Bakit mas mahina sa kuryente yung mga flatscreen TV?

Reading Time: 14 minutes

Topics

Naranasan mo na bang pukpukin yung likod ng TV nyo?
Yung kapag lumalalabo o hindi naman ay nawawalan ng signal ay kailangan pukpukin upang bumalik lamang sa dati. Ngayon hindi na natin kailangang gawin yan. Well may mga nakikita pa rin aong CRT TV pero karamihan sa mga tahanan ngayon ay naka LCD, LED o plasma na.

Ang mga Flat screeen na TV ay laganap na sa buong bansa, dahil nga naman maganda at mas malaki ito kumpara sa mga nakasanayan mo nang gamitin noong ikaw ay bata pa. Isa pa mas magaan ito kumpara sa tubed tv o ung crt.

Ngunit marami ang nagtatanong, ano ba ang mas tipid gamitin.Yung bang TV noong nakaraang panahon, o ang isang flatscreen TV na nauuso ngayon?

Light-Emitting Diode:

Let’s first talk about history. Ayon sa research, ang Light-Emitting Diode o ang LED ay nadiskubre noong 1907 ng isang assistant na isa ding British radio researcher na si Henry Joseph Round. Ang lalaking ito ay naisipan na pag-eksperimentuhan ang isang silicon carbide. Mula dito ay nalaman niya na kung ang isang bagay na ito ay dinikitan ng isang kuryente, makakapaglabas ito ng isang liwanag.

Ito ang tinatawag na Electroluminescence na kinikilala ng mga eksoperto na isang natural na pangyayari. Isang Russian radio researcher na si Oleg Vladimirovich Losev ang nagsagawa ng isang pag-aaral noong 1920 patungkol sa pangyayayri na nagagawa ng electroluminescence. Ang kanyang pag-aaral ay nakatuon sa mga diodes na ginagamit sa pagbuo ng isang radyo. Makalipas ang ilang taon ay nakapaglabas siya ng isang papel patungkol sa pag-aaral na ito ito ay tinawag niyang “Luminous carborundum [silicon carbide] detector and detection with crystals”.

Ngunit sa kanyang pag-aaral ay hindi siya nakagawa ng isang LED. Gayunpaman mula sa kanyang pag-aaral ay madaming eksperto ang ginawa itong gabay. Dumating ang taong 1961, kinilala sina Robert Biard at Gary Pittman bilang unang tao na nakainbento nang tinatatawag na “Infared LED”. Ayon sa research ay aksidente lamang ang pagka gawa nila sa bagay na ito dahil ang tunay na kanilang ginagawa ay isang laser diode.

Sa dami nang tao na nakagawa, naka-isip, at napag-aralan patungkol sa isang LED light hindi na naging mahirap para sa ilan ang sundan ang yapak ng mga naunang eksperto. Noong 1962 ay napunta sa isang consulting engineer for General Electric Company ang titulo bilang “Father of the light emitting diode”.
Ito ay si Nick Holonyack, ang lalaking ito ang unang nakagawa ng isang ilaw na makikita mismo ng mata ng tao. Mula sa isang gallium arsenide phosphide na kanyang ipinalit sa diode. Ang lalaking ito ang unang nakagawa ng isang kulay pula na ilaw mula sa maliit na bagay.

Mula noon ay sinundan pa ito ng iba pang mga eksperto kagaya nila M George Craford, Thomas P. Pearsall at Shuji Nakamura na naging dahilan upang makagawa ng iba’t ibang kulay na nagagawa ng isang LED .

How LED works:

Ang light-emitting diode o LED ay isang semiconductor light source na nakakapaglabas ng ilaw sa tuwing ito ay dinadaluyanng isang kuryente. Ang tinatawag na P-N junction ay isang bagay upang lubusan mapagana ang isang LED. Gamit ang isang crystal na mula sa semiconductor napaghihiwalay nito ang anode at cathode na mayroon ang LED. Mula sa mga bagay na ito at mula sa ilang bagay na mayroon ang semiconductor material, ito ay nakakagawa ng tinatawag na P-N junction.

Kung pagdidikitin ang mga bagay na ito, dito na lalabas ang ilaw na inilalabas ng isang LED. Syempre ay kailangan ng kuryente upang mapagana at mapa-ilaw ang mga bagay na ito. Ang kuryente ay dadaloy sa anode hanggang sa cathode, hanggang sa makadaan ito sa P-N junction na makakagawa ng isang mahinang enerhiya at ito ang nakikita natin.

