Bakit masakit sa tenga ang pagkiskis ng tinidor sa plato?

Reading Time: 15 minutes

Topics

Kapag tayo ay nakakarinig ng isang matining na tunog, hindi natin mapigilan ng ilang tao na mairita mula sa ingay na ito. Ang ilan ay nangingilo pa ang kanilang ngipin at hindi natatagalan ang ingay. Yung tipong nagkakaskasan na bakal o pag kinakaskas mo ung tinidor sa plato, iniimagine mo pa lang panigurado nangingilo ka na, parang naririnig mo na nangyayari talaga.

Alam nyo ba na ang dahilan ng pagkairita natin sa tunog ay ang ating utak? Alam nyo ba na halos 90 percent ng tao na nabubuhay sa mundo ay hindi nakakatagal sa tunog na mula sa kinikiskis na metal at maging sa pagkiskis ng kuko sa isang chalkboard? Alam nyo ba na ang pagkiskis na tunog na nakakairita sa tenga ay nahahalintulad sa isang alarm call ng mga hayop? At alam nyo ba na possible na isa itong mental health disorder?

Ilan lang yan sa mga ididiscuss natin sa video na ito. Kaya’t kung hindi ka pa nakasubscribe, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na at wag mo ding kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong video na punong puno ng impormasyon.

Pero ang tanong, bakit sensitibo ang tao kapag nakakarinig ng kiniskis na tinidor sa plato bakit tayo nangingilo.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay Andrei Olanosa at ito ang Askbulalord.

Isang British study ang isinigawa patungkol sa mga bagay na nakakapag bigay ng pagka-irita sa tainga ng isang tao. Mula sa isang paghihiwa ng isang plastic bottles gamit ang isang matalim na kutsilyo, sa tunog ng kinakaskas na tinidor, ang tunog ng chalk na isinusulat sa isang blackboard, pagkiskis ng kuko sa blackboard; sa tunog ng isang pusang sumisigaw;, fire alarm at isang tunog mula sa isang makina na binubuksan pa lamang.

Lumabas sa pag-aaral na ang tunog na nakakuha ng maraming puntos mula sa halos limampung estudyante ang siyang pinaka nakakairitang pakinggan. Ang tunog ng kutsilyo ang nakakuha ng pinaka mataas na puntos, sumunod ang tunog na mula sa pagsusulat sa blackboard. Nakakuha din ng mataas na puntos ang pagkiskis ng kuko sa blackboard.

Ayon sa isang author ng pag-aaral na ito na si Sukhbinder Kumar, Ph.D na isang Neuroscientist sa Newcastle University Medical School na makikita sa UK
“It was a bit surprising that a female scream and a baby’s cry were rated lower than the scratchy sounds, such as a knife on a bottle”

Ang pag-aaral na ito ay upang maintindihan ang mekanismo ng utak para sa mga taong tinatanggap ito na isang hindi komportableng bagay. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga tunog mula sa pagkiskis ng isang bagay ay maaring dahil sa acoustic structure ng tunog na nagagawa ng bagay na iyon. Naniniwala ang mga ito na ang isang pagkiskis ang pinaka nakaka-iritang tunog dahil ang sound energy na lumalabas dito ay umaabot sa frequency band na 2000 hanggang 5000 Hz.

Ang tunog na ito ay nakakapagbigay na nang kakaibang pakiramdam para sa tainga ng isang tao. Ang brain scanning ay isang paraan upang makita ng mga eksperto kung paano nag-iinteract ang amygdala na nakatoka sa ating emosyon at ang Auditory sense na nakatoka sa mga naririnig nating bagay; na parte ng utak ng isang tao. Mula sa dalawang ito, malalaman nila kung paano ito gumagalaw sa tuwing nakakarinig ng isang tunog.

Ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral, nakita ng mga eksperto na binabago ng emotional part o nang amygdala ang pagtugon ng sensory part ng ating utak. Ito ay base sa kung ano ang nararamdaman nito mula sa isang tunog. Kung ang isang tunog ay narinig bilang isang nakakairita at kinilala bilang isang mapanganib na tunog ang amygdala ay magbibigay ng isang mataas na response na kanyang ipapadala sa sensory part ng ating utak at magiging dahilan upang makapagbigay ito ng isang negatibong reaksyon mula sa tunog na kanyang nakuha.

Ang pag-aaral na ito ay maaring magbigay ng isang liwanag upang maintinidhan pang mabuti ang iba pang disorder katulad na lamang ng migraine at tinnitus na kung saan ang mga nakakaranas nito ay nagiging sensitibo din sa ilang mga tunog.

Frequency pleasant to our ear:

High Frequency Hearing Loss: Symptoms, Causes, & Treatment Options

Ayon sa pag-aaral, halos 90 percent ng tao na nabubuhay sa mundo ay hindi nakakatagal sa tunog na mula sa kinikiskis na metal at maging sa pagkiskis ng kuko sa isang chalkboard. Ang mga eksperto ay nakabuo ng dalawang teorya patungkol sa bagay na ito.

