Bakit ba nalolobat ang cellphone?

Bakit ba nalolobat ang cellphone ?

Ang cellphone ay isang kagamitan na atin ng ginagamit sa pang araw-araw. Ito ay isang paraan upang mabilis nating maka-usap  o nakaka usap ang ibang tao. Kahit saan ka lumingon ay mayroon kang tao na gumagamit neto.

Pero bakit nalolowbat ito ?

So para magamit mo ang cellphone , kailangan mo ng battery o baterya.

Battery

Ang battery ay isang gamit o device kung saan  nagpoproduce ng electron galing sa electrochemical reactions na mayroong positive (+) at negative(-) Terminals.

Electrochemical reaction

ang electrochemical reaction ay ang dahilan o kasama sa dahilan ng proseso sa pagbibigay daan sa electric current na kadalasan ay kailangan sa paglipat ng electron sa dalawang substance. Isang solid at isang liquid.

Ang battery ay naglalaman ng isa o higit pang electrochemical cells, na nagiging imbakan ng chemical energy papunta sa electrical energy.

Kapag ang external load ay naka connect sa isang baterya , nag cocross ang electron  mula sa negative papunta sa positive terminal na na nagiging dahilan para makabuo ng electrical current.

Ang current na ito ay pwedeng magpagana ng kahit anong electronics device. Tulad nalang ng computer , cellpone , motor , o isang orasan.

Ang battery ay mayroong iba’t ibang size o laki, mula sa miniature cells na kung saan makikita natin na ginagamit na baterya ng isang wrist watch, power hearing devices hanggang sa isang size room battery na ginagamit para magbigay ng ng standby power para sa data centers at telephone exhanges.

Sinasabi na mag primary at secondary batteries.

Ang primary ay ang mga desposal battery na kung saan ginawa ito para gamitin lamang ng isang beses,dahil ang chemical reaction na mayroon ang primary battery ay hindi na mababago at ang mg active materials na mayroon ito ay hindi na maibabalik sa dati once  na ginamit na.

Ang mga ganitong battery ay makikita sa mga portable dddevices , na nagangailangan ng minimal current drain.

https://www.techopedia.com/definition/16316/battery

Halimbawa nalang ang alkaline battery , Mercury battery , Silver-oxide batteries at Zinc Carbon batteries. Once na wala na itong laman ay hindi na ito machacharge para magamit muli.

Ang Secondary battery naman ay ang battery na naichacharge , ay maaring magamit ng ilang beses at tumatagal. Ang secondary batteries ay mayroong active materials na maaring maibalik kapag ito ay nasa discharge state o lowbat na. Ang mga bateryang ito ay maaring mapagana muli sa pamamagitan ng electric current. Electric current ang tumutulong upang mabago ang chemical reaction na gumagana kapag ginagamit ang isang baterya.

Ang Lead-acid batteries ay isa sa pinaka matagal na uri nang reachargeable battery.

Tignan natin ang ilang dahil kung bakit nasisira ang isang baterya.

Sinasabi na ang may dalawang dahilan ang kung bakit ito nasisira.

Una ay dahil sa Sulfation o undercharging.

Sulfation ay ang pagpasok ng ng Lead sulfate crystals sa charging plates na nagpapatagal para sa isang baterya para tumanggap ng ng charge o buhay neto.

Ang pinagmulan ng sulfate ay tubig at sulfiric acid electrolyte solution sa loob ng battery.

Ang patuloy na electrochemical reaction sa pagitan ng dalawang magkaibang charges ay nagbibigay daan sa electrolyte solution na mag produce ng electrons.

Ang mga reaction na ito nasa optimal state habang ang battery ay nasa tamang kondisyon o charge, at dahil sa undercharging maaring itong mabawasan o humina.

Overcharging

Dahil ito sa maling paggamit at maling pag chacharge o kaya naman sa pag oover charge nito.

Paano na oovercharge ang isang battery ?

Sinasabi na mas malala ang mangyayari pag inovercharge mo ang isang battery , kumpara kung hindi mo ito chinacharge.

Kapag fully charge o full charge na ang battery at hindi mo ito tinangggal sa pagkakacharge o sa pagkakasaksak, natural nilang tatanggal o hindi tatanggagpin ang extra enegry na ibibinibigay mo sa kanila.

Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapainit at pag buo ng pressure na nagiging dahilan para makapaglabas ito ng chemicals o gas at malala ay maari itong sumabog.

Kaya minsan ay nakikita mo na lumolobo ang battery ng iyong cellphone. So paano natin maalagaan ng mabuti ang battery ng phone natin para hindi madaling masira ?

Narito ang ilang tips galing sa iba’t ibang pag-aaral.

Una ay Huwag mo itong hayaan na nakakasak kahit na fully charge na ito , dahil dito nagsisimula o nag uumpisa ang pag overcharge ng isang phone.May nagsasabi na kapag ichacharge mo ang battery mo ay mas mabuting huwag mo itong paabutin ng 100%.

Sabi sa pag-aaral sa isang Battery University. Ang Li-ion o lithium ion o rechargeable na battery ay hindi naman kailangan na fully charge , dahil ang high voltage ay nagpapahirap o nagbibigay ng stress sa isang baterya.

Lagi mong i charge ang iyong phone. Huwag itong lobatin hanggang sa hindi na magagamit.

Sinasabi na kapag nabawasan na ng 10 percent ang battery ng phone mo ay isa sa pinaka gandang lagay para icharge muli ang battery. Pero hindi mo naman pwede bantayan ang phone mo better na icharge mo kung mayroon kang pagkaktaon na icharge ito.

Ang Cellphone battery ay maysadong sensitive sa init so better to keep it in cool place. Hindi sa Ref, Ilayo mo lang ito sa mga bagay o ilagay sa lugar mainit.

Minsan ay magugulat ka na lamang na lowbat na ang battery ng phone mo pero hindi mo naman ito ginagamit.Hidi lamang sa dalas ng paggamit nalolobat ang iyong cellphone.

Dahil sa modernong panahon maraming apps ang mga lumilitaw at ikaw naman itong install ng install.

Narito ang ilang apps na hindi mo iisipin na makakapag paikli sa buhay ng iyong baterya.

Snapchat.

Sinasabi na ang snapchat ay nasa pang-apat na list sa Avast’s list at pangalawa sa AVG’s List. Sinasabing solution dito ay ang pag enable ng Travel mode (isang features sa snapchat) Ang travel mode ang pumipigil sa snapchat sa pre loading ng mga images at videos sa iyong feeds.

Tinder.

Ang app na ito ito nagbibigay ng daan upang malaman ng ibang tao ang location mo at dahil dito laging laging nagrerefresh na dahilan ngkalobat. Kung may ganito kang app ay maari mong i switch off ang background refresh. Maari mo ding i disable ang lahat ng notification kung hindi mo naman ginagamit ang app na ito.

Facebook at messenger.

Ang app na ito ay lagi mong ginagamit sa araw araw at lagi rin na napapabilis ang buhay ng cellphone mo. Maari kang mag install ng FB lite at messenger lite na kung saan mas mahina kumain ng baterya ng phone. Nariyan din ang Youtube , netflix , musical.ly , clean master.

Ngayon nalaman na natin ang mga dahilan ng pagkalobat ng cellphone at ano ang maaring gawin upang maiwasan ang mabilis na pagkasira neto.

Nag maari mo na lamang gawin ay alagaan ng mabuti ang phone mo upang hindi agadd masira.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang silbi ng pilikmata?

Bakit may mga taong second options ka lang?