Bakit Mahilig tayo sa Fastfood?

Reading Time: 16 minutes

Topics

Jollibee, Mcdonald’s, Chowking, Kfc, at Pizza hut. Ang mga ito ay ilan lamang sa pinaka kilalang kainan ng mga Pilipino at maging ng mga taga ibang bansa. Sa tuwing tayo ay biglang nagugutom o di naman nasa labas at gumagala, ito ang mga kainan na ating pinupuntahan.

Fast Food, ito ang tawag sa mga kainan na mabibilis ang service ng kanilang pagkain. Dahil ang mga tao ay palaging nagmamdali, mas gusto nilang kumain sa mga ganitong lugar imbes na magluto sa kanilang mga bahay.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Bakit sarap na sarap ang mga tao mula sa mga pagkaing kanilang hinahanda? Sino ba ang nagpauso neto?

History:

Pag-usapan natin kung kailan ba nagsimula ang bagay na ito. Ayon sa ilang research patungkol sa bagay na ito, ang pagbebenta ng isang “Ready to eat” na pagkain ay ginagawa na mula pa noong unang panahon. Una itong lumaganap sa bansa ng Roma. Dahil ang ilang tao ay nakatira lamang sa isang maliit na kwarto na matatawag na “Insulae“; at walang hugasan o lutuan man lamang, ang mga ito ay bumibili lamang ng kanilang makakain sa labas ng kalye.

Ang “Popinae” o isang maliit na kainan, mabibili dito ang mga mura at mga pagkain na mabilis lutuin at bilihin. Ito ang pinaka kilalang bilihan noong panahon na iyon. Noon namang 2nd century sa bansang China, kilala ang isang kwento ng isang tindahan na bukas ng buong gabi at nagbebenta ng lutong Noodles. Ayon din sa research, noong pumasok ang Middle ages nauso na ang mga tindahan sa bawat kalye na nagtitinda ng mga tinapay, mga flans, waffles, mga pastries at mga lutong karne. Ang mga pagkain na ito ay ibibenta para lamang sa mga taong naglalakbay at sa ibang taong hirap sa kanilang buhay.

Noong 19th century sa British, nakilala ang pagkain na hanggang ngayon ay kinahuhumalingan pa din ng mga tao ang “Fish and Chips“. Dahil sa labis itong nagustuhan ng mga tao, noong 1860 nakapagbukas ang may-ari neto ng kanyang sariling tindahan. Neto namang 1896 sa bayan ng Berlin, ang kinikilalang si Max Sielaff ang naka imbento ng kauna-unahang vending machine. Noong 1902, nagbukas ang pinaka una-unang Automated Food sa United States.

Nagbukas naman ang White Castle na kinilala bilang isa sa pinaka-unang hamburger chain sa US noong 1921. Dahil sa mura ng kanilang benta sa pagkain na ito, nagsimula itong makilala at bumenta sa mga tao sa kanilang lugar. Hindi nagtagal, nagbukas na ang pinaka kilalang kainan maging dito sa Pilipinas; ang Mcdonald noong 1948. Magmula noon iba pang mga kainan ay nagbukas na rin tulad na lamang ng Burger King at Taco Bell at Wendy’s. Noong 1951, ang lahat ng kainan na ito ay binigyan ng isang katawagan ng Merriam–Webster dictionary. Netong 1979 naman, nabuksan ang Jollibee sa Pilipinas at gumawa ng pangalan sa iba’t ibang bansa.

Kung titignan, hindi lamang hamburger at fries ang pinaka kilalang pagkain na binebenta ng isang fast food chain. Nariyan ang onion rings, chicken nuggets, tacos, pizza, hot dogs, at mga ice cream. Dahil kailangan ng madalian at mabilis na service sa mga kainan na ito, gamit ang mga processed ingredients na nagmula at ginawa na sa pinaka pinagkukunan ng mga ito, madali na itong lutuin pagdating sa mismong bilihan neto.

