Bakit asul ang kulay ng langit?

Reading Time: 4 minutes

Ang tanong na ito ay mula kay 21flores lizviolet

Bakit kulay asul ang ating kalangitan?

 

Bakit nga ba? Bakit hindi Black, bakit hindi white? Bakit blue? Ito ba ang dahilan kung bakit tinawag itong blue marble dahil sa kulay ng langit? O baka naman totoo na flat ang mundo at ang asul na langit ang patunay nito? Panigurado palakpakan mga tenga ng flat earthers nyan.

 

Sabihin na nating totoo na flat ang mundo, totoo na nababalutan ng tubig ang mundo. Well papaanong mapapaliwanag ang pagbukang liwayway at pagdapit hapon nagiging kulay orange o mamulamula ang kalangitan, ano un red tide?

 

Ang puting liwanag ay nahahati sa 7 kulay. Ang puting ilaw ay isang portion ng electromagnetic spectrum. Ito ay nagrerepresent ng mga band ng wavelengths na nadedetect ng ating mga mata. Nadiskubre ni Rayleigh na kapag ang particles sa hangin ay nagbunguan kasabay ang liwanag ng araw, ang mga wavelengths ay kumakalat sa ibat iubang direksyon. Subalit may mga wavelengths na mas mabilis kumalat kumpara sa iba.

 

Napag-alaman ni Rayleigh na ang mga kulay na mayroong maliliit na wavelengths ay mas kumakalat ng mabilis at ang wavelength ng kulay asul ay mas mabilis kumakalat, halos 10times kumpara sa wavelength ng pula.

 

Nuong unang panahon, inakala ng mga eksperto na ang nagpapakalatng wavelength ay ang mga gas o dust particles. Kung ganun, ang rayleigh scattering ay mangyayari laamng kapag ang particles na bumangga sa liwanag ay kasing laki o mas maliit pa sa wavelength nito. Magulo ba? So ganito, kung ang mga gas o dust particles ang dahilan sa pagkalat ng wavelengths, then ang langit ay magiiba ibang kulay, depende sa panhon.

 

Mabuti na lamang at nandyan si pareng einstein dahil sya ang nakadiskubre na ang responsable sa rayleigh scattering ay hindi gas o dust particles, bagkus ito ay ang mga molecules. Sa panahon natin ngayon, mas naidentify pa kung ano ang mga molecules na ito, ang nitrogen at oxygen.

 

So naestablish na natin kung bakit kulay asul ang langit, dahil nga ang wavelength ng blue ay mas mabilis kumakalat kumpara sa ibang kulay. Ang susunod na tanong, bakit mamulamula ang kulay ng langit kapag lulubog na ang araw. Ang dahilan dito mga boss ay ang paglalakbay ng liwanag mula sa araw papunta sa ating atmosphere. Ang liwanag ng araw ay mas maikli ang nilalakbay kapag ito ay nasa itaas natin o tanghaling tapat, kumpara sa dapit hapon o bukang liwayway. Dahil nga sa mas malayo ang paglalakbay, nagcocollide ito sa mas maraming particles at dahil nga ang kulay asul ay mayroong shorter wavelengths, ito ay nawawala na at ang natitira ay ang longer wavelengths at ito nga ang kulay pula.

 

So it means ang araw natin ay hindi dilaw, hindi rin pula. Ito ay kulay puti. Subukan nyong tumingin sa araw pag tanghaling tapat ng walang salamin. Diba masakit sa mata? Sympre araw un eh, kayo talaga. Pero mapapansin ninyo na ang araw sa paligid nito ay kulay puti at habang papalayo ng papalayo ang tingin natin, ibig kong sabihin kapag tumingin kayo papuntang kaliwa mas nakikita natin ang mga kuilay kagaya ng violet, indigo at blue.

 

Kung nagustuhan ninyo ang video wag kalimutang magsubscribe at kung meron kayong mga katulad ng ganitong tanong isend nyo lamang sa [email protected] at ilalagay natin sa listahan yan. Muli, maraming salamat sa panonood!

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Patuloy ba ang pagadvance ng computer – Moores Law

Bakit tayo namamatay?