Bakit mas maputi ang ngipin ng aso?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Bakit mas maputi ang ngipin ng aso kahit ibang hayop kesa sa ngipin ng tao kahit lagi naman nagsisipilyo ang tao pero ang ibang hayop kahit di magsipilyo maputi?

Gawain na sa araw-araw ang pagsisipilyo ng isang tao, umaga , tanghali at gabi bago ito matulog. Alam naman antin na kapag tayo ay palaging nagsisipilyo, puputi ang ating mga ipin. Ngunit kung titingin tayo sa mga alaga nating mga pusa o aso na hindi naman nasisipilyo at iba’t ibang bagay pa ang kanilang kinakain, malamang ay maiinsicure ka dahil mas mapupti pa ang ipin nila kumpara sa ngipin mo.

Alam nyo ba na ang kulay ng ngipin ay namamana? Posibleng ang mga ninuno mo ay mayroong madilaw na ngipin kaya’t dilaw din ang ngipin mo ngayon? Alam mo ba na ang pagkaskas ng ngipin ay isa din sa mga dahilan kung bakit madilaw ang ngipin? Ilan lang yan sa mga ididiscuss natin ngayon kaya’t kung di ka pa nakasubscribe eh mag subscribe ka na at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong, bakit? Bakit nga ba karamihan ng mga aso ay mas maputi pa ang ipin kumapra sa tao. Ang tanong na ito ay mula kay Son son at ito ang Askbulalord.

Canine Tooth:

Alamin muna natin kung ano ba ang mayroon sa ngipin ng isang aso. Kung oobserbahan natin ang mga alaga nating aso, makikita mo ang dalawang malaki at matulis na ngipin sa magkabilang gilid ng kanilang bibig. Ito ang tinatawag na canine teeth o hindi naman kaya ay dog teeth. Makikita mo ito sa tuwing nagagalit ang isang aso o hindi naman maari mo din itong tignan na lamang at itaas ang kanilang labi. Pero sympre wag mong gagawin yan sa di mo aso ha, baka mamaya nilapitan mo at inangat mo ang labi, ewan ko lang kung di bumaon ang dalawang shiny white canine teeth sayo nun.

Ginagamit nila ito upang manguya ang mga matitigas na pagkain, manira o hindi naman kaya ay makipag-away na palagi nilang ginagawa. Ayon sa pag-aaral, makikita natin ito na dalawa sa magkabilabng gilid ng itaas na bahagi at dalawa din sa babang magkabilang bahagi. Dalawa para sa mandibular arch o ang buto na nasa ibaba ng nginpin at dalawa din para sa maxillary bone na nasa itaas na bahagi.

Ang ipin ng isang aso ay matatawag na anterior o ang karamihan sa ngipin nito ay tumutubo sa tinatawag na maxillary bone. Ayon sa ilang research, hindi pare-pareho ang ipin o pangil na mayroon ang isang asong lalaki at isang asong babae. Kung ikukumpara ito sa ngipin ng isang tao, tinatawag na eye teeth ang ngipin na makikita sa aso. Bakit eye tooth I hear you ask, well dahil sa nakaalign ito sa mata ng aso.

Kung titignan natin sa salamin ang ating iipin, mapapansin na mas malaki at mas mahaba ang ipin natin sa itaas na bahagi. Ito ang kilala natin bilang pangil na maaring tumubo sa edad na labing isa o hindi naman ay labing-dalawang taon. Kung minsan ay nagkakaron ng komplikasyon kung kaya’t hindi ito tumutubo.

Yellow Teeth:

Bago tayo mag patuloy sagutin muna natin ang tanong kung bakit nga ba nagiging madilaw ang ipin ng isang tao.
Ayon sa ilang research, madaming bagay ang nakakaapekto kung bakit nagkakaroon ng kulay ang ipin ng isang tao. Dahil sa mga bagay na ito, hindi namamalayan ng isang indibidwal na madilaw o hindi naman ay nabubulok na ang kanyang ipin. Ayon sa United States National Library of Medecine, kung nagkaroon ng kakaibang kulay ang ipin ng isang tao, matatawag na itong isang abnormal tooth o hindi na isang normal.

Ayon sa ilang pag-aaral, ang kulay ng ipin ng isang tao ay mababase sa mga ginagawa niya sa pang-araw araw. Ayon sa ilang mga pag-aaral, maaring ang kulay ng ipin ay mula na mismo sa pamilya ng isang tao o nasa genes na ito talaga. Kung isa sa pamilya mo ay mayroong kulay dilaw na ipin maaring mamana mo ito at makuha ng hindi mo naman kagustuhan.

Rreddish brown, redish yellow, gray at reddish gray na maaring maging kulay ng ipin ng isang tao kung hindi man ito maging isang kulay puti. Ayon sa pag-aaral, ang pangalawa na maaring magpabago sa kulay ng ipin ng isang tao ay dahil sa tinatawag na “Dentin”.

Lumabas sa pag-aaral na magmumukhang dilaw ang ipin ng isang tao kung ang enamel na tinatawag, o ang surface layer na bumabalot sa ating ngipin ay numinimipis na at naeexpose na ang dentin na nakapailalim dito. Kung minsan ay nabubulok o hindi naman ay nasisira ang pinaka dulo ng ipin ng isang tao at makikita mo na lamang na ito ay butas na.

Makikita mo na din ang loob na bahagi nito ay kulay dilaw sa gilid, ito ang dentin. Dahil sa kapal ng enamel na bumabalot dito, hindi ito naeexpose at mananatiling matingkad na puti ang kulay ng iyong ipin. Isa na din sa nakkaapekto ay ang pagyoyosi ng isang tao. Ang nicotine na nakukuha sa isang sigarilyo ay hindi lamang adiksyon at sakit ang dala para sa isang tao, nakakapag padilaw din ito sa ngipin ng isang indibidwal.

