Bakit mas matangos ang ilong ng nasa malalamig na klima?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Kung ang isang ay kukuha ng selfie, lagi netong hinahanap ang tamang anggulo. Bakit tamang anggulo I hear you ask, sympre kailangan magmukhang mpayat, hindi Makita ang double chin at higit sa lahat, mas tumangos ang ilong sa picture. Para sa mga kabataan ngayon, mahalaga ang magkaroon ng matangos na ilong. Ang matangos na ilong ay isang simbolo ng kagandahan para sa panahon ngayon.

Ano ang tawag kung hindi matangos ang ilong? Pango, pango ang tawag para sa mga taong mayroong ilong ng tunay na Pilipino. Pero hindi ibig sabihn na kung ikaw ay isang pango, e hindi ka na kagandahan. Ang ilan ay nakukuha pang magparetoke upang makuha lamang ang tamang hugis na nais nila para sa kanilang ilong.

Ngunit ang hindi napapansin ng mga taong ito, ang pagkakaroon ng ilong ng isang Pinoy ay isang bagay na hindi makukuha ng mga taga ibang bansa. Ang ilong ng isang Pinoy ay isa sa pinaka kilalang parte ng ating mukha upang makilala tayo ng mga taga ibang lugar.

Pero magtataka ka, bakit sa pinas maraming mga pango dahil nga Pilipino tayo, bakit sa amerika parang wala ka namang nakikitang pango, ung purong kano ha hindi ung may lahi na, sa Canada parang wala rin. Hindi kaya dahil sa malamig na klima kaya matatangos ang ilong nila? 

Pinoy Nose:

Alamin muna natin kung ano ba talaga ang hugis ng ilong na mayroon ang isang Pinoy. Ang ilong ng isang Pilipino ay flat lamang at malapad, na kinikilala sa tawag na pango. Kung ikaw ay isang purong Pilipino, ang ilong mo ay maaring ganito, ngunit kung ikaw ay may lahi tulad na lamang ng americano, o kahit sinong mga bansa na matatangos ang ilong. Ang ilong mo ay maaring maging matangos.

Pero bakit nga ba pango tayo? Dahil sa tanong na ito, madaming kwento ang mga nagsilabasan. Ang mga kwento na mula sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas.

Ayon sa kwentong ito, wala naman talagang ilong ang lahat ng tao dati. Ang lahat ng lahi ay magkasamang nabubuhay sa iisang lugar. Isang Diyosa ang nagpaulan ng mga ilong, dahil sa maliliit ang mga Pilipino hindi ito makasingit sa pagkuha ng ilong at ang mga napunta sa kanila ay ang mga pipi at mga napag-agawan nang ilong.

Well, ang kwento na ito ay nabuo lamang sa utak ng isang tao. Ang dahilan kung bakit pango ang ilong ng isang Pilipino ay walang eksaktong dahilan.

Tips:

Kung ikaw ay hindi talaga satisfied sa ilong mo. May ilang bagay na pinaniniwalaan upang tumangos ito. Para sa mga babae, well pwede din naman para sa mga lalaki. Maaring gumamit ng make-up upang maipakitang matangos ang iyong ilong.

Ang paggamit ng make-up ay uso para sa mga taong nagmomodel. Maaring magpatulong sa mga taong marunong maglagay neto, ngunit maari din namang ikaw na mismo ang gumawa.Pero, ito ay make up lamang, pag harap mo sa salamin at binura ang make up, tatambad pa rin ang totoong ikaw.

Kung ang gusto mo naman ay ang permanenteng matangos na ilong, kailangan mo lang naman gumastos ng halos 20,000 pesos. Ito ang tinatawag na “Nose Lift”, karamihan sa ilang artista na kilala dito sa pilipinas ay pinaniniwalaang dumaan na sa ganitong paraan upang mapatangos ang kanilang ilong.

