Bakit blue ang rarest color sa mundo?

Reading Time: 15 minutes

Topics

Blue o asul, ito ang makikitang kulay ng dagat, ito din ang kulay ng kalangitan.
Kung minsan ay mapapansin mo na ang ilang tao ay mayroong kulay asul na mata.
Pero bukod sa isang dagat at sa himpapawid, Ano pa bang nilalang o natural na bagay ang nakitaan mo ng kulay na asul?

Ayon sa mga eksperto, ang kulay na ito ang pinaka mahirap hanapin sa buong mundo. Pinaka mahirap itong hanapin ngunit halos lahat ng tao sa mundo ay hinahanap at gusto ito.
Hindi ito makikita ng basta-basta na kulay ng isang hayop, isang bato, isang halaman at iba sa iba pang natural na bagay na hindi ginawa ng isang tao.

So, ang malaking tanong ay bakit? Bakit ang hirap hanapin ng kulay na ito.

Pero bulalord hindi ba merong mga asul na ibon at iba pang hayop, pinagloloko mo naman ata kami eh. Relaks lang, violent reaction ka naman agad eh. Matapos mo kayang panoorin ang video na ito, magiiba kaya ang tingin mo sa kulay asul? Baka sabihin mo favorite color mo na ang blue kasi rarest color ito.

Rare:

Ayon sa ilang research, ang mga nakikita nating kulay asul tulad ng isang pakpak ng paro-apro, isang ibon, kulay ng isang unggoy ay hindi naman talaga ganito ang kanilang kulay. Ayon sa mga eksperto, ang mga nakikikta nating kulay sa mga hayop ay isa lamang pigments, o isang colored chemicals na mula sa kinakain ng mga ito.

Ayon sa pag-aaral, ang isang pigments ay nagagamit sa iba’t ibang bagay. Mga bagay tulad nang pagpapalakas sa pakpak ng isang ibon o isang paro-paro, at makakatulong din ito upang maprotektahan ang balat ng tao mula sa sinag ng araw.

Ayon sa ilang research, ang pigments ang nagsisilbing bagay upang ang isang hayaop ay magkaroon ng sariling kulay. Mula sa mga natural at kinalakihan na kainin ng isang hayop, halaman man ito o ano pang kanyang kinakain. Ang kulay ng kanilang pagkain ay kanilang madadigest at maabsorb dahilan upang lumabas ito sa kanilang balat o balahibo.

Isang magandang paliwanag ang isang Flamingo. Ang isang bagong labas na Flamingo ay nagdadala ng kulay na abo, ngunit kung ito ay makikita mo sa tamang edad ang kulay nito ay magiging rosas o pink. Papanong nagbago ang kulay nito, yan ang susunod na tanong na bumabagabag sa iyong isipan, sasabihin mo sympre, dahil sa kanilang mga balahibo, well, bakit hindi kulay abo ang balahibo nila, bakit nagging kulay pink? Seret na?
Well, dahil ito sa kanilang kinakain na mayroong Carotenoids. Ang bagay na ito ang nagbibigay ng kulay sa isang halaman o isang gulay, halimbawa ang kulay ng isang carrots na kulay orange, at ilang kulay na nagaganap sa mga dahon sa tuwing ito ay natutuyo dahil sa sobrang sikat ng araw.

Mabalik tayo sa kulay ng isang Flamingo, ang natural na kinakain ng mga hayop na ito ay mga crabs, mga hipon at mga lumot dahilan upang ang kulay ng mga nito ay magsama-sama at makapagpalabas ng kulay pink sa katawan nito. Ang ilang ibon katulad ng isang Robin at Cardinal na kumakain ng berries na syang dahilan upang maging kulay pula ang mga ito, ang mga koi fish na nagiging orange dahil sa sobrang pagkain ng mga lumot.

You see the point here? Lahat sila hindi ganunon ang kanilang totoong kulay. That is the power of pigment.

So, mapunta tayo sa kulay blue. Ayon sa pag-aaral, ang mga hayop na mayroong kulay asul na balat ay hindi mula sa isang pigment. Ito ay mula lamang sa sikat na nagagawa ng araw. Mula sa ilang structure ng kanilang katawan na tinatamaang liwanag ng araw na nagiging dahilan upang makita natin ang mga kulay na ito.

Kung maghahanap ka ng kahit anong natural at hindi dahil sa araw o sa kahit anong liwanag para maging dahilan upang maging asul ang isang hayop o ang isang bato ay mahihirapan kang makakita. Kahit ang tinatawag na Blue whale ay hindi naman talaga kulay blue, ang ating dagat na hindi naman talaga kulay asul, that’s a fact. Maging ang kulay asul na mata ng isang tao ay dahil lamang din sa structure na mayroon ang mata nito at dahil na din sa nakukuha nitong liwanag.

Lahat ito ay gawa ng liwanag. Iilan lamang bagay ang nahanap at nakita ng mga eksperto na nakagawa ng isang totoong kulay blue kahit lagyan ito ng kahit anong chemical ay hindi magababago ang kulay na dala nito.

