Bakit laging may butal ang presyo sa mga mall?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Kapag tayo’y naggrogrocery o pumunta ng mall, malamang ay Nakita mo na ang mga sale price ng mall na karamihan ay may butal sa kanilang presyo .14.99 pesos, 299.99 pesos. 199.99 at iba pa.

Bakit nga? bakit hindi na lamang nila ito isinakto ng 15pesos, 300 pesos. Ang tanong na ito ay mula kay kent bautista at ito ang Ask bulalord.

Price:

Noong unang panahon, ang pakikipagpalitan ng isang bagay ay ginagawa na. Noon ay gamit ang ginto at mga pagkain na mismong ipinapalit upang makuha nila ang nais nilang gamit. Mula noong 700BC, ang pera ay ginagamit na ng mga Lydians na kung saan ang mga ito ay ang unang western culture na gumamit ng isang barya. Magmula noon, ang isang bagay ay mayroon nang presyo. Depende kung gaano ito kaganda, kaayos at kung gaano ito kakailangan ng isang tao.

Minsan ay hindi lamang sa pakikipagpalitan nagagamit ang isang presyo. Ang isang presyo ay nagagamit upang ibigay sa isang trabahador. Kung saan gumagawa sila ng isang bagay na may kapalit na halaga para sa kanilang serbisyo. Sa pagsakay upang makapunta sa ibang lugar, mapahimpapawid pa man lupa at dagat.

Ayon sa isang site, ang Price at ang cost ay dalawang magkaibang bagay. Halimbawa ikaw ay nagtanong kung “How much” kumpara sa ” “How much does it cost? ”. Ang isa ay ang mismong presyo at ang isa naman ay ang kaya mong ibigay para lang makuha ang bagay na ito.

Ang paglalagay ng presyo para sa iang bagay ay isang paraan upang makakuha ng isang mamimili. Ang mga maliliit na tindahan ay nagbibigay ng magandang presyo upang mabili ang kanilang paninda. Hanggang sa lumaki at tangkilin sila ng mamimili, ang presyo ay pataas na nang pataas.

Ngunit ang lahat ay hindi naayon sa mga nagbebenta. Kailingan ang pananaw ng kanilang mga mamimili. Para sa isang taong bibili ng isang bagay, tinitignan neto kung anong klaseng lugar, brand, quality at syempre ang presyo neto. Pero mostly presyo talaga ang tinitingnan natin. Mahalaga ang presyo para sa mga tao dahil ang nais ng lahat ay makatipid sa lahat ng bagay.

Ang paglalagay ng tamang presyo ng mga kompanya ay maaring magbigay sa kanila ng tagumpay upang umusbong ang kanilang negosyo. Kung para sa mga mamimili, mahirap kapag tumaas ang presyo ng isang bagay, ito ay mahirap din para sa isang negosyo. Dahil sa mga nagyayari sa mundo , patuloy na pabago bago ang presyo nang mga bilihin.

Leader Price:

Ang leader price, wait hindi ito ang nangungunang presyo ha. Ang leader price ay ang ginagamit na strategy ng mga retailers upang maatract ang mga costumer. Tulad ng nasabi ko kanina, binababaan nila ang presyo.

Ayon sa paniniwala ng mga negosyante, kung gagawin nila ang ganitong strategy ang mga costumer ay pupunta na sa kanila. Ngunit kung titignan, ang pag-bili sa isang bagay sa mababang halaga ay hindi kapani-paniwala, ngunit ito mismo ang gusto ng mga negosyante.
Ang pag-gamit ng ganitong gawain ay nangangailangan din ng kakaibang pagpapakila ng iyong ibinebenta para sa mga mamimili. Sa ganitong paraan, mas maeenganyo ang mga tao na piliin ang iyong kompanya, at maari din silang maenganyo sa mas mahal na produkto na iyong ibinebenta dahil ang mga ito ay tiwala na sa kwalidad ng iyong produkto.

Hindi dapat asahan na maganda ang kalalabasan ng bagay na ito. Kung ang mga matatagal na sa mundo ng negosyo ang tatanungin, ang bagay na ito ay delikado dahil maari netong palubugin ang isang negosyo. Dahil sa kababaan ng presyo, hindi mababawi ng isang kompanya ang kanilang pera. Maari din na ang mga taong tumangkilik sa iyong produkto ay ang mga taong tumitingin sa presyo at hindi sa kalidad, kung sakaling tataasan mo na ang mga ito; ang mga mamimili mo ay unti-unting mawawala.

Ang mga matatagal at mga malalaking kompanya ay ginagawa dina ng bagay na ito. Dito nagkaroon ng isang pagtatalo, para sa iilan; kung ang mga sikat at kilalang kompanya ay nagbaba ng kanilang presyo, hindi na mabubuo ang mga nagsisimula pa lamang sa negosyo.Dahil sa usapin na ito, ang ilang bayan at bansa sa United States at Europe ay nagpasa ng isang batas patungkol sa bagay na ito.

Ipinag-bawal nila ang ganitong gawain sa lahat ng negosyo at tindahan o ung pag-gamit ng ganitong estratehiya para magkaroon ng pantay na kompetisyon para sa kanilang mga mamimili. Ngunit kung titignan, madami pa din ang gumagamit ng ganitong gawain maging dito, sa ating bansa sa Pilipinas.

