Bakit maraming tao ang takot sa Injection?

Reading Time: 13 minutes

 


Bakit maraming tao ang takot sa Injection?

Sa dinami-dami ng kinakatakutan ng isang tao, karamihan sa mga ito ay takot sa mga matutulis na bagay. Malamang ay mayroon kang kakilala na sa tuwing magpapa-medical ay kailangan laging may kasama. Hindi dahil hindi nila alam ang papuntang ospital, ngunit dahil kailangan nila ng isang taong kakapitan dahil takot sila sa isang bagay.

Ang Injection.

Ito ag ginagamit upang makakuha ng dugo sa isang tao. Ngunit alam na din ng marami na ang bagay na ito ay nakapagpasigaw at nakapanakot na nang maraming tao. Bata, Matanda, Macho, mga matatapang sa kanto, makita pa lamang nila ang bagay na ito tiyak hindi na nila alam ang kanilang gagawin. Pero hindi naman lahat ay takot dito.

Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot sa Injection? Ang tanong na ito ay mula kay Ronneljefferson at ito ang askbulalord.

Trypanophobia:

Trypanophobia; The Fear of Needles | Kavita Gill, Practitioner of  Acupuncture & Chinese Medicine

Kung ang isang tao ay nakakaranas ng labis na takot sa mga ilang medical procedures tulad na lamang sa paggamit ng isang Injection na siyang ginagamitan ng hypodermic needles. Ito ay mayroong tinatawag na Trypanophobia. Halos sampong porsyento ng mamayan sa Estados Unidos ang nakakaranas ng ganitong karamdaman.

Lumabas din sa dalawampu’t limang porsyento ng mga matatanda sa isang lugar, pitong porsyento sa kanila ang sinasadyang iwasan ang pagpapaturok ng immunization dahil sa kanilang nadaramang takot.

Kung ang Trypanophobia ay takot sa injection, ang Aichomphobia ay takot sa isang karayom o sa iba pang matutulis na bagay.

Noong taong 1994, ang Trynophobia ay inihiwalay sa Aichomphobia. Dahil nga ang Trynophobia ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay takot lamang sa iisang specific na karayom na siya ngang ginagamit sa isang Injection. Karamihan sa mga nakakaranas ng ganitong kondisyon ay mga bata.

Dahil nga ang mga bata ay hindi sanay sa sakit na kanilang nararamdaman sa tuwing itinutusok sa kanila ang isang karayom. Ang ilan ay nagagawa itong labanan habang tumatanda at nasasanay na lamang. Ngunit hindi lahat ng mga tao ay kayang lagpasan ang pagkatakot sa bagay na ito. Ang ilan ay hindi na natanggal ang takot at nakasama na nila ang takot hanggang sila ay tumanda.

Ayon sa ilan pang mga research, lumabas na halos pitong porsyento ng populasyon sa Britain ay nakakaranas ng Diabetes at sampong porsyento sa mga ito ay takot sa karayom. Ito ang dahilan kung bakit mahirap gamutin ang ilang pasyente dahil sa kanilang takot sa karayom.


Cause:

Trypanophobia Counselling Wolverhampton - Tranceform Psychology

Ngayon alam na natin na ang takot sa injection ay isang phobia, ano ang dahilan nito?

Tulad na lamang ng ilan pang Phobia na mayroon ang ilang tao, hindi din alam ng mga doktor o ng mga eksperto kung bakit nagkakaroon ng labis na takot mula sa isang bagay ang isang tao. Maaring ang Trypanophobia at maging ilan pang mga phobia ay nagmula sa isang masamang pangyayari noong ang isang tao ay bata pa.

Maaring sa isang bagay, sa isang pangyayari at iba pang sitwasyon na labis na tatatak sa iyong utak. Posible din na namana ito sa isang kamag-anak o hindi naman mula sa isang pangyayari na iyong natunghayan at naging masama ang dating nito sa iyong utak dahilan upang makakuha ng labis na takot mula dito. Ayon sa ilang pag-aaral, walongpu’t porsyento ng mga matatandang mayroong Tryponophobia ay mayroong kamag-anak na nakakaranas din ng kaparehong phobia.