So ang susunod na tanong mo malamang ay ano ano ang mga ito, we have establish the fact na ang asul at iba pang mga kulay na nakikita natin ay dahil sa pigment o hindi naman kaya dahil sa liwanag o spectrum ng ating haring araw.

So, ano ang ilang bagay o hayop ang makikitaan natin ng totoong kulay na asul?

Unahin muna natin ang bato, hindi bato na shabu ha, baka matokhang tayo ditto, literal na bato ang tinutukoy ko. Nariyan ang ilang blue rock na hindi basta-basta mabibili noong unang panahon. Ito ang tinatawag na lapis lazuli na unang natuklasan at nahukay ng mga taga ehipto. Malamang pamilyar sa mga gamers ang lapis lazuli lalo na sa mga nakapaglaro ng Valkyrie profile. Isa itong bato na pinaniniwalaang nakakapagbigay ng kahilingan well sa game na yun at to be exact tinatawag un sa game na cerulean lapis lazuli, well lumalayo na tayo.

Pumunta naman tayo sa hayop, ang nag-iisang hayop na nakitaan ng Blue pigment, ito ay ang paro-paro na tinatawag na Olivewings. Ayon sa mga eksperto, ang paro-parong ito ay nag-evolve na mayroon nang natural na kulay asul sa katawan.

Patuloy pa din ang pag-aaral ng mga eksperto kung paano ito nagagawa ng paro-paro.

Ang mga bagay na iyong nakikikit katulad na lamang ng mga asul na halaman, bulaklak at kung minsan kapag may takdang aralin ka, magsesearch ka ng mga hayop o insekto na kulay asul ay mapapansin mong madami kang makikita sa googlesearch.

Pero ang mga ito ay nagmula sa ibang kulay ngunit nakakapaglabas lamang ng kulay na asul. Magulo ba? halimbawa na lamang ang isang halaman, ayon sa research ito ay gumagamit nang tinatawag na kulay pulang pigment na ang tawag ay “Anthocyanin” upang makapaglabas ng kulay na asul.

Pero bulalord hindi ba sabi mo kulay pula, papaanong naging asul ang kulay pula I hear you ask.

Ang mga halaman kasi ay mga pintor din, marunong silang magmix, hindi joke lang, pero seriously, Sa pagpapalabas ng Anthocyanin ng isang halaman, maihahalaho niya ito sa iba pang pigments o hindi naman ay mga maliliit na molecule hanggang sa mapalabas niya nag kulay na asul.

Isama na natin ang isang blueberries, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto ito ay hindi asul ngunity ito ay deep purle na mula sa isang purple Anthocyanin.

Bago tayo magpatuloy, nagsubscribe ka na ba? Kung hindi pa, well ano pang hinihintay mo at ihit mo na din ang bell notification para lagi kang updated. Madaming magagandang topics tayong ididiscuss ditto sa channel na tyak kapupulutan nyo ng aral.

Seeing:

Ayon sa mga ekpserto, ang lahat ng natural na liwanag na ating nakikita ay mula sa isang electromagnetic energy. Ang isang electromagnetic magnetic energy ay nagpapalabas ng mga waves dumadaan sa isang spectrum o mga kulay tulad na lamang ng isang rainbow na kung minsan ay mayroong mahaba at maikling wavelenghts.

Kung ang isang wavelenghts ay tumama sa isang spectrum, ito ay magbibigay ng kulay sa isang bagay o hindi naman sa isang hayop o sa mga halaman. Ang tinatawag na color receptors o ang retina ng ating mata ay mayroong tatlong receptors para sa mga colored lights. Ang tatlong receptors na ito ay para sa tatlong kulay na red, green at blue.

Dahil sa mga ito, nakakakita tayo ng madaming kulay sa ating paligid.

Ayon nga sa isang eksperto patungkol sa paro-paro na si Antonia Monteiro

“Everywhere you look, organisms have been inventing different solutions to creating the same color,”

Disease:

Ayon sa ilang balita, ang isang tao ay mayroong kakayahan magpalit ng kulay base sa kanyang kinakain. Halimbawa na lamang ang ilang tao na sobra kung kumain ng carrots na mayaman sa carotenoids, magagawa nitong maging kulay kahel ang balat ng isang tao.

Ayon sa mga pag-aaral, ang kulay ng balat ng isang tao ay nagbabago sa loob ng kada anim na linggo sa tuwang napapadami ang pagkain nito ng isang gulay o isang prutas. Ang pagpapalit ng kulay ng isang tao mula sa mga gulay na kanyang kinain ay dahil sa wavelenghts na tumatama upang makagawa ng isang pigment.

Kung minsan ay makakakita ka ng isang taong naninilaw, medyo orange ngunit bakit walang kulay asul?
Kung nais mo, well kung nais mo lanag naman na magkaroon ng kaunting blue sa iyong katawan nariyan ang sakit na tinatawag na Peripheral Cyanosis at ang Argyria. Pero sino ba naman ang gustong maging isang smurf diba?

