Bakit asul ang dagat?

Reading Time: 7 minutes

Topics

Paano mo ba masasabi na maganda ang isang dagat?
Malamang ang sagot mo ay, maganda ito at kamangha mangha kung itoay kulay asul. Malamang ay naisip mo na din na dahil ito sa kulay ng langit na sinasalamin laman ng karagatan dahil nga alam natin na ang tubig ay mayroong reflective capabilities, ang unang papasok na paliwanag sa isang gradeschool student ay nagisisilbi itong salamin ng ating langit kaya ang kulay nito ay kulay asul which makes sense sa totoo lang pero totoo nga ba ito?

May mga pagkakataon na kinukuha mo ito upang ilagay sa isang baso, pero magugulat ka na isa na lamang itong normal na tubig na walang kulay. Madami ka nang ginawang paraan upang makuha ang kulay asul na tubig na ito pero wala talaga nagiging clear translucent water ito paghiwalay nito sa mga kasama nya.

Ngunit paano maipapaliwanag kung paano nagkakaroon ng kulay ang karagatan. Ang tanong na ito ay mula kay Jayson Ortega at ito ang Ask bulalord.

Blue Ocean:

The Blue Ocean Strategy Part 1: Introduction - Resources

Ayon sa ilang mga research, ilang paliwanag ang nagsilabasan kung paano nagkaka kulay ang dagat. Ayon sa ocean service, ang kulay asul na nakikita natin sa karagatan ay dahil sa liwanag na tumatama dito.

Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, ang dagat ay nagkakaroon ng asul na kulay dahil sa pagtama ng liwanag na nagmumula sa araw. Dahil sa liwanag na ito, ang tubig sa dagat na mayroong molecules ay iaabsorb ng walang alinlangan ang liwanag na tumatama dito.

Ang pinaka-kinukuha ng mga water molecules ay ang mahahabang wavelengths na mula sa liwanag, nariyan ang kulay na pula, orange dilaw at berde. Pero wala ang asul jan bulalord nan loloko ka ba? Teka lang, di pa ko tapos eh, Dahil ito sa shorter wavelengths na kulay asul na mas nakikita ng ating mata. Ito ang dahilan kung bakit natin nakikitang kulay asul ang dagat.

Siguro ang susunod na tanonng na naglalaro sa isip mo ay paano naman maipapaliwanag ang ibang kulay ng dagat na minsan ay kulay berde at minsan naman ay dark blue, may paniniwala na kapag asul daw ay malalim na dagat kapag berde hindi ganuon kalalim at pag brown, well ilog na un.
Ayon sa research, habang ang isang dagat ay palalim ng palalim makikita mo ito na isang dark blue. Dahil ito sa dami ng tubig na mayroon ang dagat. Kung makikita mo sa pampang ang kulay nito ay sky blue, ngunit kung ikaw ay pupunta sa malalim na parte makikita mo na ang pagka dark o navy blue neto.

Habang palalim ng palalim ang napupuntahang parte ng dagat, ang kulay na iyong nakikita ay mawawala. Dahil hindi na umaabot ang liwanag sa pinaka malalim na parte ng karagatan. Ito rin ang dahilan kung bakit sa mga documentaries ay hindi kulay asul ang pinakailalim ng dagat.

Dahil mas madaming liwanag ang naabsorb at nagrereflect sa dagat nakikita ang kulay berde ng dagat ay dahil sa mga bagay na nasa ilalim neto. Mula sa liwanag ng araw, at mula sa mga kulay ng mga bagay tulad ng mga halamang dagat, mga lumot at mga phytoplanton na lumulutan dito.

Kung ang tubig ay walang kulay? paano nagkakakulay ang isang ilog? Dahil ito sa mga pag-ulan na nangyayari. Sa tuwing umuulan, ang tubig sa ilog ay umaapaw at dahil sa basang lupa na nagiging putik.Sumasama ito sa tubig dahilan upang ito ay magkaroon ng maruming kulay. Kung minsan ay nakikita mo din na ang ilang parte sa ng karagatan ay kulay kayumanggi. Dahil ito sa patuloy na pag-ulan, na ang ilang mga tubig na mula sa ilog ay napupunta sa karagatan.

Ngunit hindi lahat ng ilog ay marurumi. Kung ikaw ay isang layas o isang traveler, malamang ay alam mo ang tinatawag na enchanted river na makikita sa Pilipinas. Ito ang Hinatuan River na kulay asul at may halong kulay berde. Hindi ibig sabihin na galing ang tubig na ito sa dagat, magkaiba ang properties ng ilog at dagat, alam na natin yan obviously.

Ang kulay neto ay dahil sa nakapalibot ditong mga magagandang halaman. Dahil na din sa ito ay malayo sa polusyon. Nirereflect nito ang mga kulay ng mga bagay na nasa paligid nito.Kasama na din sa kulay nang mga bagay na nasa ilalim ng ilog na ito.

Ilog man ito, isa man itong fountain, o kahit anong bagay ito na mayroong tubig.

So, nalaman na natin kung paano nakakapag pakita ng kulay ang isang karagatan. Hindi kana muli gagambalin ng iyong malawak na kaisaipan at nasagot na ang isa sa pinaka matagal mo nang katanungan.

Ang kulay ng isang dagat ay maaring maging anong kulay, asul; pula; berde. Base ito sa kung gaano karaming liwanag ang nakukuha neto, kung ano ang mga nasa ilalim neto, kung ano man ang nakapalibot dito. Ang dagat ay isang napaka laking salamin.

Alagaan natin ang kapaligiran upang patuloy nating makita ang gandang ipinapakita ng isang karagatan.Iwasan ang pagtatapon ng kahit anong bagay na maaring makasira sa kulay nito at maaring makasira sa lahat ng mga bagay ng namumuhay sa ilalim neto.

Ang pagmamahal sa kalikasan ay isang paraan upang tulungan ang ating mundo.Kaya magtapon ka nang basura sa tamang lugar at huwag lamang kung saan saan. Isa pa sa mga bagay na iyong tatandaan, hindi lahat ay nakaka inom ng malinis na tubig. Maraming pa ding mahihirap ang hindi nakakatikim ng isang malinis na tubig. Akalain mo un nakasingit pa ng pangaral sa mga pasaway na nagtatapon ng basura sa dagat o ilog. Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan tokayo Jayson Ortega.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.wonderopolis.org/wonder/why-is-the-ocean-blue/
  2. https://www.livescience.com/44205-why-is-the-ocean-blue.html
  3. https://www.loc.gov/everyday-mysteries/item/why-is-the-ocean-blue/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang kwento sa likod ng kilalang pelikula ng disney

Bakit hindi na lang magprint ng pera para ipamigay sa mga mahihirap?