Bakit Blackboard? Bakit hindi Greenboard?

Reading Time: 3 minutes

Para sa mga katulad ko, malamang naabutan nyo pa ang blackboard na kulay green, mostly kasi ngayon whiteboard na. Bibihira na lang ang eskwelahan na mayroong blackboard. Pero teka, diba kulay green? Bakit ang tawag black board hindi ba dapat greenboard ito? Ang tanong na ito ay mula kay Jerwin Rubinas.

 

Ang blackboard ay kadalasan ding tinatawag na chalkboard well dahil chalk ang ginagamit. Long long time ago ang mga chalkboards ay kulay itim talaga kaya sila tinawag na blackboard. Answered question, napakasimple. End credits na….

 

Well, sympre kailangan ng more explanation pa. Bago pa magkaroon ng classroom, ang mga estyudyante ng sinaunang babylonia at sumeria ay sinusulat ang kanilang napag-aralan sa tablet gamit ang stylus.

 

Nuong 18th century, ang mga estyudyante sa europe at america ay may kanya-kanyang slates o piraso ng kahoy na mayroong kulay. Ibig sabihin, ang mga guro ay kinakailangang pumunta sa bawat estyudyante kada matatapos ang klase para sa mga takdang aralin nito. Napakaincovenient kung tutuusin.

 

Ang papel at tinta nuon ay mahal pa pero ang mga semento at kahoy ay mura kaya naman ito ang nakitang option para makagawa ng isang board.

 

Nuong 1801 si James Pillans na headmaster at geography teacher ng old high school sa edinburgh scotland ay nagimbento ng kauna-unahang modernong blackboard at ito ay sinabit nya sa pader ng kanyang classroom.

 

Sa America naman ang unang wall mounted blackboard ay mula sa west point sa classroom ng instructior na si George Baron.

 

Ang mga ibang eskwelahan ay agad na nagadopt sa pagbabago. At nuong middle 19th century, halos lahat ng silid aralan sa amerca ay may blackboard na.

 

Ang blackboard ay ginamit hanggang 1960 at dito na nga napakilala ang greenboard. Ang greenpard ay mayroong steelplate at nababalutan ng porcelain based enamel.

 

Improvement ito kumpara sa naunang bersyon dahil ang chalk poweder na giangamit pang sulat ay walang bakas kapag binubura, hindi katulad sa blackboard na nakikita ang mga bakas nito. Isa pa mas maaliwalas sa mata natin ang kulay berde.

 

From blackboard, pinangalanan itong chalkboard dahil nga hindi na kulay black ang mga board, bagkus uito ay green na. By the year 1980 ang whitebard ay naging common na sa mga eskwelahan at by the year mid 1990’s karamihan sa mga eskwelahan ay ginagamit na ito espercially sa mga kolehiyo.

 

Sa panahon natin ngayon unti unti nang nag shishift ang mga eskwelahan sa whiteboards dahil mas kakaunti ang alikabok na napproduce nito, in fact wala dahil hindi na gumagamit ng chalk.

 

At iyan ang dahilan kung bakit green ang black board. Sooner or later ang mga chalkboard ay mapapalitan na at hindi na natin sila makikita pa.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit may mga taong second options ka lang?

Bakit po pag nakapula ay birthday daw?