Bakit hindi nababasa ang dahon ng gabi?

Reading Time: 9 minutes

Topics

Ano itong malaking dahon na nakikita mo sa likod ng inyong bakuran o hindi naman ay tanim ng iyong lolo o lola. Malamang ay nagtataka ka kung ang malaking dahon na ito ay hindi nababasa at dinadaanan lamang ng isang tubig. Lalo na sa mga nakaranas tumira sa probinsiya panigurado dumating kayo sa punto na binabasa nyo ng binabasa ang dahon nga gabi at ikaw tong bulilit, manghang mangha sa pagdaloy ng tubig sa dahon at may pagkakataon pa na hahawakan mo kung talagang hindi ba nabasa.

Pero ang tanong bakit nga ba hindi ito nababasa? Ang tanong na ito ay mula kay moonarctv at ito ang askbulalord.

Taro Leaf:

Kung para sa mga taga Pilipinas, ang halaman na ito ay tinatawag na Gabi. Hindi gabi na madilim, ngunit gabi na kulay berde. Ito ay isang Taro leaves, para sa mga hindi nakakaalam; ito ay yung malaking dahon na hugis puso na nakatubo sa inyong bakuran o nakikita nyo sa mga daanan. Ito ay maaring tumubo sa kahit anong panahon, tag-lamig, tag-ulan at maging tag-init.

Ayon sa pag-aaral patungkol sa halaman na ito, ang totoong tawag dito ay Colocasia esculenta na kasama sa pamilya ng tinatawag na Araceae family. Nakapaloob sa halaman na ito ang iba’t ibang sustansya na makakatulong sa iyong katawan. Mula sa dahon na ito ay makakakuha ng ascorbic acid at mga dietary fiber, mayroon din itong thiamin, riboflavin, iron, phosphorus, zinc, vitamin B6, vitamin C, niacin, potassium, copper, at manganese.
Kung hindi mo man ito kailangan sa ngayon, huwag kang mag-aala dahil hindi ito madaling malanta. Ayon sa research, ang buhay ng halaman na ito ay umaabot ng dalawang taon.

Ang halaman na ito ay lumalaki nang halos two meters at kilala din mula sa mga panagalan na Luau, Kalo, Malanga, Elephant’s Ear, Keladi, Alu, Taloes, at Dasheen. Ayon sa pag-aaral, ang halaman na ito ay mayroong halos walongpu’t pitong kapatid na makikita sa iba’t ibang lugar.

Ang isang Taro Leaf ay normal na mahahanap sa mga bansa ng Southeast Asia at matagal nang ginagamit upang magamit sa iba’t ibang bagay mula pa noong 5000BCE. Dahil dito, ito ay nadala na din sa iba pang parte ng mundo at nakilala noong unang panahon sa lugar ng Egytp, Greece, Rome at China. Ayon sa history, mula noong tinirahan ng mga Polynesians ang lugar ng Samoa, dinala nila ang Taro leaves sa lugar ng Hawaii at sa lugar ng New Zealand. Mula naman noong makilala ito ng mga Espanyol, ang malaking halaman ay dinala at ipinakilala nila sa bansa ng America.

Dahil dito, ang Taro leaves ay kilala na sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang mga ito ay ibinibenta sa mga palengke at bilihan ng gulay sa mga bansa katulad ng Asia,Southeast Asia, Polynesia, the Cook Islands, sa Caribbean, at sa tropical Africa.

Para sa iba ay nagagamit nila ito bilang isang mahalagang sangkap sa mga pagkain na kanilang lulutuin.Ang dahon na ito ay kilala na din bilang isang kuhaan ng gamot para sa ilang klase ng sakit o karamdaman.

Waterproof:

So, bakit nga ba hindi nababasa ang malaking halaman na ito?

Ayon sa science20, ang dahon ng isang halaman ay isang photosynthetic organs na kung saan ang tanging trabaho ng mga ito ay kumuha at mag-imbak ng energy na mula sa liwanag ng araw. Mula sa liwanag ng araw, ito ang magsisilbing gamit upang ang carbon dioxide at isang tubig ay maging isang carbohydrates.

