Bakit Makati ang dagat?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Halos lahat naman siguro sa inyo ay mahilig maligo sa dagat. Kung minsan umaga, minsan hapon at minsan naman sa gabi. Tuwing naliligo ang isang tao sa dagat, nakakaramdam ito ng pangangati o hindi naman ay paghapdi ng kanilang katawan. Kung minsan ay mapapansin na lamang na namumula ang ilang bahagi ng katawan.

Bakit nga ba makati at maalat ang dagat? Ang tanong na ito ay mula kay sonic at Angelo Lacion ito ang ask bulalord.

What’s in the Ocean:

Why is the ocean salty?

Ayon sa mga pag-aaral, ang karagatan ay tahanan ng iba’t ibang nilalang tulad na lamang ng mga halaman at mga hayop na namumuhay sa karagatan. Mula sa mga maliliit na organismo, hanggang sa mga malahiganteng balyena na ating na pinag-aaralan ng mga eksperto. Ang karagatan din ang nagbibigay sa mga tao, sa mga iba pang hayop ng kanilang pagkain.

Ang mga isda, eel, pusit, mga tahong, mga hipon at iba pang mga halamang dagat na nakakapagbigay ng laman ng tiyan sa mga iba pang nilalang. Ayon sa pag-aaral, ang buhay sa dagat ay nakadepende sa mga phytoplankton na madalas ay mga microscopipc organism na lumulutang lamang sa ibabaw ng dagat ngunit hindi ito nakikita. Dahil sa nangyayari ang photosynthesis na nagiging dahilan upang ang mga ito ay makagawa ng halos kalahati sa oxygen na ating hinihinga at pinakikinabanagan.

Why Ocean is Salty:

Why is seawater salty? | HowStuffWorks

Sa tuwing ikaw ay naliligo sa dagat, malamang ay nalasahan o hindi naman ay naimom mo na ang tubig na mayroon ito. Ang lasa lang naman ay maalat, pero bakit maalat? Kasi umihi ka at ung mga tropa mo, yan tuloy kumalat na.

Ang mga asin na nasa karagatan ay nagmula sa mga bato o rocks na mula mismo sa kalupaan. Ayon sa ocean service, ang ulan na bumabagsak sa lupa ay nagdadala ng mga natunaw na carbon dioxide mula sa nakapalibot na hangin dito; ito mismo ang daghilan kung bakit ang mga tubig ulan ay acidic dahil sa carbonic acidic na nabuo ng carbon dioxide at tubig.

Kung ang tubig ng ulan ay natuyo mula sa isang bato, ang acid na mayroon ang tubig na ito ay mapupunta din mismo sa bato. Dahil dito, nabubuo ang tinatawag na ions o para sa mga hindi nakakaalam isang electrically charged atomic particles. Dahil na din sa iba’t ibang pangyayari, ang mga bato ay napupunta sa mga batis, sa ilog , sa mga lawa oo hindi naman sa karagatan mismo.Ito ang dahilan kung bakit ang mga bato na ito ay nakukuha ng mga maliliit na organismo na makikita sa dagat.

Ang ilan sa mga natunaw na ions ay ginagamit ng mga organismo at dito inaalis na din nila ito mula sa tubig, ang ibang hindi nagagamit ay naiiwan na lamang at habang ang mga ito ay patagal ng patagal sa loob ng karagatan ang concentrations ng mga ito ay patuloy na lumalaki. Mayroong dalawang uri ng ions ang mayroon sa karagatan; ang chloride at ang sodium na kung saan ang mga ito ay maalat.

Ang dalawang ions na ito ay ang bumubuo sa halos 90 percent na natunaw na ions sa karagatan. So, ang concentrations ng salinity o ang asin na mayroon sa karagatan ay halos 3.5 percent na mula sa mga natunaw na asin o sabihin na nating kapag tinanggal ang lahat ng asin sa dagat ay maari nang makabuo ng halos kasing taas ng 40-story na gusali.

Ngunit ayon sa iba pang pag-aaral, hindi lamang sa bato na mula sa ibabaw ng lupa ang maaring dahilan kung bakit maalat ang karagatan. Ang mga hydrothermal vent na makikita mismo sa ilalim ng karagatan ay pinaniniwalaan na isa din sa mga nagiging dahilan kung bakit maalat ang dagat. Ang hydrothermal vent nagiging daanan upang makalabas ang mga maiinit na tubig dahil sa pagtatagpo ng magma at ng tubig sa ilalim ng crust. Dahil sa sobrang init ay natunaw ang mga ito na naging dahilan upang lumabas ang mga ito mula sa vent.

Ayon sa paniniwala ng mga eksperto, ang estimate nila sa dami ng nailalabas ng vent na ito ay maaring buong volume ng karagatan na kung saan natunaw mula sa oceanic crust mula pa noong dumaan ang halos sampong milyong taon. Pinaniniwalaan na ang pangyayaring ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa alat ng karagatan.

