Bakit bawal ang chocolate sa mga aso?

Reading Time: 3 minutes

Sabi ng iba wag daw pakiinin ng chocolate ang aso dahil nakakamatay daw habang ang iba naman sinasabi na okay lang basta wag lang marami. Regardless, alam natin na makakasama ang chocolate sa aso pero bakit nga ba?

Mga boss ito ang fast 5 kung saan dinidiscuss natin ang mga topic ng mabilisan under 5 mins. Pure info wala ng paligoy ligoy pa.

Ang chocolate ay toxic hindi lang sa aso pati na rin sa iba pang mga hayop dahil ito ay may alkaloid chemical, ang methylxanthines more specifically theobromine at caffeine. Ang dalawang ito ay nagsstimulate ng nervous at cardiovascular system. Kaya kapag uminom ng kape mas nagiging gising ka at pag kumain ng chocolate mas nagiging hyper. Para sa ating mga tao okay lang ang mga kemikal na ito dahil mas mabilis ang metabolismo sa atin pero iba sa hayop, dahil mas mbagal ito. Kaya ang effect ay mas matagal.

Kapag ang isang aso ay kumain ng madaming theobromine at caffeine, ito ay makakaranas ng pagtatae, pagsusuka, muscle spasms, paghingal, hyperactive, pangingisay at pagkahirap sa pagkahinga at ito ay posibleng ikamatay ng aso.

Ang keyword duon boss ay “madami” so when we say madami, how much is too much? well depend sa laki ng aso yan at sa klase ng chocolate. I will not delve into it further kasi you should not feed your dog chocolate.

Sabihin na nating may kolokoy kang kabarkada at pinakain si bantay ng madaming chocolate. In this case wala ka ng magagawa pa kundi dalhin ang alaga mo sa pinakamalapit na veterinary clinic. Pero ano nga ba ang mga first aid na pwede mong gawin kung sakaling malayo pa ang clinic, ay pasukahin ang iyong aso, hindi ung tutusukin mo ang lalamunan ha. In the meantime, kailangan mo itong pakainin ng asin, sympre ung teaspon lang baka naman ingudngod mo sa aso mo ang isang buong iodized salt, kawawa naman.

Kapag nadala na sa vet bibigyan ito ng gamot na magbibind sa mga toxins at ito ang magpapasuka kay bantay. Ang mga pusa ay susceptible din dito lalo nat maliit sila at kakaunting chocolate lang tepok agad ang mga yan. Pero ang piangkaiba nila sa aso ay wala silang taste receptors na nakakapickup ng matatamis kaya kadalasan binabalewala lang nila ito.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo na LSS?

Bakit ang mantsa ng kape maitim sa gilid nito?