Bakit kulay green background screen karaniwang ginagamit sa mga video editing or video screen play?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Kung minsan ay namamangha tayo sa tuwing nakikita natin ang mga kakaibang bagay na ipinapkita sa mga paborito nating mga palabas. Isang napakalaking alon, nagbabasakang mga gusali, isang napaka gandang lugar, isang kakaibang nilalang , at marami pang iba. Panigurado ung ibang mga bata namamangha, papaano silang nakagawa ng malaking alon, hindi naman kaya saan sila nakakuha ng halimaw na kasing laki ni Godzilla at more importantly, nasaan na si Godzilla ngayon.

Dahil sa kagustuhuan mong malaman kung paanoo ginagawa ng mga film maker, o mga film editor ang bagay na ito, papanuorin mo ang mga behind the scence outakes. Makikita natin sa mga outakes pagkatapos ng isang palabas kung paano ginagawa ang kanilang palabas. Malamang ay hindi lamang ang artista ang napapansin mo ngunit napapansin mo din ang background ng kanilang set na kulay berde.

Ang mga ito ay nasa loob lamang ng isang lugar o isang malaking kwarto na napapalibutan ng mga kulay berdeng tela. Hindi mo makikita ang mga magagandang gusali, mga sasakyang nagbanggaan, o ang napakalaking dagat na nasa mismong palabas.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Bakit kulay green ang background sa video editing? Ang tanong na ito ay mula kay Cedric James Oyas Silvestre at ito ang ask bulalord.

Green screen:

Ang paggawa ng isang video at paka-edit nito ay hindi madali noong panahonn 1898. Isang illusionist at isang film director na si Georges Méliès ay nakagawa ng isang teknik upang makapaglagay pa ng isang bagay mula sa kanyang ginagawang palabas. Tinatakpan nya ang lente ng kanyang camera. Ito ang paraan na ginamit niya upang maitago ang ulo ng isang tao sa camera.

Kapag natakpan nya na ang ulo, papatungan nya ito ng ilang frames o ilang scene na pareho ang lugar , ang ayos at nakagawa ito ng isang perkpektong ilusyon.

Ayon sa research, ang paggamit ng isang kulay sa background ng isang palabas ay nagsimula pa noong 1900’s. Ngunit bago pa magamit ang kulay berde, mas nagagamit na ang kulay na asul dahil ang ginagamit ng mga film makers noon ay isang celluloid film. Ang celluloid film ay ang mga film na makikita mo sa mga lumang camera.

Noong 1940, unang nagamit ang kulay asul upang mapatungan ng ibang bagay. Una itong ginamit ni Larry Butler sa palabas nyang The Thief of Baghdad. Dahil ito ang pinaka Ang palabas na ito ay nanalo lang naman ng Academy Award for special effects.

Nagamit na din ito ng iba pang mga film maker, ngunit sila ay nahirapan dahil sa ilang bagay na makikita sa paligid. Dahil dito ay pinili nila ang matingkad na kulay ng berde dahil nga ang kulay na ito ay hindi madaling mahanap at makita sa ibang bagay sa paligid.

Ayon sa infocusfilm school, ang green screen ay ginagamit upang makagawa ng isang visual effect na kung saan ang mula sa dalawang imahe o mula sa isang video clip ay pinaghiwa-hiwalay ng magkakasama. Ang pinaka ginagamit na kulay ay ang neon green o ang pinaka matingkad at pinakamaliwanag na uri ng green.

Ang bagay na ito ay hindi madalas nakikita sa kahit anong gamit, sapatos, damit,sasakyan at kung ano pang gamit. Dahil dito ay mas madaling makapaglagay ng bagong imahe na magiging background ng isang palabas o isang litrato.

Sa totoo lamang ay maaring gamitin ang kahit anong background, ngunit mas nagagamit ang kulay na neon green dahil nga ito ay malimit lamang na gamitin ng mga tao. Halimbawa na lamang, kung ikaw ay gagamit ng isang kulay pula o kulay asul. Tandaan na ang kulay na ito ay ang pinaka common na kulay na makikita sa ilang bagay. Maaring palitan ang background kung ang isang bagay mismo na kukunan ay ganito ang kulay.

Sa oras na iedit ito ay wala nang lalabas na bagay sa screen. Ang kulay na berde ay nababase sa mga kulay na makikita sa buong paligid.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Chroma key:

 

Hindi lamang nagawa basta-basta ni Larry ang pag-edit sa palabas na kanyang ginawa. Sa tulong ng isang teknolohiya na tinatawag na Chroma key mas madaling makapag-edit ng video. Mula sa bagay na ito, maari nang makapaglagay ng mga kakaibang nilalang, ibang gamit, mga dagdag na tao at iba pang maraming bagay.

Ang bagay na ito ang tumutulong upang makagawa ang iba’t ibang editor na mula sa iba’t ibang mundo ng kahit anong effects ang kanilang nanaisin. Mula sa pagbabalita, sa pag vvlog, weather forecast o maging sa isang live videos ay gamit na gamit ang bagay na ito. Mayroong dalawang advantages kung ang isang tao na gagawa ng isang live stream video.