Liquid Crystal Display:

Kung kanina ay light emitting diode ngayon pumunta naman tayo sa LCD o liquid crystal display. Mula sa isang liquid crystal, kaya nang bagay na ito ang makapaglabas at magpakita ng isang larawan. Ang bagay na ito ay naimbento noong 1064 sa isang laboratoryo sa Princeton, NJ. Noong 1970, nadiskubre ang tinatawag na twisted-nematic (TN) na kayang gawin ng bagay na ito, na naging dahilan din upang makuha nito ang atensyon ng madla. Mula dito ay inilagay na nila ito sa mga maliliit na bagay , tulad nang relo at mga calculator.

Noong 1988, nagawa naman ang pinaka unang 14 inches na LCD na gamit ang TFT o thin-film-transistor ang nakapagpakita ng buong kulay at buong imahe. Dahil sa kakayahan nito, ang bansang Japan ay nagbukas ng isang pagawaan ng ganitong bagay. Nakagawa na ang mga ito ng mga malalaking bagay katulad na lamang ng isang TV at isang computer.

Paano ba gumagana ang bagay na ito? mula sa isang liquid crystal, ang bagay na ito ay magagawang harangan ang dumadaan na ilaw dito. Gumagana ang bagay na ito mula sa dalawang polirized glass na napapagitnaan ng liquid crystal. Sa pagtama ng liwanag mula sa unang polarized glass, ito ay hindi na lalabas sa kasunod dahil sa nakaharap na liquid crystal at babalik lamang ang tumatamang liwanag mula sa unang polarized glass.

Naguluhan ba? halimbawa na lamang kung ikaw ay maghahagis ng bola sa isang pader, ang bola ay hindi tatagos sa pader ngunit ito ay babalik sa iyo. Ganoon ang nangyayari sa ilaw na tumatama sa bagay na ito. Dahil sa mga elesctric current na dumadaan sa bagay na ito, ang mga molecules mula sa liquid crystal ay pumipila o nag-aalign upang makapasok ang ilang mga ilaw na makapasok sa panglawang polarized glass.

Mula doon ay makakagawa na ito ng mga kulay at mga imahe na ating nakikita sa bagay na ito.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Cathode ray tube:

Pumunta na tayo sa lolo. Bago pa magawa ang isang Flatscreen, mas nauna pa ang TV na malaki ang likod nito. Ito ay ang cathode ray tube o ang CRT. Ito ay isang electron beam na nakalagay sa monitor ng Tv o ng isang computer na dumadaloy sa screen, maaring sa iisang direksyon lamang ito, maari din na magkita o magkasalubong ang dalawang ito, hanggang sa tumama sa tinatawag na phosphor dots na nasa loob ng glass tube.

Ayon sa research, magkaiba ang taong nakadiskubre at nakagawa sa bagay na ito. Noong 1869, nadiskubre ni Johann Hittorf ang tinatawag na cathode rays at noong 1897 ay nagawa ni Ferdinand Braun ang pinaka unang CRT tube. Noong 1934 ay unang inilabas sa publiko ang pinaka unang CRT television, at mula noon ay patuloy na itong pinaganda at pina-ayos ng mga eksperto.

hindi naman sila nabigo dahil ito ay nagagamit na sa maraming klase ng TV at mga Computer.

Plasma TV’s:

Hindi lamang ito ang uri ng screen ng isang TV at nang isang Computer, sa mga bagay na ito ay mayroon pang humahabol. Ito ang tinatawag na Plasma TV. Ang Screen na ito ay mayroong haba na aabot sa 40 hanngang 60 inches. Tulad ng isang LED at LCD, isa din itong flatscreen. Mula ito sa isang maliit na cells na naglalaman ng ilang gas, yes gas kasama na din ang ilang amount ng mercury.

Mula sa dalawang salamin at isang elektrisidad, ang mga cells ay patuloy na dadaloy, dahilan upang ang mga gas na ito ay maging isang plasma. Mula sa liwanag na tumatama ay nakakapaglabas ito ng mga larawan na makikita mismo sa screen ng bagay na ito.

Ang pinaka unang plasma screen ay nagawa noong 1960’s sa pagtutulungan ng tatlong estudyante na mula sa University of Illinois. Ang tatlong kalalakihan ay kinilala bilang sina Donald Bitzer, Hiram Slottow, at si Robert Willson. Ayon sa pag-oobserba at pag-aaral ng ilan, mas mura ng di hamak ang isang LCD screen, ngunit kahit na mura ang isang LCD ay mas magandang larawan ang nilalabas ng isang Plasma TV.