Ang mga aminadong artista na dumaan sa ganitong klaseng paraan at sina Arci Munoz , Kris Aquino, Jinkee Pacquiao at madami pang iba.

Papaano na lang ang mga hindi ganuon kayaman? May way ba na mapatangons ang ilong? Ayon sa ilang research, mayroong mdaling paraan para sa lalaki at babae; Sa paraan na ito, hindi na nangangailangan pa ng ibang tao, isang machine at kahit sino.

Gamit lamang ang iyong kamay, at kaunting sipag. Maari mo nang makamit ang ilong na pinapangarap mo. Ayon sa mga pag-aaral, maaring gamitin ang tinatawag na “Nose Shaping”. Ang paraan na ito ay kailangang gawin nang sampung beses sa isang araw. Nose Shortening, Nose Straightening, BreathingNose at Wiggling, ang lahat ng ito ay maaring magawa sa tamang paraan, kailangan mo lamamg masahihin ang iyong ilong upang tumangos ito.

Ayon sa mga research, ang resulta ay maaring makita sa loob ng ilang linggo o di naman kaya ay ilang buwan. Well wala namang masama kung gagawin ito. Ngunit kung ang lahat ng ito ay gagawin, kailangang maging handa sa ano mang resulta na maaring kalabasan at humanda kung ano man ito.

Nose and Climate:

Ayon sa ilang research, ang ilong ng tao ay gumagana upang mamainitan ang mga hangin na pumapasok sa ating baga. Ang hangin na ito ay magiging tubig hanggang sa maabot na nito ang ating lower respiratory tract. Ayon sa pag-aaral, bago pa dumaan sa nasopharynx ang nalanghap nating hangin, ang kailangan nating 90% ng tamang temparatura at tamang tubig ay atin nang nakukuha. Ang hangin na ito ang nagpapagana sa ating nasal cavity upang maging major conditioning apparatus ng ating respiratory tract.

Dahil ang ilong natin ay nagagamit natin upang tayo ay makahinga at para makakuha tayo ng mainit na hangin, ang hugis ng ilong ng isang tao ay nababase kung saang parte siya ng bansa lumaki. Dahil sa iba’t ibang klima na mayroon ang mundo, iba’t iba din ang hugis ng ilong nang mga tao.

Lumabas sa ilang pag-aaral, base sa mga nahukay na ilong ng tao mula pa noong unang panahon. Ang ilong na malapad ay mula sa mga bungo na mula sa mga lugar na halo ang temperatura, at matatangos naman ang mga ilong nang mga nakatira sa mga malalamig na lugar.

Ngunit ang pag-aaral na ito ay hindi pa konklusibo. Ang problema ay dahil mismo sa lahi ng isang tao. Halimbawa na lamang ang isang Pilipino na lumaki sa malamig na bansa katulad ng america, ang kanilang ilong ay kahugis pa din ng mga Pilipino na nakatira at lumaki sa ating bansa.

Lumabas na maaring isang bagay ang klima kung bakit matangos o pango ang isang tao. Maari ding dahil mismo sa lahi na pinamulan nito.

Baby Nose:

Kapag ang isang sanggol ay lumabas mula sa sinapupunan, hindi natin malalaman kung ang ilong ba nito ay matangos o di naman pango. Kung minsan, takot ang mga magulang na ang kanilang anak ay magkaroon ng pangong ilong.Kung kaya naman, gagawin nila ang isang paniniwalang paraan upang mapatangos ito.

Ito ang pagpisil pisil sa ilong ng isang sanggol. Ayon sa paniniwala, kung gagawin mo ito sa ilong ng isang sanggol , maari itong lumaki ng may matangos na ilong ; kahit na wala itong lahi. Minsan ay ginagawa nila ito habang tulog ang bata o kaya naman habang naglalaro, basta may pagkakataon ay hindi nila itong nakakalimutang gawin.

