Bakit kailangan nating Matulog?

Reading Time: 16 minutes

Topics

Noong tayo ay bata pa, ang laging bilin sa atin ng ating magulang ay matulog ng tangahali, matulog ng maaga at matulog kung wala namang ginagawa. Dahil natural na sa isang bata ang pagiging makulit at pagiging malikot sa lahat ng oras, ang mga bilin na ito ay hindi nila kadalasan sinususunod.

Ngayong matanda at nasa tamang edad na, ang gusto mo na lamang ay matulog nang buong araw. Ang gusto mo na lamang ay makakuha ng isang maganda at mahabang tulog dahil sa pagod na iyong nararanasan sa buong araw.

Bakit ba mahalaga na tayo ay natutulog. Ano ba talaga ang mapapala natin dito, at ano bang maaring mangyari kung sakaling ang isang tao ay hindi na nakakakuha ng hindi magandang tulog.

Bago tayo magsimula, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mon a din ang bell notification para lagi kang updated.

Ang tanong na ito ay mula kay kuya Ynigo Vlogz at ito ang ask bulalord.

We really need to sleep:

Sleep Apnea - HelpGuide.org

Bakit ba natin kailangan matulog? Sa umaga , sa tangahali at maaring maging sa kahit anong oras sa isang araw lalo na sa gabi. Ayon sa sleep Foundation, ang pagtulog ay isa sa pinaka mahalagang bagay na kailangan gawin ng isang tao. Ang pagtulog ay nakakatulong sa ating utak upang pag isa-isahin ang lahat ng bagay na pumapasok sa ating utak sa loob ng isang araw. Sa loob lamang ng isang araw, sobra-sobra na ang ating nalalaman at mga naririnig na impormasyon. Sa loob ng isang araw ang isip natin ay patuloy na nadadagdagan ng kaalaman na mula sa iba’t ibang bagay.

Ang mga bagay na ito ay hindi agad tumatatak at naalala ng ating utak. Ngunit dahil sa pagtulog, ang ating utak ay gumagana upang ang lahat ng impormasyon ay intindihan at iimbak sa ating isipan. “Consolidation” ito ang paraan na ginagawa ng ating utak habang tayo ay natutulog. Maging ang mga maliliit na kaalaman ay maaring maimbak mula sa ating short-term memory o isang kaalaman na dadaan lamang sa ating utak; papunta sa long-term memory na matagal na tatatak sa ating isipan.

Ayon sa ilang research, ang pagtulog ng isang tao ay nakakatulong upang mas madaling maalala ang mga bagay na kailangan nila sa pang araw-araw. Hindi lamang sa utak nakakatulong ang pag-tulog ng isang tao, madami din itong nagagawa sa ating katawan. Ang pag-tulog lang naman ang tumutulong sa ating katawan upang lumaki ang mga muscle sa ating katawan, nakakatulong din ito sa ating kutis o balat, sa pag-aayos ng ilang tissue sa ating katawan at upang isynthesize ang ating hormones. That’s it, yan na ang sagot sa tanong mo pero lets go beyond the question at idiscuss natin ang pagtulog.

Circadian system:

Circadian Rhythm: What it is, why it's important, and how to fix ...

Bago pa tayo mapunta sa ilang mga posibleng mangyari patungkol sa pagtulog, alamin muna natin kung ano ang Circadian Sysytem. Ayon sa mga pag-aaral, ang bagay na ito ay matatawag din na Circadian Rhythms. Ito ay isang epekto na makikita at mapapansin sa ating katawan, sa ating utak at sa ating ugali na ginagawa natin sa pang araw-araw.

Ayon sa research, ito ay nangyayari base sa nakukuhang liwanag at dilim ng isang bagay. Tao, hayop , halaman at maging ang mga maliliit na mikrobyo na nabubuhay sa mundo.
Halimbawa na lamang sa isang tao, normal na natutulog sa gabi at gising sa umaga at ito ay dahil sa ating circadian rhythm.