Kung ikukumpara din ang bagay na ito mula sa isang LCD, ito ay mas maliwanag, at mas mataas ang contrast na nagagawa na sobrang sarap gamitin sa umaga dahil hindi ito lalabo. Kung ito naman ay iyong bubuksan, mas mabilis itong magpakita ng larawan. Ngunit kahit na maganda ang naipapakita ng bagay na ito, mayroong mga bagay na hindi maganda na naranasan nang mga gumamit nito.

Ang isang plasma TV ay mas malakas kumain ng kuryente kumpara sa isang LCD at mas mabigat ito dahilan upang mahirap itong ilagay sa lugar. Kung ito ay matagal na nakabukas at nagpapakita ng mga imahe ay maaring masunog ang screen nito dahilan upang magkaroon ng ilang komplikasyon na makikita mismo sa loob ng screen ng isang TV.

LED , LCD and CRT Killowats:

Dahil uso na ang pagiging pratikal sa panahon ngayon, hindi sapat ang magkaroon ng isang magandang bagay. Mas maganda kung ito ay nakakapagbigay ng maliit na gastos sa pagbabayad ng kuryente kada buwan. Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga TV ay gumagamit ng halos 80 hanngang 400 watts, ngunit depende pa din ito kung gaano kalaki ang iyong telebisyon.

Dahil mayroong maliit at malalaking TV, iba’t ibang wattage din ang nakukunsumo ng mga ito. Halimbawa na lamang ang isang 32 inches na LED TV ay nakakagamit ng halos 18 watts ng enerhiya. Kung ito ay lumaki pa sa 40 inches aabot na ito sa 31 watts; sa 55 inches ay aabot na din sa halos 57 watts o hindi naman ay dalawang beses na nakukunsumo ng isang 33 inches na LED Tv.

Ang isang 32 inches na LCD TV ay kumukunsumo ng halos 50 hanggang 70 watts , ang isang 32 inches na CRT TV ay aabot sa 120 watts.

Kung mapapansin ay mas malaki ang nakukunsumo ng isang CRT TV kumpara sa dalawang flatscreen na TV. Ito ay dahil mas nangangailangan ito ng maraming kuryente para maidisplay ang imahe sa mga screen nito.

LCD VS CRT VS LED:

Kung ipagkukumpara ang dalawang flatscreen na TV na isang LCD at isang LED ay maaring magkaparehas lamang ito sa kanilang itsura, ngunit mayroon mga bagay na pinagkaiba ang dalawang ito. Ayon sa research, ang isang LED tv ay gumagamit ng mas mababang enerhiya, nagbibigay ng mas malinaw na imahe, mas manipis at hindi ito madaling uminit kagaya na lamang ng isang LCD Tv.

Ang isang LED Tv ay gumagamit ng isang LED o light-emitting diodes na nagpapalabas o nagpapabalik sa liwanag na pumapasok dito. Pero may mga LED TV na ginagamitan din ng LCD upang mas maganda ang paggamit sa bagay na ito. Ang LED TV ay matatawag na “LED-backlit LCD TV.”

Kung pagkukumparahin naman ang isang CRT TV at isang LCD TV, mas magandang piliin na ang isang LCD. Bakit? sa pisikal na anyo pa lamang at sa bigat ay mas malaki at mas mabigat ang isang CRT dahilan upang hindi ito mabitbit ng madali. Mas mababa ang enerhiyang kinukunsumo ng LCD, kahit na mas mura ang isang CRT ay mas malaki pa din ang kuryente na makukunsumo ng bagay na ito.

Ang LED at LCD ay gumagamit ng semiconductor electronic technology upang makapagpalabas ng isang liwanag, ito ang dahilan kung bakit mas mababa ang nagagamit nilang enerhiya kumpara sa iba pang TV.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Niel Flores. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.explainthatstuff.com/plasmatv.html
  2. https://understandsolar.com/how-many-watts-does-a-tv-use/
  3. https://www.computerhope.com/jargon/c/crt.htm
  4. https://computer.howstuffworks.com/monitor5.htm
  5. https://ieeexplore.ieee.org/document/6487587
  6. https://www.myledlightingguide.com/blog-what-is-an-led
  7. https://www.thoughtco.com/led-light-emitting-diode-1992081

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba na ang mga berdeng bata ay galing sa inner earth?

Ano ang Multiverse Hypothesis?