Peripheral Cyanosis:

Ayon sa research, ang sakit na ito ay paglalabas ng kulay asul sa balat ng isang tao at sa mucous membranes nito. Ang sakit na ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng kulay asul na makikita sa mga daliri ng paa o sa daliri ng kamay. Ang bagay na ito ay nakukuha dahil sa mababang oxygen level na nakukuha ng red blood cells. Kung mababa ang oxygen level at kakaunti ang normal na kulay ng dugo natin na kulay pula, ito ay mas pupula pa at makikita ntin ito ng kulay asul sa balat ng isang tao.

Kung minsan ay dahil na din ito sa lamig ng temperatura na nagiging dahilan upang ang ang blood vessel ng isang tao ay lumiit at magdikit-dikit, ito ay makakapag pakita ng kulay asul sa katawan, ngunit kung ito ay imamamassage, ito ay babalik din sa dating kulay.

Dahil sa pagsusuot nang ilang bagay na masisikip, ang dugo at ang oxygen na pumapasok at dumadaloy sa ating katawan ay nahihirapan dahilan upang mga ito ay magkaroon ng komplikasyon.

Kung ito man ay hindi nadaan sa simpleng paraan upang mawala ang pagka-asul, kailangan na itong bigyan ng sapat na atensyon at dahil na sa isang ospital.

Kung ang isang tao na nakakaranas nito ay nakakadama din ng ilang hirap sa paghinga, pagsakit ng ulo, pananakit ng dibdib, pagpapawis, pagmamanhid ng braso, paa, kamay mga daliri ay masasabi na ito ay malala na.

Kung ito ay madadala kaagad sa mga doktor, maari itong mabigyan ng sapat at tamang gamot upang ang kulay at ang katawan ay bumalik sa normal.

Argyria:

Kung gusto mo naman maging katulad ni Beast na isang character sa X-men o ung smurf na kulay asul ang buong katawan nito, possible naman, hindi mo kailangang maglagay ng pintura. Pero isa itong medical condition na tinatawag na Argyria.

Isa itong rare skin condition, na kung saang ang buong katawan kasama na ang internal organs, at mga mata ay nagkakaroon ng blue gray color. Hindi lamang ito panandalian ngunit isa itong pang-habambuhay na kondisyon.

Mula sa pagsisimulang pag-iba ng kulay ng iyong bibig at gilagid na makikitaan ng kulay gray-brown, ang balat sa katawan ay magsisimula na din magpalit ng kulay.

Ngunit paano ito nakukuha?

Sympre ang susunod na tanong ay, isa ba itong inborn medical condition o nakukuha ito. Well, nakukuha ito. Dahil sa silver particle na nakukuha ng isang tao sa mga ginagamit nitong dietary supplements, maging sa eydrops o hindi naman kaya ay mga nose spray; na kung saan kapag nalanghap at pumasok sa iyong katawan, sisirain nito ang acid na makikita sa bituka ng isang tao. Dahil dito, ang acid na ito ay magiging silver salt na dadaloy sa dugo dahilan upang magbago na ang kulay ng balat ng isang tao. Kung ito ay natamaan ng sinag ng araw, ang silver na kulay ay magpapakita ng kulay asul na kulay sa ating balat.

Dahil sa pang-habambuhay ang kondisyon na ito, hindi na ito magagamot. Ngunit ayon sa mga eksperto ay maaring gumamit ng sunscreen upang mapigilan ang patuloy ng pagkakablue ng balat. Ang pag-gamit din ng halos 5 percent na hydroquinone ay makakatulong upang mabawasan ang kulay na naibibigay nito.

Ang kulay na ito ay isang espesyal na kulay na hindi basta-basta lumalabas sa isang bagay o sa isang tao.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss Super Cute. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Nagandahan ba kayo sa topic natin today? Kung ganun, baka pwede namang pakihit ang like para naman mainspire pa kaming gumawa ng mahahabang content.

Bago tayo magtapos wag mong kalimutang magsubscribe at iturn on mo na din ang bell notification para lagi ka naming kasama sa live chat. Tandaan na kung gusto mo ng bulalo na hitik sa impormasyon, hanapin mo lang si bulalord.. Maraming Salamat sa inyong panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.healthline.com/health/peripheral-cyanosis#treatment
  2. https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/argyria-overview#1
  3. https://www.npr.org/sections/thesalt/2012/03/07/148148858/the-secret-to-glowing-yellow-skin-eat-your-fruits-and-veggies
  4. https://www.npr.org/sections/health-shots/2014/11/12/347736896/how-animals-hacked-the-rainbow-and-got-stumped-on-blue
  5. https://www.juliannarae.com/blog/the-science-of-being-blue-the-rarest-of-natural-colors
  6. https://www.scienceabc.com/nature/why-is-blue-difficult-to-find-in-nature.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Fermi Paradox

Totoo ba ang napakalaking pyramid sa Bosnian? O isa lang itong natural landscape?