LoveLove CryCry OMGOMG

Bakit gustong gusto ng insekto ang liwanag

Reading Time: 4 minutes

Isang gabi nagbrownout at lumabas ka. Maya maya pa biglang nagkailaw at nakita mo ang mgainsekto ay unti unting nagliparan sa ilaw. Anong meron sa ilaw na to? O more specifically, anong meron sa mga insekto bakit sila naaatrract sa mga ilaw?

 

Karaniwan mga moths ang nakikita nating umiikot dito, ito mga boss ung parang paru paro pero iba sila ha. Mukha lang silang paru paro pero iba po ang paru paro sa moths. Pero alam nyo ba mga boss na mayroong mga theory patungkol sa paguugali ng mga ito?

 

Ito ang fast 5 kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

 

Hindi naman lahat ng insekto ay attracted sa maliliwanag na bagay. Para sa ating mga tao, ang liwanag ay parang isang emergency beacon na kapag nasa isang madilim kang lugar, agad kang pupunta dito dahil pakiramdam mo mas safe ka dito. Pag nagstay ka, mas delikado kaya mas pupunta ka sa liwanag. Ganito din kaya ang mga insekto?

 

Isang popular na theorya ay ginagamit daw ito ng mga insekto bilang navigational aid. Halimbawa, ang isang insekto na lumlipad papuntang norte ay nalalaman nito ang direksyon base sa natural light source kagaya ng araw o buwan na nasa kanan nito. Subalit kapag ang insekto ay nakakita ng mas maliwanag na bagay halimbawa, ang mga ilaw sa bahay, o ilaw ng mga poste, ang mga insektong ito ay malilito at sila ay iikot ng iikot sa liwanag dahil sinusundan nito ang liwanag sa kanan.

 

Kagaya nga ng sinabi ko kanina may mga insekto na attracted sa liwanag at mayroong hindi. Ang phehnomenon na ito ay tinatawag na phototaxis. Ang mga insekto kagaya ng mga ipis o bulate ay mayroong negative phototaxis, ibig sabihin hindi sila tinatablan ng mga maliliwanag na bagay o hindi sila naattract dito. Habag ang ibang mga insekto kagaya nga ng mga gamu gamo at mga moths ay mayroong postive phototaxis kung saan naattract ang nga ito sa mas maliwanag na bagay.

 

Hanggang ngayon pinagaralan a rin ito kung bakit ang mga positive phototaxis insects ay naatract sa artificial light kagaya ng mga bumbilya kahit na ang natural light source ay available kagaya ng buwan. May ibang naniniwala na hindi talaga naatract ang mga insekto sa liwanag bagkus sa madidilim na kapaligiran na nakapaligid dito. Habang ang iba naman naniniwala na ang insekto ay mayroong multiple lenses at hindi ito basta basta makapag adjust agad mula sa liwanag at sa dilim kaya mas pinipili ng mga ito na magpaikot ikot na lang sa liwanag kesa pumunta sa madilim na lugar na walang kasiguraduhan na baka may nag-aantay sa kanila o hindi naman kaya mabunggo o matrap sila.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Malalang sakit dahil sa pagtawa

Bakit tumutulo ang ating laway pag natutulog?