Ang mga asin ay maaring mula sa ilang pagsabog ng mga bulkan sa ilalim mismo ng karagatan, dahil nga nagkakaroon ng reaksyon sa isang mainit na bato at natutunaw ang ilan pang mga mineral na nasa karagatan.
Ayan nasagot na natin ang isang tanong, sagutin naman natin ang isa pa.

Why Oceans Sting:

Sa mga nagdaang pag-aaral, ang sagot ng mga eksperto kung bakit makati o bakit nakakahapdi ang ilang parte ng karagatan, Ito ay dahil sa tinatawag na Sea bather’s rash o Sea lice. Ito ay mula sa isang sting na inilalabas ng isang microscopic jellyfish. Ayon sa pag-aaral, ang maliit na jellyfish na ito ay nakikitang lumalangoy langoy sa malalalim na parte ng dagat o hindi naman sa mga salt water.

Ang maliit na jellyfish na ito ay maaring kumapit sa balat ng isang tao, mula sa iyong damit na iyong suot sa tuwing lalangoy o hindi naman kaya ay sa iyong buhok. Ang stings cells ng nilalang na ito ay naglalabas ng lason sa tuwing ang mga ito ay naiipit o hindi naman ay nasasanngi sa ilalim ng tubig.

Ang mga lason na ito ay maaring makapagbigay ng allergic reaction sa kung sino mang tao na mayroong sensitive skin. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong first time makaranas nito ay maaring makaramdam ng ilang panunusok sa mismong suot na damit habang nasa tubig. Kung ito ay umahon na sa tubig, mararamdaman na nito ang labis na pangangti na susundan na nang mga pula at mga rashes.

Ayon sa mga lumabas na pag-aaral sa maliit na nilalang na ito, sa pangalawang beses na ikaw ay madapuan ng nito ay maaring makaranas ng fatigue, pagkahilo, pananakit ng ulo, lagnat, panghihina , pagsusuka, pangangati ng mata at maaring makaramdam ng init sa tuwing umiihi. Kahit na ganito kalala ang sintomas na dala ng jellyfish na ito at least hindi pa rin ito nakakahawa.

Ang ilang maaring ipanggamot ay yelo, ilang mga lotion o hindi naman cream na mayroong 1% hydrocortisone. Kung ikaw man ay nakaranas ng pangangati, huwag idikit ng direkta ang yelo ngunit ilagay ito sa isang ice sack. Huwag mag-alala dahil hindi naman nakakamatay ito, nakakairita lang.

Nito lamang February 13, nakita at nalaman na nang mga eksperto ang tunay na dahilan kung bakit nakakaramdam ng ganitong kondisyon sa ilang bahagi ng karagatan. Sa matagal na pag-aaral, nalaman nang mga eksperto kung bakit ang karagatan ay nakakapag bigay ng kakaibang hapdi at kati sa katawan ng isang tao. Nadiskubre ng isang research team ang panibagong free floating jellyfish o isang jellyfish na nakalutang lamang kung saang parte ng karatagatan.

Ang nilalang na ito ay kanilang pinag-aralan at nalaman na nakakapagbigay ito ng isang pangangati o iba pang mga kondisyon sa katawan. Ito ang tinatawag na Cassiopea na kung saan maari magbbigay ng ilang pagkairita kahit na hindi ito dumidikit sa isang tao. Ang tatlong uri ng Cassiopea ay kanilang nakitang palutang lutang lamang sa isang warm coastal water.

Noong ang mga ito ay kanilang pag-aralan at inobserbahan, nalaman ng mga eksperto na ito ay naglalabas ng isang lason ng puno ng mucus sa tubig o sa karagatan. Sa pagsasama ng mga eksperto mula sa Smithsonian’s National Museum of Natural History, University of Kansas, at United States Naval Research Laboratory, nakita nila ang isang cells na nakapaloob sa mucus na inilalabas ng nilalang na ito. Ang mga paikot na bilog na nakita mula sa microscope na kanilang tinatawag na Cassiosomes. Ang ganitong uri ng sting na nailalabas ng cassiophea ay hindi naman nakapagdadala ng malalang kondisyon, mild lamang at madali itong gamutin.

Ayon kay Anna Klompen na isang universiry graduate sa Kansas “Venoms in jellyfish are poorly understood in general, and this research takes our knowledge one step closer to exploring how jellyfish use their venom in interesting and novel ways,”

Hindi man ang mga ito ang pinaka venomus creature na makikita sa karagatan, ang mga ito ay nagbibigay naman ng ilang kondisyon sa kalusugan ng tao.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan, sonic at Angelo Lacion. Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://scitechdaily.com/stinging-water-mystery-solved-mucus-grenades/
  2. https://www.fairview.org/sitecore/content/Fairview/Home/Patient-Education/Articles/English/s/e/a/_/b/Sea_Bather_Rash_116515en
  3. https://oceanservice.noaa.gov/facts/whysalty.html
  4. https://www.usgs.gov/special-topic/water-science-school/science/why-ocean-salty?qt-science_center_objects=0#qt-science_center_objects
  5. https://www.nationalgeographic.com/environment/habitats/ocean/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakakita ba ang bulag sa panaginip?

Gaano katalas ang paningin at pandinig ng paniki?