Dahil sa sobrang popular ng ganitong mga kainan, hindi ito nakaligtas sa ilang kontrobersya. Ang mga balitang, hindi ito nakakaganda sa kalusugan ng mga tao, at mga balitang hindi maganda ang pag-aalaga na ginagawa nila sa mga hayop na kanilang mga kinakatay.

Noong 1970, nagkaroon ng ilang movement, isang adbokasiya na ipatigil ang lahat ng ito. Ayon sa ilang grupo, kailangan ng mga tao ng isang pagkain na matagal na pinaghandaan at hindi isang “ultra-processed“. Ngunit mapapansin mo naman na hindi ito gumana. Pero dahil dito, nagsimulang mag-offer ng ilang mga masusustansyang pagkain ang mga ito tulad na lamang na mga salad at iba pa.

Ingredients:

Ayon sa ilan research, ang mga ingredients na mayroon ang isang fastfood ay mga high fat meat, refined grains at mga added sugar at fats. Isa na din sa pinaka gamit para maging ingredients para sa mga pagkain na kanilang ibibenta ay ang asin. Gamit ang asin napapanatili nilang preservative, flavorful at satisfying ang mga pagkain. Ang kadalasang inumin na inooffer ng mga ito ay mga soda o soft drinks.

Danger:

Dahil nga sa mga batikos na natatanggap ng mga fast food chain, ang mga ito ay nagdagdag ng mga masusustansyang pagkain na maari nilang ioffer sa mga costumer. Naglalagay na din ang mga ito ng gulay sa kanilang burger.

Ngunit dahil nga sa galit sa asin ang mga ito, gumagamit ng mga saturated fats at mga trans fat na hindi talaga masustansya para sa katawan ng kumakain neto. Sa pagkain ng mga ito ay maari talagang manganib ang ating kalusugan. Kung ikaw ang klase ng tao na araw-araw kumakain sa ganitong lugar, maari kang magkaroon ng biglaang pagtaas ng dugo, magkaroon ng sakit sa puso at maaring tumaba ng hindi mo inaasahan.

Ayon sa Healthline, sa sobrang pagkahumaling ng isang tao sa pagkain na ganito ay maari maging dahilan upang dumalas ang pagsakit ng ulo. Maaring magkaroon ng acne dahil sa carbs na dala ng hamburger buns, potato chips at maging french fries.

Dahil puno ng carbohydrates ang halos lahat ng pagkain sa fast food, maari itong maging dahilan upang tumaas ang blood sugar ng isang tao. Kung ang lahat ng carbohydrates ay na digest na ng ating katawan, maglalabas ito ng isang glucose o isang asukal sa bloodstream ng isang tao.

Para sa mga taong isa sa isang linggo o hindi madalas kumain sa labas, wala masamang epekto ang magagawa neto sa kanya. Ngunit para sa mga adik sa fastfood, maari itong pagsimulan ng isang klase ng diabetes. Maaring mgakaroon ng Type 2 diabetes at maaring madagdagan ang timbang.

Dahil sa pagtaba ng isang tao, maari itong magkaroon ng problema sa kanyang respiratory sysytem. Gaya na lamang ng asthma at shortness of breath. Dahil sa sobrang taba ng isang katawan ng isang tao, maari itong madagdagan ang pressure na mula sa puso at sa baga. Dahil sa pressure na ito, sa simpleng paglalakad mula sa malapit na lugar, pag-akyat sa anim na hakbang na hagdanan o ilang minutong pageexercise; magsisimula nang hingalin at mahirapan sa paghinga ang taong ito.

Maari din itong makaapekto sa ating central nervous system, ang mga taong madalas kumain ng mga processed pastries ay mas mataas ang chance na magkaroon ng depression. Lumabas din sa isang pag-aaral na ang mga processed foods ay mayroong phthalates; o isang chemical na maaring makapagbigay ng masamang bagay para sa paggalaw ng hormone ng isang tao. Mula sa chemical na ito, maaring magkaroon ng problema patungkol sa reproductive system ng isang tao, at kung sa isang babae naman ay maari itong mag lead sa birth defects.