Dahil sa Circadian rhythm, ang ating katawan ay nakakatulog at nagigising sa tamang oras. Napapanatili nitong steady ang oras ng ating pagkain at tamang pagdigest sa mga ito, mapanatili ang tamang temperatura na nakukuha ng ating katawan at mapagalaw ng maayos ang ating utak at katawan.

Night vs. Day:

Memory Recall and Circadian Rhythm

Para sa mga taong nagtatrabaho sa gabi, tulad na lamang ng pagiging call centre. Ang mga taong ito ay kadalasan nang natutulog sa umaga dahil nga buong gabi ang kanilang trabaho. So,ano bang ipinag-kaiba ng pagtulog sa gabi at pagtulog sa umaga? Kung titignan, ang pagtulog na ginagawa ng mga ito ay parehas lamang dahil nakakakuha pa din sila ng mahabang pagtulog.

Ayon sa ilang research, malaki ang pag-kakaiba ng pagtulog sa gabi kumpara sa pagtulog natin sa umaga. Ayon sa Proceedings of the National Academy of Sciences o (PNAS), kung ang isang tao ay palaging gising sa gabi at kumukuha ng mahabang tulog sa umaga ay maaring maging sanhi upang mabago ang halos isang daang protein na dumadaloy sa ating dugo. Tulad na lamang ng ilang protein na nakakaapekto sa blood sugar, sa pag gana ng ating immune system at maging sa protein na nakaka apekto sa metabolismo ng isang tao.

Ayon sa everyday health, dahil sa mga ito maari itong pagsimulan ng mga sakit tulad na lamang ng diabetes, labis na pagdagdag ng timbang at maari din pagsimulan ng sakit na cancer. Dahil sa pagbabago ng ating pagtulog, ang ating circadian rhythm ay mababago din at lahat ng pinapagana neto ay magbabago din ang pag function o paggana.

Ayon sa ginawang research ng isang doktor na si Christopher Depner, ang mga taong nagtatrabaho sa gabi ay prone para sa mga sakit na tulad na lamang ng metabolic disorders. Dahil sa circadian misalignment, ang pagbabago ng sleeping cycles ay malaki ang epekto para sa protein levels at dugo ng isang tao.

Sa pag-aaral na ginawa ni Depner, kumuha sya ng mga malulusog na kalalakihan at nasa tamang edad na. Ang mga ito ay nakakakuha ng sapat at normal na tulog tuwing gabi. Base sa pag-aaral, ang mga lalaking ito ay anim na araw na kinontrol ng mga eksperto. Mula sa kanilang pagkain, pagtulog, ginagawa at maging sa nakukuha nilang liwanag mula sa araw.

Ayon sa eksperimentong ginawa, ang mga ito ay dalawang araw na pinakain ng normal mula umaga at normal na pinapatulog sa kinagabihan. Matapos ng dalawang araw, sinimulan na ang pagbabago mula sa kanilang pagatulog at pagkain. Ang mga ito ay pinapanatiling gising sa loob ng isang gabi at hinahayaan na matulog ng halos walong oras sa umaga. Ang kanilang pagkain ay nakakain din nila kinagabihan.

Mula nang sinimulan ang eksperimentong ito, ang anim na lalaki ay kinukuhaan ng dugo kada apat na oras. Lumabas sa resulta na sa halos 1,129 na proteins sa kanilang katawan ,10 percent dito ay nabago mula noong pinanatiling gising sa gabi ang mga lalaki.

Mula sa pag-aaral, nakitang tumaas ang protein na tinatawag na glucagon. Isa ito sa pinaka mahalagang hormone kung saan tumutulong upang mapalabas ang glucose sa ating dugo, mula sa pagpapalabas neto, ang asukal na nasa ating dugo ay mananatiling normal. Ayon sa ekperimentong ginawa, lumabas na tumaas ang glucagon levels noong ang mga lalaki ay nanatiling gising sa gabi. Ang pagtaas na nangyari ay mas mataas pa kesa sa level na nakukuha tuwing umaga. Sa pagtaas neto, mas magiging mataas din ang chance na magkaroon ng diabetes ang isang tao.