Ang mga taong nakakaranas ng Trypanophobia ay maaring dahil sa masamang nakaraan noong ito ay unang kinuhanan ng dugo o tinurukan ng gamot sa katawan at tumatak sa kanila ang pangyayaring iyon. Ito na mismo ang maaring dahilan kung bakit makita pa lamang nila ang injection sa malayo ay nakakaramdam na sila ng kakaibang pakiramdam.

Kung minsan naman, ang ilang tao ay nakakaranas din ng tinatawag na “Hyperalgesic fear.0 Dahil ang mga taong ito ay alam na masakit ang magagawa ng pagtusok ng injection sa kanilang balat, gagawin nila ang lahat makalayo lamang o makaiwas dito.

 

Diagnose:

3 Ways NOT to Diagnose ADHD: Common Mistakes

Para sa mga taong nakakaranas ng Trypanophobia, ang mga mararamdaman nilang sintomas ay maaring makasama para sa kanilang pamumuhay. Ang mga sintomas ay lalabas sa tuwing alam ng isang tao na kailangan niyang dumaan sa isang bagay na
kakailanganin ang matulis na karayom mula sa injection. Maari ding lumabas ang sintomas kahit na nakita lamang ng isang tao ang tulis injection.

Makakaramdam ito ng pagkahilo na maaring maging dahilan ng pagkahimatay, panic attack na hindi na niya alam ang kanyang gagawin, pagtaas ng dugo, pagbilis ng tibok ng puso. Maari din itong magkaroon ng anxiety o labis na pagkakaba, pagkakaroon ng insomia. Dahil na din sa takot, gagawin nito ang lahat upang makaiwas sa pagturok o pagkakita ng injection.

Ang kondisyon na ito ang nagiging dahilan para sa isang tao na umiwas sa pagpunta sa ospital. Dahil sa hindi pagpunta sa ospital, maaring lumala ang mga pabalik balik na sakit o hindi naman ay lumala ang dinadanas na medical emergency. Ito na din ang iniiwasan ng mga doktor at ayon kanila ay kailangan itong magamot at mabigyan kaagad ng atensyon upang hindi na lumala.

Para sa mga taong nais na magpatingin sa doktor, aalamin muna ng doktor kung mayroon bang dinadanas na sakit sa katawan ang isang pasyente bago niya simulan ang ilang medical exam. Matapos nito ay kailangan ng pasyente na makipagkita sa isang mental health specialist upang maitanong ang ilang mahahalagang impormasyon. Ang mga tanong ay patungkol sa mga nakaraang komplikasyon ng pasyente, mental man ito at pisikal. Aalamin din ng eksperto kung ano ang mga nararamdaman ng pasyente sa tuwing nakakakita ito ng isang injection.

Kung ang mga sintomas ay labis nang nakakaapekto sa pang-araw araw na buhay ng tao, kikilalanin na itong pasyente na nakakaranas ng Trypanophobia.


Treatments:

Treatment options for IBD | IBDrelief

Hindi pare-pareho ang gamot na ibinibigay sa mga taong nakakaranas ng Tryponophobia. Dahil nga ang gamot na kailangan ibigay sa isang pasyente ay nakadepende kung paano tanggapin ng isang tao ang takot na kanyang nararamdaman. Karamihan sa mga pasyente na may kondisyon na ito ay dumadaan sa mga psychotheraphy treatment.

Nariyan na nga ang tinatawag na Cognitive behavioral therapy o CBT. Ito ay isang paraan upang mas makilala pa ng pasyente ang kanyang nararanasan na kondisyon at aralin din kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang masasamang epekto nito sa iyong katawan at nararamadaman. Sa ganitong paraan, unti-unting malalaman ng pasyente ang ilang teknik upang mawala ang kanyang takot sa tuwing makakakita ng isang injection o hindi naman kung sakaling kailangan syang turukan nito.