Dahil pinaniniwalaan na nagevolved ang mga tao mula sa isang unggoy, naniniwala ang ilang eksperto na ang sound frequency na nagagawa mula sa mga kinikiskis na bagay ay maihahantulad sa isang “Alarm call” ng ilang lahi ng mga unggoy.
Ang tunog na nagbibigay sa kanila ng babala na mayroong panganib o kaaway na paparating sa isang lugar. Pinaniniwalaan na kung hindi man ito ang alarm call na mula sa kanilang mga kalahi ay maaring mula ito sa tunog na nagagawa ng kalaban nila.

Ang tunog na ginagawa ng mga kalaban habang sila ay hinahanap upang kainin. Ito na marahil ang dahilan kung bakit karamihan ay natatakot sa bagay na ito. Again para sa mga creationist at religious viewers, ito ay teorya ng mga eksperto.

Ang pangalawa naman ay patungkol sa kurba ng ear canal ng isang tao. Ayon sa pag-aaral, ang isang normal na tao ay nakakarinig ng isang tunog na umaabot sa 150 hanggang 7,000 Hz. Mas naririnig ito ng ating tenga kung ang tunog ay aabot sa halos 2000hz hanggang 4000hz. So kung ang isang tunog ay lumagpas sa range na ito, ang pagtanggap natin sa tunog ay hindi na maganda at makakapag bigay na ito ng isang kakaibang pakiramadam

Misophonia:

Misophonia by Lauri Johnston on Dribbble

Ang tinatawag na Misophonia ay may kahulugan na “Hatred of sound” na pinakilala noong taong 2000 na kung saan nakakaramdam ang isang tao ng isang negatibong pakiramdam mula sa isang tunog na kanyang naririnig. Isa itong disorder kung saan sa isang specific na tunog na halimbawa na lamang ay isang pagkikis ng isang tinidor sa isa pang tinidor ay nakakabahala sa damdamin ng isang tao.

Ang taong nakakaranas ng bagay na ito ay nakakaramdam ng pagka-inis, minsan ay hindi nila mapigilan ang magalit o hindi naman ay magpanic at kailangan umalis sa lugar na kanyang kinalalagayan. Ayon sa mga eskperto ang disorder na ito ay matatawag din bilang selective sound sensitivity syndrome. Ayon sa ilang pasyente na nakakaranas ng ganitong karamdaman ay naiirita sa tunog ng pagnguya ng isang tao, ang ilang tunog ng paghinga .

Ang iba ay naiirita sa mga tunog na nagagawa ng isang keyboard, finger tapping at maging tunog ng windshield wipers. Ang iba naman ay nakakapagreport na sila ay naiirita sa tuwing makikita pa lamang nila ang bagay na maaring pagsimulan ng tunog at doon ay nakakagawa na ang mga ito ng ilang mga bagay bilang response.

Ayon sa webmd, ang mga taong nakakaranas ng ganitong kondisyon ay maaring mayroon nang problema sa isang bahagi ng kanilang utak na siyang siyang nakatoka kung paano natin tatanggapin ang isang tunog. Para sa mga taong hindi nagpapatingin na nakakaranas ng ganitong kondiyon ay maaring makaranas ng ilang malalang karanasan mula dito.

Sa umpisa, ang isang pasyente ay makakaranas ng pandidiri, pagngangamba, pagiging hindi komportable sa lugar at kagustuhan na lumayo sa lugar na iyon. Para sa mga taong matagal na at tinitiis lamang ang tunog na ito ay nakakaramadam na nang pagkamuhi, pagkagalit, pagpapanic, takot, at Emotional distress.
So possible pala na isa itong disorder, ang susunod na tanong ay papaano ito magagamot? Pero bago tayo pumunta sa next topic, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo at magsubscribe ka na para lagi kang updated!

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Diagnose:

How Is Alzheimer's Disease Diagnosed? | Everyday Health
 

Ayon sa webmd, ang disorder na ito ay maaring magsimula sa 9 hanggang labing tatlong taong gulang. Ang mga kababaihan ang mas nakakakuha ng ganitong kalagayan at hindi masabi ng mga eksperto kung ano ba talagang pangyayari ang maaring mapagsimulan nito. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong kondisyon ay hindi masasabing problema mismo sa tenga at pandinig ng isang tao.

Pinaniniwalaan na ang tunog na naririnig ay nakakaapekto sa utak at ito din ang nagbibigay ng responde na igagalaw at mararamdaman ng ating katawan. Dahil ang disorder na ito ay mahirap madiagnose, maaring tumulong ang mga psychiatrists, primary-care providers, audiologists, speech and language therapists, psychologists, psychiatric nurses at maging sa mga physicians’ assistants upang malaman kung ano nga ba ang pinagsisimulan ng bagay upang mapadali ang pagkakilala sa kondisyon.