Naapektuhan din ang protein na kinikilala bilang FGF19 o fibroblast growth factor 19. Ayon sa pag-aaral, bumaba ang levels ng FGF19 sa anim na lalaki .Dahil sa pagbaba neto, halos 10 percent o mas mababa pa ang natutunaw na calories kada minuto ng katawan sa pananatiling gising sa gabi. Dahil nga sa kakaunti ito, hindi posibleng madagdagan ang timbang kung ito ay ipagpapatuloy.

Kung ang liwanag naman ang pag-uusapan, pinanatili ng mga eksperto na makalayo ang anim na lalaki mula sa kahit anong liwanag pagsapit ng gabi. Kahit na ito ay galing sa isang artificial light o sa liwanag ng isang cellphone. Ang ginamit lamang ng mga ito ay isang maliit na kandila upang magsilbing liwanag sa gabi. Ayon nga sa pinaniniwalaan, ang circadian rhythm ng isang tao ay nababago mula sa nakukuha nitong liwanag. Ngunit lumabas din na maaring hindi lamang ito dahil sa liwanag ngunit maging sa iba pang dahilan.

Dahil na din sa pagbabago ng ating circadian rhythms, maari ding magkaroon ng sleeping disorder ang isang tao, depression, bipolar disorder, at maari din mapagsimulan ng seasonal affective disorder.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Instantly Sleeping:

sleep standing up support - weird products... | Japanese ...

Kung ating mapapansin, may mga taong mabilis makatulog. Yung tipong kakahiga pa lamang ay tulog na, kahit na hindi ito pagod mula sa isang bagay. Ayon sa Sleep.Org, ito ay isang komplikasyon na matatawag na “Narcolepsy”. Ang sakit na ito ay dinadanas ng isang tao mula sa dalawang libong tao, so kaunti lamang ang mga taong nagkakaroon neto.

Kung iniisip mong “Sana all” madaling makatulog, hindi mo papanalangin na magkaroon ng ganitong sakit kung malalaman mo na, ang mga taong mayroon nito ay nakakatulog kung saan-saan. Kahit na sila ay mayroong importanteng bagay na ginagawa, at walang pinipiling lugar. Sila ay basta-basta na lamang makakatulog, tatagal lamang ito ng halos ilang segundo o ilang oras.

Isa itong delikadong bagay para sa mga taong nagmamaneho na kanila nang gawin sa pang araw-araw. So, paano mo malalaman kung ikaw ay mayroong ganitong sakit? Ayon sa pag-aaral, bukod sa biglaang pagtulog; ang mga taong nakakaranas ng kahinaan sa umaga ay maari din magkaroon ng sakit na Narcolepsy. Ito ang mga taong palaging pagod sa umaga, dahilan upang mawalan sila ng kahit anong atensyon sa mga bagay bagay na kanilang ginagawa.

Lumabas din na 70 percent ng mga taong mayroong Narcolepsy ay mayroong din kondisyon na “Cataplexy”. Ano ang Cataplexy I hear you ask? ito lang naman ang pagkahimatay ng isang tao habang ito ay nakakaramdam ng sobrang kasiyahan at sobrang pagtawa. Idagdag na din ang mga taong madalas nakakaranas ng sleep paralysis at hallucination ay isa din sintomas ng sakit na Narcolepsy.

