Bakit hindi natin kinakain ang kapwa tao natin?

Reading Time: 4 minutes

Cannibalism, normal ito pagdating sa animal kingdom. Ang mga spadefoot tadpoles kinakain ang mga kapatid nito para mas mapabilis ang kanilang paglaki. Ang mga Gulls at pelicans kinakain ang kanilang mga anak para mapigilan ang paglaganap ng sakit o hindi naman kaya kapag wala ng makain para mabuhay ang iba nitong mga anak. Sa insect kingdom hindi rin iba ang cannibalism, ang praying mantis, kinakain ang mga lalaki matapos nitong makipagtalik. Ganun diun ang Australian redbackspider.

 

I hear you, part tayo ng mamalia, kaya iba pa rin tayo sa ibang hayop. Pero hold your horses mga boss dahil ang mga daga ay isang mammal din and guess what, kinakain nila ang anak nila pag ito ay may sakit o mahina o hindi naman kaya pag marami syang anak, binabawasan nya ito sa pamamagitan ng pagkain sa kanyang sariling anak. Habang ang mga leon at oso naman pinapatay at kinakain. Pumunta tayo sa mas malapit sa atin ang chimpanzee, may mga pagkakataon din na itong mga unggoy na ito ay kumakain din ng kapwa nila pero hindi ung katribo nila, kadalasan ginagawa nila ito sa kalabagn grupo, pinapatay ang mga anak at kinakain.

 

Sa atin, ang cannibalism is a big no-no. At least ang nakararami sa atin. Pero bakit nga ba? I mean, ayon sa science, isa rin tayong hayop diba? So bakit ibang iba ang cannibalism pagdating sa tao?

 

For that mga boss, gumawa ng isang pag-aaral, isang experiement if you will. Ang mga participants ay tinanong ng isang hypothetical question kung saan isang lalaki ang pumayag na kainin ang parte ng kanyang katawan kapag siya ay namatay. Binigyan din ng background ang mga participants kung saan ito ay pinapayagan sa kultura ng nasabing lalaki bilang pagggalang sa mga patay at ang laman ay iluluto muna bago kainin kaya hindi mapapasa ang sakit kung meron man.

 

Kahit na ito ay nasa kultura ng nasabing tribo, ang kalahati sa participants na tinanong ay hindi pumayag dito. In fact, hanggat maaari hindi natin kakainin ang kapwa natin unless, worst comes to worst kagaya ng Andes plane crash nuong 1972 kung saan sinubukan talaga nilang pigalang kainin ang kapwa nila pasahero pero para makasurvive, wala silang choice kundi kainin ang yumao.

 

Ayon kay Roberto Canessa na isang survivor sa nasabing plane crash, pakiramdam nya kinakain nya ang kaluluwa ng mga yumao at habang ginagawa nya ito ay nandidira sya.

 

Ayan ang dahilan mga boss kung bakit hindi natin kinakain ang ating kapwa tao. Ang cannibalism ay mas napapangibabawan ng ating pakiramdam na pagkadiri at pagiisip na ito ay mali.

 

Ang susunod na tanong, kung nandidiri tayo sa laman ng tao bakit hindi ganito ang pakiramdam natin sa mga hayop? Ayon kay William Irvine na isang philospher, jinujustify natin ang pagpatay ng hayop dahil ang mga ito ay hindi kayang magsalita, hindi kaya magprotesta at walang kakyahang makapagisip.

 

Ang mga Fore People na naninirahan sa papua new guinea ay ginagawa ang funrary cannibalism. Naniniwala sila na mas mabuti pang kainin ang mgahal nila sa buhay kaysa mabulok ito at kainin ng mga uuod at bulate.

 

Kayo, given the fact na isa itong tradition, i mean ung pagkain ng patay sa isang yumao, would you do it?

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nakakabobo ba ang pagcecellphone

Patuloy ba ang pagadvance ng computer – Moores Law