Bakit kapag kumakain tayo ng maaanghang na pagkain sinsipon tayo?

Reading Time: 3 minutes

Bakit nga ba pag kumakain tayo ng maaanghang na pagkain sinsipon tayo? May mga magsasabi na dahil ito sa anghang, pero ano ang specific na nagttriger nit?

Mga boss ito ang fast 5 kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

Ang anghang ng isang halaman o prutas ay defense mechanism nito. Sa chili peppers ang chemical na Capsaicin ay nasa mga placental tissue nito at meron din itong allyl isothicyanate na isang oil. Makikita ito sa mga mustard at mga radishes to name a few.

Ang halaman ginagamit ang mga kemikal na ito bilang armas o depensa laban sa mga predatory animals, in which case, kasama na tayong mga tao dun. Ang mga ito ay maiiratate ang mga malalambot na tissue na malalapitan nito at yan ang dahilan ng burning sensation o ung anghang sa ating mga dila. Pero hindi lang yan ang nagagawa ng kemikal na ito, sakit ang mararamdaman mo kapag napunta ito sa iyong mata at nakakapagpasipon din. Pero bakit nga ba tayo sinisipon? ung sakit sa mata self explanatory na eh, dahil sa naiiratate, pero sa ilong? ang layo naman ata diba.

Well mga boss, heres the answer. Kapag ang ating mucous membrane ay tinamaan ng mga kemikal na ito, ang mucous membranes ay mamamaga at dahil dito papasok ito sa defense mode kung saan ito ay magpporuce ng mucous para matrap ang iba pang allergen o ung magcacause ng allergic reaction at ang ating sipon ang magttrap sa mga ito na makapasok sa ating respiratory system.

Kapag kayo ay sinisipon o hindi naman kaya barado ang ilong, kapag kumain ka ng maanghang na pagkain mga ilang minuto tapos nito ay makakaramdam ka ng ginahawa na feeling mo gumagaling ka dahil dito. Pero temporary lang yan mga boss, ang pagkain ng maanghang ay hindi nakakagamot dito albeit ayon sa pagaaral mas makakasama pa ito in the long run.

Dahil sa pagkairritate ang ating dilator naris ay lalaki para mas makapasok ang maraming hangin at ang mga receptors ng ating ilong ang magpapadala sa ating utak ng signal na mas nkakahinga na tayo ng matiwasay pero sa katunayan hindi naman talaga at kapag nawala na ang epekto ng anghang, babalik na ang dating baradong ilong.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Anong Silbi ng bukol sa mga kable?

Bakit tayo pinagpapawisan pag ninenerbyos