Bakit ba gustong gusto natin ng tsismis?

Reading Time: 5 minutes

Sana nanonood ang kapitbahay naming tsismosa sa video na to. Well mga boss, bakit nga ba ang sarap makinig ng mga tsismis? Admit it or not, kapag sinabi ng kaibigan o kakilala mo na “may sikreto akong sasabihin”, o kaya ung “alam mo ba si ano, inano si ano” tapos sasabayan pa ng, “wag mong sasabihin ha, atin atin lang to”

 

Matapos ang isang linggo, heto ka, hindi na makapagpigil na ikwento sa isa mong kaibigan o kapitbahahy. Pero bakit nga ba?

 

First let us understand, ano ba ang tsismis? Ang tsismis mga boss ay isang personal o private information tungkol sa isang tao kung saan wala sya sa lugar na yon. Kadalasan ito ay mga negatibo o nakakahiya para sa taong iyon. By definition, ang tsismis ay pagttraydor sa isang tao dahil nagkkwento ka ng hindi nito alam at kadalasan hinuhusgahan mo ito.

 

Pag sinabing tsismis, hindi na magkanda ugaga ang iba dito. Sa katunayan kahit sa kaibigan, trabaho, celebrity o kahit sa pamilya mo, pag sinabing tsismis, gustong gusto nating makisawsaw o makisali dito.

 

Sa katunayan isang pag-aaral ang ginawa dito, at ayon sa pag-aaral kahit na alam na ng mga tao na mali ang tsismis, gustong gusto pa rin nila itong pakinggan.

 

May positive effect naman ang pagtsitsismis, akalain mo un meron pala ito  nuin. Well, ang pagtsitsismis ay gumagawa ng bond sa dalawang tao lalo na’t ung first time nilang magkita tapos maguusap sila tungkol sa kakilala nilang dalawa, mas nagiging malapit sila sa isat isa dail pakiramdam nila parehas sila ng point of view.

 

Hindi lang yan, nagkakaroon din tayo ng dagdag kaalaman sa buhay ng isang tao. At ang nakakaexcite dito, ay ang impormasyon na ito ay hindi naman natin dapat malaman, isang sekreto, isang forbidden fruit. Sympre pag nalaman na natin ang tsismis o sikreto na un, meron na tayong panghahawakan na alas at pakiramdam natin mas superior na tayo sa taong iyon dahil sa nalaman natin.

 

Ang pagtsitsismis ay binibigyan ng sense of belonging at participation sa mundong hindi nila ginagalawan, nagbibigay din ito ng ilusyon na may impluwensya o kontrol ang isang tao sa mundo na ibang iba sa kanya.

 

Halimbawa na lang, ang mundo ng mga mayayaman at sikat, mga artista, kadalasan madaming tsismis jan. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit ang katrabaho mo ay laging pinagtstsismisan ang inyong mga team leaders, supervisors o managers dahil ito ang nagbibgiay ng illusyon na sila ang may hawak ng sitwasyon.

 

Tsinitsismis din natin ang isang tao lalo na kung hindi mo ito trip, ung tipong iba ang dating sayo. Sa katuanyan, isang pag-aaral ang ginawa dito, nasa isang laro ang mga volunteers, at kapag sila ay nakakita ng hindi kanais nais na bagay o isang tao na gumawa ng masama o nandaya, tumataas ang heartrate nila, and take this, bumababa lamang ito kapag naipasa na nila ang impormasyon na kanilang nakita sa isa pang tao.

 

Kapag nakakita tayo ng isang maling ginagawa o masamang tao, nagiging frustrated tayo. Ang pagpasa ng impormasyon na ito ay nagbibigay sa atin ng satisfaction na napapaalalahanan natin ang kakilala natin na magingat sa taong iyon.

 

Ang tanong ngayon, ang tsismis ba ay mabuti o masama? Well alam nyo na ang sagot jan, kelangan pa bang espelengin yan mga boss? Ang tsismis generally ay masama, kadalasan malicious ito at destructive. Pero sympre meron pa ring positive effect ang pagtsitsismis kagaya nga ng nasabi ko kanina. In fact merong mga pagkakataon na mas nakakabuti ito, halimbawa na lang ang isa mong kakilala dumaan ng break up pero hindi nya ito sinasabi at sinasarili nya lang eventually nalaman ng isang kaibigan mo at tsinismis sayo, sympre, ngayong alam mo na, mas magiging maingat ka sa pagoopen ng topic na yon.

 

So ang verdict? Ang tsismis ay nakakabuti o nakakasama depende sa intent ng taong nagsasabi nito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Hindi nagkakavirus ang mac?

Ano ang Solar energy?