Nariyan din ang tinatawag na Exposure therapy na madalas din ginagamit sa iba pang uri ng phobia. Sa pagsasagawa ng therapy na ito, ang mga therapist ay magpapakita ng isang bagay na pinagmumulan ng iyong takot, ang injection. Sa una ay sa libro lamang o isang larawan ng isang injection ang ipapakita, hanggang sa totoong injection na mismo ang ipakita niya sa iyo. Dito ay kailangan hawakan ng pasyente ang bagay na iyon at isipin ang ilang pangyayari tulad na lamang ng pagturok nito sa kanyang balat.

Ang mga doktor ay nagbibigay din ng ilang gamot kung ang mga therapy ay hindi nakakapagbigay ng magandang resulta. Ang ilang anti-anxiety at mga sedative ay makakatulong sa utak at katawan upang kumalma ang mga ito.

Ang tinatawag na systematic desensitization ay nakapagpagaling na nang ilang pasyente na may Tryponopobia. Tulad na lamang ng exposure treatment, ang desensitization ay makakatulong upang unti-unting matagalan ang pagkakita sa karayom. Ito ay magsisimula sa pagpapakita ng isang karayom sa isang maayos na lugar na alam mong hindi ito didikit sa iyong balat o katawan. Pangalaawa nito ay ang pagpapakita ng isang syringe o ang isang injection na walang karayom at ang pinaka huli ay ang pagpapakita ng isang syringe na mayroon nang karayom at pagpapahawak nito sa iyo.

Ngunit dahil nga sa pagbabago ng mga bagay at kaalaman ng mga ekserto, ang mga doktor ay nakagawa ng isang bagay na maggamit sa mga taong nakakaranas ng Tryponophobia. Isang paraan kung saan hindi na kakailanganin ng pasyente na makakita ng kahit anong karayom. Ito na nga ang paggamit ng tinatawag na Jet injection. Ito ay isang uri ng injection na ginagamitan lamang ng malakas na pressure upang pumasok sa loob ng katawan ang gamot na kailangan.


Hindi lamang nababawasan ang sakit na dala ng isang karayom mula sa injection ngunit nakakatulong din upang maiwasan ang ilang aksidente. Ang mga aksidente kung saan hindi sadyang maitusok sa ibang bahagi ng katawan ang isang syringe injection. Panigurado naranasan nyo na un ung tipong kukuhanan ka ng dugo, walangya naka 7 turok na mali pa rin ung ugat tapos sisisihin ka ng nurse kasi di daw makita ugat mo.


Para sa mga taong nakakaranas ng ganitong kondisyon, kailangan ay mabigyan kaagad ng atensyon ang mga taong ito. Ugali na natin na magtago ng ating kahinaan at humingi ng tulong sa iba. Pero kung mayroon ka mang napapansin na taong malapit sa iyo na dumadanas ng ganitong kondisyon, maari mo siyang tulungan sa pamamagitan ng pagsama upang humingi ng tulong sa eksperto.


Ako takot ako sa injection pero hindi ung tipong hindi ako pupunta at iiwasan ito. Lalo na pagisasaksak sa gilagid dahil sa ngipin naku sobrang sakit nun. Sinasabi ko pa lang naiimagine ko na ung sakit. Pero marahil ito nga ay dahil sa nuong bata tayo, ilang beses tayong pinabakunahan ng ating mga magulang na syang naging dahilan para magkaroon sa atin ng effect psychological ang isang karayom.

 

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan Ronneljefferson.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time. Marami po kayong nagttype ng tanong sa comment section pero again po hindi ko po makukuha yang request nyo, kaya po nagtayo ako ng website para nanduon lahat ng request.

Paalala lang po, hindi porket nakapagrequest ay magagawa agad. It will take months po dahil sa dami ng nakapila at hindi lahat ng request eh napapagbigyan lalo na ung mga out of the blue questions.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

 

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Posible bang mabuhay ng walang hanggan? – Mind Transfer –

Ano ba ang dahilan ng pagsabog sa lebanon?