Ang isa sa pinaka ginagamit na skills ng bagay na ito ay ang pagpapalit ng background mula sa isang video. Ito nga ay kailangan na nang isang kulay berde na nasa likod ng taong kukuhanan, nakaupo ka man o nakatayo o nakahiga; maari ka nang makapunta sa iba’t ibang lugar.

Kumuha ka lamang ng isang litrato o video ng isang lugar mula sa internet, maaring ka nang lumipad sa langit, maari ka nang makipag picnic sa mga pating na nasa gitna nang karagatan. Maari na din makapagpagalaw ng iba’t ibang bagay at magpakita na lamang bigla ng isang bagay. Ngunit kailangan na akma din ito sa iyong kasuotan, tandaan na kung ikaw ay nakasuot ng isang kulay berde ay wala ka nang magiging katawan na lalabas mismo sa video.

Gamit din ang isang chroma ay maari nang maiemphasize ang bagay na nais mong ipakita sa iyong mga viewer. Dahil dito ay malaking tulong para sa lahat ng mga nag-eedit ng video. Sa tamang bagay at gamit ng mga background, maari ka nang makagawa ng isang palabas na mula mismo sa iyong ideya.

Maari itong gamitin gamit ang isang computer o maari din na i download mula sa iyong cellphone.

Why use green:

Sa totoo lamang ay maaring gamitin ang lahat ng kulay ngunit ang mga kulay na ito ay makakaapekto sa ating skin color. Ayon sa research, sa tuwing ang balat ng tao ay tatamaan ng isang ilaw na maariang galing sa isang bumbilya, o hindi naman galing sa sikat ng araw; ang balat natin ay tatamaan din ng iba’ibang kulay mula sa spectrum na mula sa wavelenghts.

Ang ratio ng mga kulay na ito ay halos katulad lamang ratio ng ating balat, so kung ang mga kulay na ito ay makukuha at magrereflect sa balat natin, ang magiging kulay natin sa isang camera kung ito man ay iiedit ay magiging saturated.

Ang isang camera ay isang bagay na sinusubukang gayahin ang ating mata. Sa konting pag edit ng contrast ay maari na itong makapaglabas ng kulay pula, asul, at kulay berde. Halos lahat ng mga digital camera ay iniiba ang mga kulay na ito at paghihiwalayin na matatawag na luminance (o luma) at ang chrominance (o chroma) sa isang video jargon.

Ang luminance ay nakatoka sa pagpapaliwanag sa isang bagay, habang ang chrominance naman ang bahala hue/saturation colour circle. Ang kulay na pinaka nawawala sa tuwing ito ay sinasaturate ay ang kulay na berde. Ang mga kulay na orange red, yellow at maging kulay asul ay naiiwan at nagpapakita pa din ng mga kulay.

Dahil ang mga digital camera at mga digital video recorder ay isang green-sensitive pixels, kumpara sa mga kulay na asul at pula ito na ang mas ginagamit ng mga film editor. Sa totoo lamang ay maaring gamitin ang maraming kulay, ngunit dahil sa Chroma key, kung ikaw ay mayroong suot na kulay pula ay mawawala din ito. Dahil dito ay kailangan na mag-ingat ang isang weather forecaster sa kanyang mga sinusuot. Dahil kung green ang background at kung ito ay mayroon suot na berde ay magmimistulan itong nakalutang na tao.

Ang camera ay isang bagay na ginawa upang magaya ang ating mata, makakita at makacapture ng isang bagay. Hindi na lingid sa ating kaalaman kung paano tayo naloloko ng ating mata mula sa isang kulay. Dahil dito, hindi na dapat tayo magulat kung pati ang mga nakikita natin sa telibisyon ay isa lamang din kasinungalingan.

Kung minsan ay napakalaking bagay ang nagagawa ng isang kulay sa ating mata. Sa tulong na din ng mga matatalinong utak ng mga tao, nakaisip ang mga ito ng isang paraan upang makagawa ng kakaiba. Maipakita sa mga bata ang mga nilalang na kanilang kakahumalingan, magbigay ng takot sa tuwing tutumba ang mga gusali at iba pang bagay.

Mula sa ilang pag-aadjust sa kulay, paglalagay ng ilang liwanag ang mga bagay na nakikita natin sa isang screen ay magbabago na. Makikita na natin ang mga kakaibang bagay na naging dahilan upang ang utak natin ay sumaya, lumungkot, at matakot.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Cedric James Oyas. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://infocusfilmschool.com/filming-green-screen-guide/
  2. https://shootsystems.com/the-history-of-green-screen/
  3. http://blog.manycam.com/use-chroma-key/#.XjkcdmgzaUl
  4. http://theconversation.com/ive-always-wondered-why-is-a-green-screen-green-92989

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Isa bang dugo ng anghel, diyos, alien o isa lamang mutation ang RH negative?

Mars One