Bakit may parehong kaliwang paa?

Reading Time: 5 minutes

May mga taong magagaling talagang sumayaw, mga malalambot ang katawan. Sabi nila, dancing is not a talent but a skill. Para sa mga hindi pamilyar, pag sinabing talent, yan ung selected, kung baga kahit aralin mo hindi mo makukuha kahit na mag A+ ka pa sa grade, halimbawa na lamang pagkanta, oo mamomodulate boses pero hindi katulad ng natural talent.

Samantalang sa pagsayaw skill daw ito dahil ito ay natutunan. Pero bakit may mga taong parehas kaliwa ang paa pagdating sa pagsasayaw? Itong tanong ay mula kay Jun Nav.

Kagaya ng pagkanta, may mga tao talagang natural na pagdating sa pagsasayaw at alam nyo ba na ito ay dahil sa ating ebolusyon? Sa isang pag-aaral na ginawa ng public library og science genetics journal na pinublished nuong 2006, nuong unang panahon, ang pagsasayaw ay naiuugnay sa kapasidad nating makasurvive.

Malabo ba? Well ayon sa pag-aaral, ang pagsasayaw ay isang paraan para ang ating mga ninuno ay makapagcommunicate, makipagbond lalo na sa panahon ng kagipitan.

Ang mga eksperto ay pinagaralan ang DNA ng isang grupo ng mga dancers at hindi dancers at ayon sa resulta, ang mga dancer ay halos may kaparehas na 2 genes na naiuugnay biulang good social communicators at meron din silang mataas na level ng serotonin na syang nakakapagboost ng moods sa tao.

Pagnakarinig tayo ng nakakindak na tunog usually ang katawan natin ay gustong sumabay sa ritmo nito. Minsan nagpapatunog ng daliri, minsan pumalakpak o di naman kaya tumatango tango kasabay ng tugtog. Sa katunayan kahit nuong nasa sinapupunan pa lang tayo ay nahihilig na tayo sa tunog. May ibang mga nanay na nagsasabing kapag nakarinig sila ng certain songs, ang baby sa tyan nila ay parang umiindak din dahil gumagalaw ito and yes, babies can detect rhythm. Napatunayan na yan sa isang pag-aaral na ginawa ng duke university.

Narinig nyo na ba ang beat deaf? Isa itong musical disorder. In laymans term, hindi sila nakakaramdam ng beat sa kahit anong muska. Gayunpaman, extremely rare ang kundisyon na ito.

Ayon naman sa ibang mga eksperto, nasa utak lang natin na hindi tayo marunong sumayaw. Ang oxford university ay pinag-aralan ang koneksyon ng pagsasayaw sa ating utak, ayon sa kanilang pag-aaral ang abilidad na makagawa ng panibagong moves ay naiuugnay sa kung papaanong naghahandle ang ating utak ng chemical messenger.

Si Charlotte Stagg na isang neuroscientist ay gumawa ng experiemnt. Kumuha sya ng mga volunteers at bawat isa ay inatasan nyang pagaralan ang finger motion na kanyang ituturo. Ang finger motion ay mayroong 10 taps ng bawat daliri sa isang pad na may button. Ganito rin ang coordination pag dating sa pagsasayaw.

Ang karamihan sa mga volunteer ay natutunan naman ito pero merong isang namumukodtangi.

Matapos nito ay nilagyan ng MRI ang bawat volunter para makita kung anong nangyayari sa utak habang ito ay nasstimulate. Ginawa ito para masukat ang GABA. Ang Gaba ay isang neurotaransmitter na hinaharangan ang impulses sa pagitan ng mga nerve cells sa ating utak. Kumbaga dito ang motor cortex ng ating utak kung saan dumadaan ang controlled movements kagaya ng pagsayaw at pagtugtog ng musika.

Kapag mas mataas ang GABA, mahaharangan nito ang mga neurons at mas mapapabagal ang ating utak na matuto habang ang low levels naman ay hinahayaan ang ating mga nerve cells na gumawa ng maraming koneksyon sa ating utak.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Stagg, ang mga volunteer na mabilis natutunan ang finger sequence ay mayroong low levels ng GABA. So to answer your question Jun Nav, sadyang mabagal lang ang pagtransmit ng impulses sa ating utak kaya mas hindi umaakma ang ritmo pagdating sa pagsasayaw at in the end mas nagmumukha tayong parehas ang kaliwang paa.

Sana ay nasagot ko ang tanong mo.

Sources
  1. https://kids.frontiersin.org/article/10.3389/frym.2014.00011
  2. https://greatist.com/live/why-some-people-say-i-cant-dance#7
  3. https://kids.frontiersin.org/article/10.3389/frym.2014.00011

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang mangyayari or epekto sa isang tao pag di natulog ng ilang araw?

Ano ang silbi ng pilikmata?