Ang sakit na ito ay hindi isang hearing problem dahil maayos naman ang pandinig ng mga taong nagpapagamot mula sa ganitong kondisyon kung kaya’t kinilala nila ito bilang isang mental health. Kung minsan ay pinagkakamalan ito ng mga eksperto bilang isang anxiety disorder o hindi naman ay pagiging bipolar o obsessive-compulsive disorder; at isang attention deficit hyperactivity disorder o isang ADHD.Ayon sa mga eksperto, pinaniniwalaan nilang maaring isa itong panibagong disorder na kailangan pa nilang pag-aralan ng mabuti.

Dahil nga mahirap itong makilala sa isang tao, ang mga doktor ay naghahanap ng ilang sintomas na nagpapakita kung ang isang tao ay mayroong depression, manic depression, anxiety, behavioral disturbances, at iba pang sintomas ng isang mental-health. Kahit hindi sigurado, ang mga ekserto ay naniniwala na ang kalagayan na Misophonia ay maaring nakukuha mula sa ilang disorder o hindi naman ay maaring side effect ng ilang gamot na iniinom ng isang tao.

Matapos sa ilang ebalwasyon at pagtatanong mula sa isang tao, ang mga eksperto ay magsasagawa ng din ng ilang laboratory test, X-ray, ilang scan at ilang imaging study. Ang mga doktor ay magpapasagot din ng ilang standardized questionnaire at ilang self-test upang masabi kung ang isang tao ay nakakaranas ba ng isang Misophonia disorder.

Treatment:

ADHD Symptoms Checklist: Specific Symptoms of ADHD Subtype

Ang kondisyon na ito ay isang lifelong disorder at hanggang ngayon ay hindi pa nahahanapan ng isang gamot upang gamitin ng isang pasyente. Ilang mga eksperto naman na nagsasagawa ng ilang pag-aaral patungkol sa disorder na ito ang nakagawa ng ilang mga therapy, o hindi naman exercise na nakapagpagaan ng kaunti sa mga taong nakakaranas nito.

Tulad na lamang ng isang Tinnitus retraining therapy na nagtuturo sa mga misophonia patient kung paano nila maaring matagalan ang ilang tunog na nagpaparamdam ng ilang pagkairita. Ginamit din ang ilang Cognitive behavioral therapy na isinasagawa upang ang ilang negative thoughts na pinaniniwalaan na maaaring isa sa dahilan kung bakit nakakaranas ng ganitong kalagayan ang isang tao.

Ang pagdadagdag ng ilang background noise sa pang-araw araw ng isang pasyente upang makatulong na hindi nila mapansin ang ilang mga tunog sa paligid na maaring makapag trigger sa kanila na makaramdam at makapag react ng kakaiba. Ang ilang tunog ng electric fan at ang mga tinatawag na white noise, ang tunog kapag umuulan o hindi naman kaya ang pag-ihip ng hangin na nakalagay sa isang ear noise generator na ilalalgay sa tainga ng isang pasyente.

Ang ilang gawain sa pang-araw araw ng isang tao ay pinaniniwalaang malaking parte upang makaiwas ng ilang negatibong reaksyon sa katawan. Ang pag eexercise, pagkuha ng tamang tulog, at ilang mga bagay na kailangan gamitin upang manage ng isang tao ang stress na nararamdaman niya sa buhay.

Ang mga ganitong gawain ay ginagawa upang mabago ang ilang reaksyon sa katawan habang naririnig nila ang tunog mula sa pinagmumulan ng kanilang negatibong reaksyon. Ang ilang treatment na ginagamit sa mga depression, anxiety, pagiging bipolar, attention deficit hyperactivity disorder at ilang dietary supplements tulad ng minerals, vitamins at fish oil ay maari ding ipainom sa isang pasyente.

Dahil hindi alam kung paano ito nagsisimula at ano ba ang mga bagay na nakakapag trigger upang makuha ang ganitong karamdaman, ang mga eksperto ay nakakapag bigay ng ilang prevention na kasama ng disorder na ito.Ngunit ang mismong disorder ay hindi nabibigyan ng ilang gawain upang maiwasan ang pagkakuha nito.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan kay Andrei Olanosa. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.medicinenet.com/misophonia/article.htm#what_tests_do_health_care_professionals_use_to_diagnose_misophonia
  2. https://www.webmd.com/mental-health/what-is-misophonia#1
  3. https://www.nbcnews.com/healthmain/screech-sounds-which-are-worse-nails-chalkboard-1C6541925
  4. https://goodyfeed.com/the-shocking-reason-why-we-hate-the-sound-of-metal-scratching-against-metal/
  5. https://www.webmd.com/mental-health/what-is-misophonia#1
  6. https://www.medicinenet.com/misophonia/article.htm#are_there_support_groups_for_people_with_misophonia

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit Tayo nakakaramdam ng takot

Ano ang silbi ng Philtrum?