So, paano nagkakarooon ng ganitong sakit ang isang tao? Ayon muli sa research, ang mga taong nakakaranas nito ay mababa ang level ng kanilang hypocretin. Ang hypocretin ay siyang nagsisilbing taga bigay ng signal upang tayo ay manatiling gising. Dahil sa mababang pagbibigay nito ng impormasyon , ang ating katawan ay bigla na lamang makakatulog ng mahimbing.
Ayon sa pag-aaral , ang sakit na ito ay walang gamot. Ngunit mayroong ilang gamot ang maaring inumin upang mapanatiling alerto ang utak ng isang taong mayroon nito. Kung ang isang taong mayroon ng ganitong sakit ay magiging responsible, magiging strikto sa kanyang mga ginagawa tulad na lamang ng pagkuha ng tamang tulog sa gabi at kumuha ng kahit ilang oras ng tulog sa umaga. Isama pa ang pag eexercise araw-araw at pag-iwas sa mga bisyo tulad na lamang ng yosi at alak, maari niyang makontrol at maramdaman na siya’y makakatulog.


Long Sleeper:

The Importance of Sleep for Your Body | Discover Magazine

Mahabang tulog at hindi kaagad nagigising mula sa pagkakatulog, ang mga taong ito ay matatawag na tulog mantika. Ito ang mga taong hindi basta basta magigising sa mga maliliit na ingay kapag ito ay nakatulog na.

Ayon sa Sleep education, ito ang mga taong nakakakuha ng halos sampu hanggang labing dalawang oras na tulog sa isang gabi. Ang ganitong pagtulog ay masasabing normal lamang, na hindi na nangangailan ng kahit anong gamot o maging mental examination. Ang ganitong gawain ay maaring makuha habang ang isang tao ay bata pa lamang. Dahil sa sobrang pagod na nakukuha mula sa eskwelahan, sa trabaho at sa kahit anong ginagawa buong linggo, ang katawan ng mga taong ito ay bumabawi ng tulog na hindi nila nakuha kung sila ay mayroong libreng oras.

Kung ang isang taong long sleeper, ay hindi nakakuha ng isang sapat na tulog sa loob ng isang linggo; masama ang magiging apekto nito sa kanilang pang umagang buhay. Ang mga taong ito ay hindi nangangailangan ng kahit anong gamot upang manatili silang gising sa umaga. Ayon sa research kung ang isang tao na isang long sleeper ay iinom ng gamot, mas lalala ang kanilang kalagayan at mas magkakaroon sila ng mas malalang problema.

Good Sleeping Pattern:

Why some people sleep better during the pandemic, and other tips ...

Ayon sa ilang research, lumabas na ang isang normal na adult na ay nakakakuha ng halos anim hanngan pitong oras na tulog sa loob ng isang gabi. Ngunit paano nga masasabi kung ang iyong sleeping pattern ay maayos at maganda ang dala para sa iyo.

Ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakakatulog makalipas lamang ang halos 15-20minutes nang kanilang pagkakahiga at nakakuha ng halos diretsong pito hanggang siyam na oras na tulog; at pagkagising mo ay mararamdaman mong buong buo na muli ang iyong enerhiya. Ito ang matatawag na good sleeping pattern.

Mula sa magandang tulog, magiging alerto ka sa lahat ng bagay na mangyayari sa iyo sa loob ng isang araw.

So, kung ikaw ay laging puyat mula sa kaka scroll at kaka stalk sa social media.Huwag mong pabayaan ang iyong katawan at kumuha ng isang magandang tulog.

So in laymans term, kailangan natin matulog para maconsolidate ng ating utak ang mga pangyayaring naganap sa atin sa araw na un at the same time ito rin ang nagbibigay ng opurtunidad sa ating mga muscles na lumaki.

Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.sleepfoundation.org/articles/why-do-we-need-sleep
  2. https://www.nigms.nih.gov/education/pages/factsheet_circadianrhythms.aspx
  3. https://www.everydayhealth.com/sleep/study-reveals-why-all-nighters-may-dangerous-your-health/
  4. https://www.nigms.nih.gov/education/pages/factsheet_circadianrhythms.aspx
  5. https://www.sleep.org/articles/what-is-narcolepsy/
  6. http://sleepeducation.org/sleep-disorders-by-category/hypersomnias/long-sleeper
  7. https://www.sleepfoundation.org/articles/what-health

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Subliminal Messaging

Bakit walang Aurora Borealis sa Pinas?