So, tama ba ang gawain na ito? Ang sagot ay mali.
Totoo bang makakatulong ito sa pagtangos ng ilong ng isang bata ? hindi.

Ayon sa ilang pananaliksik, ang ilong ng isang sanggol ay nabubuo na habang ito ay nasa sinapupunan pa lamang. Sa loob ng unang lima hanggang walong linggo na pagbubuntis ng isang babae, unti-unti na ding nabubuo ang ilong ng bata sa loob ng tiyan nito. Kung kaya naman bago pa ito lumabas, ang ilong nito ay mayroon nang sariling hugis.

Ngunit dahil sa paraan ng panganganak, ang ilong bata ay nahahatak at dumadapa. Kung kaya sa paglabas neto ay mahirap masabi kung ano ba ang hugis ng ilong neto.Ang bagay na ito ay normal lamang sa lahat ng sanggol na kalalabas pa lamang. Ayon sa mga eksperto, ito ay panandalilan lamang; ang totoong hugis ng ilong ng bata ay makikita sa loob ng ilang buwan matapos itong ipanganak.

Para sa mga eksperto, ang pagkurot kurot sa ilong ng isang sanggol ay maaring maging masama para sa pisikal nitong itsura at maaring magkaroon ng ilang komplikasyon. Isang komplikasyon na nangangailangan ng isang opera.

Kung minsan ay maaring mapabigat at mapalakas ang pagpisil sa ilong ng bata, at ito ang iniiwasan ng mga eksperto. Ang ilong ng isang bata ay natural na uusbong sa paglipas ng panahon. Kung minsan, ang paniniwala ng isang kultura ay mayroong hatid na kapahamakan sa iilan.

So, ang ating ilong ay hindi naman talaga basehan ng kagandahan ng isang tao. Kung pango ka man, hayaan na lamang natin ito. Matuwa tayo dahil walang maling nabuo sa ating katawan at lumaki tayo ng maayos.

Tandaan na ang pagpapaayos ng mukha ay maari din magresulta ng hindi maganda. Ang ilang mga taong dumaan sa ganitong paraan ay nagkaroon ng komplikasyon mula sa opera. Ang malaking halaga na ginastos mula sa operasyon ay madadagdagan pa ng malaking halaga para sa pagpapagamot.

Ang pagiging kuntento sa ating itsura ay paraan upang malayo tayo sa kahit anong kapahamakan.Kung tayo ay

Ayon nga kay Francis Magalona sa kanyang kanta na “Tayo’y mga Pinoy”

“Tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango”

Huwag mong ikahiya ang pagkakaroon ng pangong ilong.Dahil sa makabagong panahon ang pagtingin natin sa tunay n a kagandahan ay nagbago na ,at patuloy pa dinng nagbabago hanggang ngayon. Wag ka ring maiinggit sa mga nagpapaopera, oo matatago nila ang tunay nilang itsura pero kapag nanganak sila. Boom. Lilitaw at lilitaw ang totoong sila.

Sources

Sources

  1. https://www.babycenter.in/x1049744/will-pinching-my-babys-nose-make-it-pointed
  2. https://blogs.plos.org/blog/2017/06/05/understanding-images-human-nose-shape-and-climate-adaptation/
  3. https://journals.plos.org/plosgenetics/article?id=10.1371/journal.pgen.1006616
  4. https://kami.com.ph/18565-10-filipino-celebrities-proud-retokados-retokadas-read-full-list.html
  5. https://www.stylecraze.com/articles/exercises-for-keeping-your-nose-in-shape/#NoseShaping
  6. http://manilamommy.com/filipinos-flat-noses-odd-filipino-myth/
  7. https://www.philstar.com/lifestyle/sunday-life/2005/09/25/298467/why-filipinas-don146t-find-themselves-beautiful

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kobe… Hoax, Prediction, Conspiracy Explained | Bulalord

Onryo Ghosts – Japanese Urban Legend