido sa ating katawan.

 

Kapag ang ating ihi ay lumabas ang ating blood pressure ay baba, at sa pagbaba ng blood pressure ito ay maittrigger ang sympathetic nervous system na parte ng ANS.

 

Ang Symphathetic nervous system ay nagreregulate ng maraming factors sa ating katawan at isa na nga dito ang ating blood pressure. Kapag ang ating blood pressure ay bumaba, ang SNS ay magrerelease ng neurotransmitters na tinatawag na catecholamines at isa sa mga function nito ay irestore ang blood pressure sa former balance nito. Ayon sa mga eksperto, ang paglabas ng catecholamines ay posibleng dahilan ng ating pagkilig tuwing umiihi.

 

Ayon sa mga eksperto, isang kaperhas na phenomenon na tinatawag na dysreflexia na nangyayari minsan sa mga pasyenteng may spinal cord injury. Kapag ang pasyente ay puno na ang kanyang bladder, na nasa ibaba lamang ng spinal injury, ito ay magreresulta sa excessive ANS response na syang dahilan ng pagtaas ng blood pressure at pagbaba ng pulso at ang mga pasyente ay nakakaranas ng pagkilig at pagpapawis. Ganito ang nararanasan natin sa tuwing umiihi at kinikilig pero sympre wala ang pagpapawis.

 

Alam nyo ba mga boss, na mas madalas natin itong maranasan kumpara sa mga babae. Ito ay sa kadahilanang tayo ay umiihi ng nakatayo at mas naiintensify ang pagbago ng blood pressure.

 

Although para sa akin, mas madalas kong maranasan ito kapag nanonood ng sine tapos iihi o hindi naman kaya kapag nasa mall. Sa aking opinion mas gusto ko ang eksplanasyon na ang temperatura ng ating katawan ay nagbabago na syang dahilan ng pagkilig, pero kayo boss, ano sa tingin nyo? Ito ba ay dahil sa temperatura o dahil sa ating automatic nervous system?

 

Sa mga may kaparehas na tanong na gusto nyong gawan natin ng video, maari lamang pakilagay ang inyong tanong sa comment section at lagyan ng #bulalordinstant para mas madali ko pong makita.

 

Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong impormasyong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang pinakamalaking relihiyon?

Nakakabuti nga ba ang walang ozone layer?