Ang mga kinakain ng isang tao ay maari ding makaapekto sa kulay nito. Ang ilang pagkain tulad ng isang Pasta, Curry, at maging ang ilang berries ay maaring mabigay ng kakaibang kulay sa bawat bahagi ng ngipin. Dahil na din sa mga iniinom natin sa pang-araw araw katulad ng kape, softdrink at mga inumin na ginagamitan ng isang artificial flavoring, ito ay nakakasira sa ating ipin. Pero sympre kung paminsan minsan ay wala naman itong epekto sa ngipin pero kung ito ay palagi mong ginagawa mawawalan ng saysay ang pagsisipilyo mo sa araw-araw.

Naranasan nyo na ba ung tulog tapos kinakaskas ung ngipin? Nakakngilo un sobra. Sabi ng mga matatandan kailangan daw sampalin ng senelas para daw di na ulitin. Ikaw ba naman sampalin ka ng Rambo na sinelas sa pagtulog mo, ewan ko na lang kung ulitin mo pa.

Anong koneksyon nito sa pagdilaw ng ngipin? Isa lang naman itong delikadong gawain para sa enamel ng ating ngipin at pag .Kung palagi itong ginagawa maaring magcrack at mapakita ng pagkadilaw.Ilan lamang it o sa mga dahilan kung bakit nagiging dilaw ang ipin ng isang tao.

White Teeth:

So, kung ikukmpara natin ang ginagawa natin sa ginagawa at kinakain ng isang aso. Ang alagang mong aso ay kinakain ang kung ano man ang ibigay mo dito. Kung minsan ay makikita mo ang isang aso na gala lamang sa kalasada, malalaman mong kung ano-ano din ang kinakain ng asong ito,Ngunit bakit nga ba puti ang kanilang ngipin?

Ang bibig at ngipin ng isang aso ay nagagamit sa maraming bagay na parte na nang kanilang buhay. Mula sa pagkain, paglilinis ng katawan, pakikipag laro at maraming pang bagay. Ayon sa ilang mga research, mayroon ilang paliwanag kung bakit puti at mukhang mas malinis pa ang ipin nito kumpara sa isang tao.
Ito ay dahil sa mababang carbohydrates na nakukuha ng isang aso. Isa din sa dahilan ang pagnguya nito ng mga buto, mga stick at kung ano ano pang bagay na palagi nilang kinakagat-kagat. Ito ang isang bagay na nakakatulong sa kanila upang maging malinis tignnan ang kanilang bibig. Kumbaga kumakaskas ito sa mga matitigas na bagay.

Ang mga ito ay hindi umiinom ng kahit anong coke, kahit anong kape at hindi din kumakain ang isang aso ng chocolate dahil ito ay bawal at masama sa kanila. Ang mga kinakain ng isang aso ay hindi galing sa isang artificial colored food na palaging kinakain ng isang tao. Ang hayop na nabubuhay sa wild ay hindi nakakain ng mga preserve food o kahit anong pagkain na mayroong kemikal. Ang mga kinakain nito ay mga hilaw na karne kung saan mula mismo sa kanilang kalaban.

Isa pang dahilan ay ang mabilis na pagdigest ng isang aso sa kaniyang kinakain. Dahil ditto mas mabilis niyang naabsorb ang mga nutrients na mayroon sa kanyang kinain at ang ngipin nito ay patuloy na titibay at patuloy na magbabago. Dahil na din sa hindi nakakain ng matatamis na pagkain ang isang hayop, malayo ang kanilang ngipin mula sa cavity na natural na dumidikit sa ngipin ng isang tao.

Pero wala din namang forever kahit sa mga aso. Dahil na din sa katandaan ng mga aso, mapapansin na din ang ilang pagbabago ng kulay mula sa kanilang ngipin.

At ayan ang dahilan kung bakit mas mapuputi ang ngipin ng ibang hayop kumpara sa atin. Kung tayo ay kakain ng fresh foods o ung walang halong kemikal at food coloring, possible na ang ngipin natin ay maputi rin kahit na hindi ito gamitan ng sipilyo o whitening. When I say possible, kasi papasok pa rin ang race ditto, dahil nga ang dilaw na ngipin ay namamana din.

Sana ay nasagot naming ang iyong tanong Son son. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Kung nagustuhan mo ang video wag kalimutang ilike at mag subscribe ka na din at iturn on ang notification bell para lagi kang updated, palagi akong nagppremiere ng mga video at sana makajoin in ka minsan sa live chat. Maraming Salamat sa panonood! Bulalord out!

Sources

Sources

  1. https://www.quora.com/Why-dogs-have-white-teeth-They-dont-even-brush-them-And-do-I-really-need-to-brush-my-teeth-to-keep-them-white
  2. https://www.quora.com/Why-are-my-canines-yellow-compared-to-my-other-white-teeth
  3. https://www.quora.com/How-do-animals-maintain-healthy-teeth-while-never-brushing-them
  4. https://www.colgate.com/en-us/oral-health/life-stages/adult-oral-care/ten-causes-of-yellow-teeth-and-how-to-avoid-them-0116
  5. https://www.livescience.com/54420-yellow-teeth.htmlhttps://en.wikipedia.org/wiki/Canine_tooth

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Kung magyayari ulit ang black death gaano kadami ang mamamatay?

Totoo ba na kapag sinipsip natin ang dugo babalik ba ulit yon sa sugat natin?