Ang isang halaman ay kailangang kumuha ng sapat na tubig at sapat na enerhiya upang magawa ang mga bagay na ito. Ngunit ayon sa ilang pag-aaral, dahil sa pagkuha ng carbon dioxide ang tubig sa halaman ay natural na maglalabas ng tubig. Dahil dito, ang ilang uri ng halaman ay nakagawa ng paraan upang malunasan ang bagay na ito. Nakagawa ng isang waterproof cuticle upang makontrol ang mga carbon dioxide na mapigilan ang pagbubukas ng stomata pagpapalabas ng tubig nito.

Ayon sa pag-aaral, ang kakayahan ng isang Taro Leaf na hindi mabasa mula sa isang tubig ay dahil sa mala kandila nitong spikes na mahahawakan sa ibabaw ng dahon nito. Dahil dito, nagagawa nang halaman na ito na matuyo at nanatiling tuyo sa tuwing umuulan o di naman sa tuwing ito ay iyong dinidiligan.

Ayon sa Science.Ph ito ay isang phenomenon na tinatawag na “Lotus effect” dahil ang bagay na ito ay nagagawa din ng dahon ng Lotus. Ayon sa mga eksperto, ang bagay na ito ay nagagawa din ng mga ibon at mga insekto sa tuwing umuulan.

Kung minsan ay napapansin mo na hindi nababasa ang pakpak ng mga ibon sa tuwing lumilipad ito sa panahon ng tag-ulan, maging ang isang paro-paro. Ito ay kapareha lamang ng kakayahan ng isang Taro leaf.

Other Plant:

Tulad nga nang nasabi ko kanina, ang Lotus ay isa din sa mga halaman na hindi nababasa. Nariyan ang dahon ng mga Nasturtium flower. Ayon din sa ilang research, isang gubat na tinatawag na tropical montane forests ay mayroong mga puno at halaman na hindi nababasa.

Mimicking nature:

Dahil sa sobrang advance na nang teknolohiya sa panahon ngayon, halos lahat ng bagay ay hindi na imposible.Ilang mga pag-aaral at mga eksperimento na ang nagawa upang magaya ang kakayahan ng mga halaman na ito.

Ang mga tao ay nakagawa ng nang mga bagay na hindi madaling mabasa ng isang napaka daming tubig.Ayon sa science.ph, isang grupo ng mga chemist na mula sa Philippine Textile Research Institute ang nakagawa ng isang sapin o isang tela ng hindi basta basta nababasa.

Gamit ang nanoparticles ng isang silver, ito ay isinama nila sa isang silicone oxide solution bago ito ipatong at ilagay sa isang tela. Mula sa pinagsamang bagay na ito, mabubuo sa isang tela ang ilang buhok o spikes na tulad ng isang taro leaf at nakagawa sila ng isang waterproof na tela.

Gamit ang nanoparticles ng isang silver, ito ay ginagamit din sa iba pang bagay tulad ng mga kumot, unan, mga punda at iba pangbagay na hindi madaling mabasa.

Mula naman sa isang dahon ng Taro, nakagawa ang ilang eksperto ng mga lalagyan at mga bagay upang magamit upang maitabi at mapaprotektahan ang isang bagay.

Isang grupo naman ng mga eksperto ang sinubukang makagawa ng isang hydrophobic paper o isang papel na hindi mababasa gamit ang isang taro leaf, at isang chitin na mula sa shell ng isang alimango.

Ang bagay tulad ng kapote, payong, at ilang mga plastic ay nagawa na nang mga tao upang hindi mabilis na Mabasa at maprotekhan ang sarili sa isnag tubig.

Sana ay nasagot naming ang iyong tanong boss moonarctv. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  • https://www.specialtyproduce.com/produce/Taro_Leaves_3409.php
  • http://www.science.ph/full_story.php?type=News&key=10379:mimicking-natures-waterproof-technology
  • https://www.science20.com/tropical_ecology_notes/waterproofing_plant_leaves
  • http://www.science.ph/full_story.php?type=News&key=10379:mimicking-natures-waterproof-technology
  • http://ijrp.org/paper-detail/611

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

ang misteryo ng elisa lam sa dark water movies

ANO ANG SILBI NG ATING NUNAL SA KATAWAN