Psychological Pricing:

Dahil ang mahalaga lamang sa mga negosyante ay ang pagbili at pagbili ng mga tao upang sila ay kumita. Ang bagay na ito ay hindi alam kung sino ba ang nag-imbento at kung sino ba ang unang gumawa neto. Ngunit ayon sa research, ang gawaing ito ay umusbong noong late 19th century. Ayon sa ilang paniniwala, umusbong ito noong nagkakaroon ng kompetensya sa pagbebenta ng mga dyaryo noong 1875. Ang sa isa sa mga taong nagmamay-ari ng Chicago daily news na si Melville E.Stone ay gumawa ng isang paraan upang mapansin ang kanyang dyaryo. Ito ay ang pagbababa ng isang sentimo sa kanyang bentang dyaryo.

Ayon sa research, ang barya noong panahon na iyon ay hindi pa masyadong tinitignan ng mga tao. Ngunit dahil matalino si stone, ang presyo ng kanyang dyaryo ay 1 dolyares; ngunit mababa ng isang sentimo. Ipinaliwanag niya na sa gantong paraan mabibigyan pa nila ng sukli ang kanilang mga mamimili. Dito ay aakalain ng mga mamimili na sila ay mas nakakatipid.

Ayon sa ilang research, ang bagay na ito ay nauso upang maiwasan ang mga mangungupit sa isang kompanya. Dahil nga naman ang mga bilihin ay laging nasa buong halaga, at hindi na kailangan pang suklian. Ang paglalagay ng butal sa kanilang produkto ay isang paraan upang buksan ng cashier ang cash register at dito marerecord ang transaction na nangyari. Dito ay hindi na maaring kupitin ng empleyado dahil ito ay bilang na ng may-ari.

So, ang bagay na ito ay patuloy na ginagawa ng mga malalaki at maliliit na kompanya. Ayon sa Accounting tools, ang paglalagay ng butal ng presyo sa isang bagay ay mas makakakuha ng atensyon ng isang tao. Kung ang isang mamimili ay makakakita ng mga presyo kagaya ng 199.99 ay aakalain nila na mura nila itong nabili kahit na ang totoong presyo nito ay 200 pesos. Ito ay isang bagay na tunay na makakapang-akit sa mata ng mga taong akala nila ay nakakatipid sila ngunit hindi naman talaga.

Ang bagay na ito nagbibigay sa mga negosyo na maibenta ang kanilang produkto sa presyo ng gusto nila ng hindi napapansin ng kanilang mamimili. Magpasa hanggang ngayon, ang bagay na ito ay laganap parin sa iba’t ibang negosyo, mga bilihan ng damit, gamit, pagkain at iba pang mahahalagang bagay na kailangan ng isang tao.

Well, maganda ito sa para sa ikakataas ng kita ng isang kompanya. Ngunit ang ilan sa mga empleyado ay nahihirapan na magkalkula sa tuwing sila ay magsusukli, dahil minsan ay kailangan talaga ng mga ito magbigay ng taamng sentimo para sa mga mamimili.

Ang bagay na ito ay maaring hindi din gumana para sa mga taong hindi tumitingin sa presyo ng kanilang binibili ngunit sa kalidad neto. Dahil nga ang iba ay mas tumitingin kung tama ba talaga ang presyo na nakalagay para sa isang bagay na nasa ganoong halaga, napapansin nila na masyadong mahal at ito ay maghahanap ng ibang tindahan upang mahanap ng sapat at tamang presyo; ang bagay na ito ay hindi magandang bagay para sa isang negosyo.

Ang isa pang ginagamit ng mga negosyante ay ang phenomenon na tinatawag “Innumeracy“. Kung mapapansin mo, marami din ang gumagamit ng mga kataagang “Buy 1 get 1” at ang mga katagang “50% off get 1 free“. Ayon sa Prince Intelligently, ang mga istudyante ng University of Minnesota ay nagsagawa ng isang pag-aaral. Ayon sa mga ito, mas tinatangkilik ng mga maimili ang isang tindahan kung ang gagamitin nito ay ang katagang “Buy 1 get 1” , kumpara sa isa.

So para sa mga hindi nakaka-alam, ang pagbili sa mga bagay na nasa 50% off na mayroong free item ay masasabing mas makakamura. Para sa madaling salita, nagbayad ka ng isang normal na presyo ng isang bagay at nakakuha ka ng dalawa neto.

So, that’s it. Alam na natin kung bakit laging may butal sa mga kahit anong stablisyamento na makikita sa mall. Ang paglalagay ng .99 sa presyo ng isang bagay ay isang lamang gawain upang linlangin ang isipan ng isang tao. Hindi nila trip na ilagay lang ito, ito ay may sense lalo na sa business side. Sa ganitong paraan, ang mga kompanya ay kumikita at mas tinatangkilik ng mga mamimili.

Huwag magpalinglang sa presyo at tignan nang mabuti kung ang gagastusin mong halaga ay worth ba para dito.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss kent bautista. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Zombie Apocalypse

Ang Kwento sa Likod ng Kilalang Pelikula ng Disney – Part 2 – COMPLETED