Bakit di nakukuryente ang ibon sa poste?

Reading Time: 5 minutes

Magmula noong bata pa tayo, alam na natin na maari tayong makuryente kung tayo ay madidikit sa kable ng isang poste yan ang tinanim sa atin ng ating mga magulang. Yung tipong sasabihin sayo na wag kang didikit o hahawak sa kable ng poste kasi makukuryenta ka. Just to be clear, hindi nakakakuryente ang poste, ang nakakakuryente ay ang mga livewire na nakalagay sa poste.
Malamang ay alam mo na din kung ano ba ang mangyayari kung sakaling ang bahagi ng katawan mo ay dumikit sa isang live wire. Mula noong ikaw ay bata pa, laman na ng iyong isipan ang mga utos at mga pagpapa-alala ng iyong mga magulang patungkol sa kuryente.

Tulad na lamang na huwag hawakan ang pinakasaksakan ng isang bagay kung ito man ay isasaksak. Iiwas ang tubig sa kahit anong bagay na pinagmumulan ng kuryente. Huwag basta-basta hahawak sa isang bagay na alam mong dinadaluyan ng isang kuryente; at maraming pang iba.

Malamang ilang beses ka na din nakaramdam ng Ground sa iyong katawan, ito ay dahil hindi mo napansin na dumikit ang isang parte ng iyong katawan sa isang makuryenteng bagay. Dahil dito ay naging maingat kana.

Habang ikaw ay naglalakad, mapapatingala kana lamang at mapapansin na madami ibon ang nakatambay sa iisang lugar. Hindi lamang ito basta-bastang lugar, ngunit sa itaas at sa mismong kable ng daanan ng kuryente. Dito, mapapansin mo din na bakit hindi nakukuryente ang mga ibon na ito. 

Kung iinisip mong mayroong kapanyarihan ang mga ito, itigil mo na iyan. Dahil ito ay mayroong paliwanag, alamin natin kung ano ba ang dahilan kung bakit immune ang mga ibon sa isang kuryente na dala ng isang poste.

Alam naman natin na ang isang kuryente ay gumagalaw base sa movement ng electrons through conductors. So, ang copper wire na nakapaloob sa eletrical wires ang nagsisilbing daanan ng kuryente. Gamit ang isang copper wire, ang kuryente ay malayang nakakadaan at nakakapagtravel mula sa pinagmumulan neto.

Pero, bakit hindi nakukuryente ang isang ibon? Ayon sa research, kung ang isang ibon ay dadapo sa isang wire na nakakabit sa isang kuryente , hindi ito mangingisay na kadalasan na nangyayari sa kahit sinong madikit dito. Hindi din ito masusunog at magiging Fried Bird.

Kung pag-aaralan ang isang ibon, malalaman na ang mga ito ay hindi nagtataglay ng kahit anong electrons sa kanilang katawan. Mula sa kanilang cells at maging sa kanilang tissues. Dahil dito, ang isang kuryente ay dadaan lamang sa isang ibon na nakaupo sa isang kable ng kuryente.

Kung gusto mo pa ng isang paliwanag, ito bibigyan pa kita.

Ayon sa research, isa pa sa dahilan kung bakit hindi nakukuryente ang mga ito ay dahil ang kanilang paa ay nakadapo lamang sa iisang wire. Dahil hindi naman nakadikit sa ibang bagay ang isang ibon, walang reaksyon ang magaganap sa kanilang katawan. Upang ang isang kuryente ay kumalat sa katawan o isang bagay, nangangailan ng magkaibang electric potential.

Halimbawa na lamang, ang isang wire ay mayroong dalang kuryente na halos 35,000 volts. Dahil ang isang wire na ito ay walang ibang boltahe sa kanyang dinadaanan, patuloy lamang ang kanyang pagdaloy at makakapunta sa kanyang paroroonan. So, kung ang isang ibon ay dumapo dito parehas lamang ang kuryente na dadaan sa katawan ng ibon at dahil dito steady lamang ito at chill sa kanyang pagtambay sa taas ng kuryente.

Hindi naman sa hindi na talaga tatablan ng kuryente ang isang ibon. Maari pa din itong mamatay o matutusta kung ang isang katawan nito ay nakadikit sa ibang bagay na dinadaanan din ng ibang kuryente. Dahil nga magkaiba na ang dadaloy sa kanyang katawan, magkakaroon na ito ng rekasyon at paniguradong mangingisay ito at mamatay sa loob ng isang segundo.

Ang isang tao ay madaling makuryente ay dahil ang katawan natin ay puno ng iba’t ibang electrical charge na mula sa mga hinahawakan nating mga bagay. Mula sa cellphone at sa iba pang bagay na ating ginagamit kaya madalas at mabilis tayong makukuryente kumpara sa ibang hayop kagaya ng ibon.

Nalaman natin na walang kahit anong super powers ang mga ibon. Sadyang ang kanilang paa ay nakatapak lamang sa iisang kable kaya sila ay buhay na buhay matapos tumambay sa itaas ng isang kable. Now you know kung ano ang isasagot ninyo sa kaklase ninyo at mga anak kung sakaling tanungin nila sa inyo ito.

 

Sources

Sources

  • https://www.wonderopolis.org/wonder/do-birds-get-shocked-when-they-sit-on-wires

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pagkakapareho at pagkakaiba ng bacteria sa virus

Kung MATH ay universal, Paano at Kailan Ito Natuklasan?