Dahil sa pagkain ng sobrang mga maalat na pagkain, kakailanganin ng ating katawan ang madaming tubig. Dahil dito maaring lumubo ang ilang bahagi ng ating katawan.

Sa isang 12 ounces na softdrinks, naglalaman na ito ng halos walong kutsara ng asukal. Imagine, walong kutsara ng asukal ibig sabihin 140 calories at 39 grams ng asukal. Ikaw na ang humusga kung ano ang magagawa neto sa ating katawan kung palagian itong iniinum ng isang tao.

Ang mga pagkain tulad nang fried pies, pastries, pizza dough, crackers at cookies ay makikitaan ng mga trans fat sa kanilang ingredients. Sa pagkain nito, maari din magkaroon ng type 2 diabetes at heart disease.

Dahil din sa mga pagkain na ito, maaring mabulok ang ngipin, humina ang buto at mas tumaas ang chance na magkaroon ng isang uri ng cancer.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Fast Food and Junk Food:

Magkaiba ba ang isang fast food at isang junkfood? Ang sagot ay halos parehas lamang ang mga ito. Dahil ang isang junkfood ay mayroon ding dalang mataas na asukal, asin at mayroon din itong saturated at trans fats. Ayon sa washington post, ang pagka-adik sa isang junkfood ay katulad ng pagkaadik sa kahit anong alak at ano mang droga.

Tulad ng pagkain ng isang pagkain na galing sa fastfood chain, ang sakit na makukuha sa pagkain ng junkfood ay iisa lang din. Higher risk of obesity, depression, digestive issues, heart disease , stroke, type 2 diabetes, at maging cancer na maaring makatulong sa atin upang mamatay tayo ng maaga.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong kumakain sa fastfood chain ng dalawang beses sa loob ng isang linggo ay maaring magkaroon ng metabolic syndrome at coronary heart disease. Dahil dito, halos kalahati sa populasyon ng mga Amerikano ay tumigil at lumimit ang pagkain sa mga ganitong lugar.

Benefits:

Kahit na sabihing masama talaga ito para sa kalusugan ng isang tao, hindi maitatanggi ang ilang tulong nagagawa nito.

Kung ang isang tao ay gutom na gutom na, sa isang tawag at ilang minuto lamang ay maari nang makapagbigay ng serbisyo. Dahil sa mabilis na serbisyong naibibigay nila, maraming tao ang patuloy na tumatangkilik sa kanilang binenbenta. Hindi tulad ng mga restaurant na kailanagan mo pang maghintay nang halos kalahating minuto, sa fastfood ay makukuha mo ito sa loob lamang nang halos lima hanggang sampung minuto.

Isa pa ang presyo na kanilang inooffer, kung minsan ay mas nakakamura ang mga taong namimili sa mga ganitong establisyimento. Mas mura ito kumpara sa mga resto na nagooffer ng mga ulam na niluluto natin sa ating mga bahay.

Dahil na din sa hindi nagbabagong lasa ng kanilang mga benta, hinahanap hanap ng mga tao ang kanilang produkto kahit saan man silang magpunta. Halimbawa na lamang kung ikaw ay mapupunta sa isang lugar at naghahanap ka ng Jollibee. Nakakita ka ng isang Jollibee, kung ano man ang lasa at pagtanggap ng inihatid sa iyo ng kinalakihan mong Jollibee sa inyong lugar ay ganito din ang makukuha mo sa isang lugar.

Fast Food and Brain:

Ang palagiang pagkain sa mga produkto na gawa ng isang fastfood chain ay maari ding maapektuhan ang utak ng siang tao. Nasabi ko kanina na maaring magkaroon ng depresyon ang isang tao. Bukod pa sa depression, maari din itong maging dahilan ng hyperactivity disorder o isang mental disorder na kung saan ang isang tao ay mahihirapan magbigay ng sapat na atensyon para sa isang bagay; mula din sa sakit na ito, maaring makagawa ng isang masamang bagay o isang bagay na hindi akma sa edad ng kung sino man ang mayroon neto.

Maaring magkaroon ng Dementia o isang syndrome kung saan magkakaroon ng deterioration sa pag-iisip, sa memorya at sa behaviour ng isang tao. Hindi din imposibleng magkaroon ng Bipolar Disorder ang isang tao. Ang resulta neto ay ang pabago-bagong mood sa loob lamang ng isang araw. Naku wag nyo ng idate ung mga jowa nyo sa fastfood, baka lumala pa yan. Di joke lang, wag ka na magalit.

Dahil na din sa iba’t ibang chemical na ginagamit upang ma preserve ang mga pagkain na mula sa isang fastfood chain, maari netong pabagalin ang pagfunction ng ating utak at pahinain ang mga pag-alala natin sa isang bagay.

Well, isa sa mga sakit na ito ang maaring mangyari sa iyo kung palagi kang kumakain ng mga processed food at mga pagkain na wala naman dalang sustansya para sa iyong katawan at utak.

Not to Crave:

Para sa mga taong gusto nang tumigil at huminto sa pagtangkilik sa mga ganitong pagkain. Narito ang ilang mga maaring gawin upang makaiwas dito.

Una, uminom ng maraming tubig. Hindi isang balde ha remember too much water can also lead to water intoxication o Hyponatremia. Kung ikaw ay nagcacrave sa isang burger, isang fries o kahit anong processed food. Subukan mo munang uminom ng kahit isang basong tubig. Ayon sa ilang pag-aaral, ang isang taong nagcacrave sa isang pagkain ay dahil pagkauhaw ng ating katawan. Ang dalas din ng pag-inom ng tubig ay maaring makatulong upang mabawasan ang gutom na nararamdaman ng ating katawan.

Kung sakali namang napadaan at nakakita ka ng isang fast food chain, maari mo namang ilayo ang iyong sarili mula dito. Sa paglayo mo dito, mawawala sa utak at sa isip ang mga pagkain na nais mong kainin.

Maaring din namang magplano na nang iyong kakainin para sa buong linggo. Kung alam mo na ang iyong kakainin, hindi kana mahihirapan mag-isip at hindi na mapupunta ang desisyon sa isang fastfood chain. Huwag din magpagutom masyado. Kung tayo ay gutom, kung ano-anong pagkain ang ating maiisip. So kung hindi tayo gutom , mababawasan ang pagcrave natin sa isang pagkain.

Isa sa pinaka mahalagang bagay, huwag aalis ng gutom sa iyong bahay. Kumain kana bago ka pa umalis upang mabawasan ang gastos at hindi na makaisip na kumain sa isang fastfood chain.

Hindi ko naman sinasabi na huwag kang kumain sa mga ganitong lugar. Limitahan at bantayan mo lamang ang iyong sarili sa mga bagay na ito.

So in laymans term, kaya tayo nahihilig sa fastfood, unang una, mabilis ang serbisyo, pangalawa mura at pangatlo, aminin man natin o hindi, mas gusto natin ung eat and run kumbaga wala ka ng iintindihin na pagluluto, pagsasaing at paghuhugas.

Sources

Sources

  1. https://www.dictionary.com/e/pop-culture/fast-food/
  2. http://www.historyoffastfood.com/
  3. https://youngwomenshealth.org/2013/12/05/fast-food/
  4. https://www.eatthis.com/what-happens-to-your-body-when-you-eat-fast-food/
  5. https://www.healthline.com/health/fast-food-effects-on-body#respiratory-system
  6. https://www.washingtonpost.com/lifestyle/wellness/sneaking-a-little-junk-food-doesnt-mean-all-is-lost/2018/02/26/828b75fa-1b36-11e8-9de1-147dd2df3829_story.htmlhttps://vittana.org/14-fast-food-pros-and-cons
  7. https://healthyeating.sfgate.com/relationship-between-fast-food-brain-12203.html
  8. https://www.healthline.com/nutrition/11-ways-to-stop-food-cravings#section5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ang asawa ni Cain?

Delubyo